Chapter 5- Ghost Attack

311 22 2
                                    

Warning: To any Kiefer Ravena fans out there, this might be offensive for you. No offense meant though. This is all just for literature's sake. 


Ang kapal din naman ng mukha ng lalaking to. Right now, Mika's crying over him and he's just here making out with somebody else! Si Mika pa talaga ang pinalabas niyang manloloko eh heto nga siya't may ibang kalampungan na agad.

"Gago ka Kiefeeeer!!!" Sa sobrang galit ko hindi ko napasigaw na talaga ako sabay hampas sa TV na nasa kwarto ni Kiefer.

*BLAG!*

Gulat na napayuko ako sa may paanan ko. I don't know how it happened but somehow, in my surge of anger, I managed to knock the television for real. Hindi lang basta lumusot ang kamay ko. Talagang nahawakan ko ang TV at nahampas ko talaga. Eto nga at wasak na ang TV ni Kiefer sa may paanan ko. Agad kong nilingod ang malalanding higad na naglalampungan sa kama para tingnan ang reaction nila. Sa lakas ng impact ng pagkahulog ng TV eh natigil sila sa kahalayan nila. Lumapit naman agad si Kiefer sa kawawa niyang TV at naguguluhang ininspeksyon ito. Ang babae naman, deadma lang at humiga ulit sa kama.

Hindi ko alam kung hanggang kelan magtatagal ang kakayahan kong makahawak kaya dapat kong sulitin to. Oo nagulat ako sa nangyari pero hindi sapat ang gulat ko para matabunang ang galit ko kay Kiefer. Agad kong nilapitan si Kiefer na naka-crouch sa fallen TV niya. Pagkalapit na pagkalapit ko, sinipa ko ng pagkalakas lakas ang pwet niya. Inexpect ko na lulusot ang paa ko pero, fortunately hindi kaya sapol ang pwet ni Kiefer. Napatayo naman agad ang gago habang sapo ang nasaktang pwet.

"Why'd you kick me?" tanong niya sa babaeng hanggang ngayon ay nakahiga pa rin. Tulog na pala ang babae. Ang bilis naman makatulog. Lasing yata tong mga to eh.

"I must be really drunk." kausap ni Kiefer sa sarili.

Habang naguguluhan si Kiefer, lumapit naman ako sa lamp sa may bedside table niya. Dahan dahan kong inisod ang lamp hanggang mahulog ito. Gulat na napaatras si Kiefer at accidentally, naapakan niya ang bubog mula sa sirang TV. Agad nagdugo ang mga paa ni Kiefer pero mukhang hindi niya na namalayan. He seems to be too occupied with confusion over what's happening. Unti unting gumuhit ang takot sa mukha ni Kiefer. If I wasn't filled with so much anger right now, I would've laughed at how pathetic he looks being all shocked, scared and confused.

Sunod kong nilapitan ang desk na may mga trophies. I lifted each trophy and forcefully slammed each one on the floor. Paglingon ko kay Kiefer, namumutla na siya at mukhang maiiyak na sa takot. Hindi rin naman siya sumisigaw. He looks paralyzed with fear. Sabagay, sino ba namang hindi matatakot kung bigla bigla na lang nagsipanghulog ang kagamitan mo kahit wala kang nakitang tumulak sa mga gamit mo.

Mabait naman talaga akong tao. Pero, for some reason, hindi ko talaga makontrol ang galit ko. I know takot na takot na si Kiefer so I should stop but I cant. I'm too angry. Maybe I shouldn't stop. After all, Kiefer has been a grade A douchebag to Mika so he deserves the scare he's getting.

I was just about to knock over the desk that held the trophies when I suddenly got enveloped by a bright white light. Napapikit ako sa sobrang liwanag ng paligid. Pagkadilat ko, wala na ako sa kwarto ni Kiefer. Nasa room ulit ako nina Ara. Mika is currently sleeping. Maaga pa pero napagod ata siya sa kakaiyak kaya nakatulog na. Sina Ara, Kimmy at Carol naman, nagtotong-its ulit.

"Ekay."

Agad akong napalingon sa likuran ko. Nandito si Eros. Hindi ko na kailangan magtanong. Alam ko siya ang nagdala sa akin pabalik dito. It's weird actually. Nung nasa kwarto ako ni Kiefer, punong puno ako ng galit. Ngayong nakabalik na ako sa dorm ng Lady Spikers, parang nawala ang galit ko. Instead, parang napalitan ng guilt ang galit na naramdaman ko kanina. I just terrorized the shit out Kiefer and I shouldn't have done that.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ghost of a Thomara ShipperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon