Dalawang araw na ang nakakalipas magmula ng lumipat sa Min sa special section. Dalawang araw ng puspusan na paghahanda para sa training. Mga physical activities, logical thinking and reasoning, at kung anu-ano pa.
So far, naging at ease na rin ako sa lahat ng nasa klase.Well,except kay Shaine.
"Hi, Andre!" At ayun si Kevin, Andre pa rin tawag sakin. Nginitian ko lang siya at itinuloy ang isang makabagbag damdamin at nakakaiyak na gawain. Ang pagka-clash of clan. Focus na focus ako sa paglalaro nang biglang may umagaw nito.
"Oy Vanessa, akin na yan. Kita mong naglalaro yung tao eh!" Ang epal talaga nitong babaeng to. Feeling President, mukha namang escort.
"I don't care. How dare you to just play there while all of us are busy with the lesson?! Wait, do you even know that there are lectures written in the board?" Pero bago pa ako makapagsalita ay may isang tao na pumunta sa harap ko.
"Of course she knew it. She's not blind. Duh." Shaine naman e! Alam ko naman na mortal enemy mo si Vanessa pero please lang. Ayoko ng gulo. Good girl na ako ngayon e. Parang ang weird pala pag sa akin nanggagaling yung thought na iyan, parang di kapani-paniwala e.
"Oo nga. Pwede mo naman hingiin ng maayos kay Andre yung cellphone hindi yung nang-aagaw ka.Tiyak ibibigay niya naman iyan sa iyo." Dumagdag pa 'to si Kevin.
"Yeah, right. She has many phones. Afterall she is the daughter of our Vice President." Paano niya nalaman iyon? Pero gusto ko sana siyang i-high five dahil iyon din yung gusto kong sabihin pero wag na. Baka lalong gumulo.
Nasabi ko na ba na may kasamang tatlong lalaki at apat na babae si Vanessa na mukhang handang rumesbak kahit na anong oras?
"Are you insulting me. Excuse me lang ha?!" Inis na sabi ng feelingerang mukhang kuko.
"Dadaan ka? Daan na." Pambabara naman ni Shaine.
"F*ck you!" Eto na nga ba ang sinasabi ko.Biglang sinabunutan ni Vanessa si Shaine. At pinagsusuntok naman ng mga kasama niyang lalaki si Kevin. My God! Wala silang kalaban-laban.
Pagtingin ko sa paligid,wala na yung mga kaklase namin. Wala akong mahihingan ng tulong.
Sa tingin ko wala na akong choice.Huminga ako ng malalim at itinuon ang isip at paningin sa malalaking bato na nasa tabi ng halaman malapit sa bintana ng aming room. Iniimagine na mapunta ang mga ito kay Vanessa at sa mga kasama niya.
"Hey,ugly bitches and douchè bags,this are all for you." At biglang lumipad ang malalaking bato sa kanila gaya ng iniisip ko. Pain and shock was written all over their faces.
"WTH!" Yes, I know Shaine. I am so amazing. No need to announce.
"Andre! Okay ka lang?" Binatukan ko nga to si Kevin. Siya nga yung dapat kong tanungin nun e.
"Okay lang ba kayo?"
"....." Speechless pa po sila."Ritz!" Nakita ko ang manghang expression ng bestfriend kong si Min na nasa may pintuan kasama si------ Daddy?!
"Alexandre Ritz, follow me." Matigas na sabi ng aking ama. Nanginginig ang tuhod na sumunod ako sa kaniya habang inihahanda ang aking sarili sa sermon. Ang malas naman. Pero kahit na ganon, hindi ko pa rin pinagsisihan na ginawa ko iyon. Tama lang iyon sa kanila.
Pagdating namin office niya, agad niyang sinarado ang pinto.
"How long have you been doing that?" Hindi ko mapigilang hindi mapalunok.
"Uhm, 'been doing that for about two years already." Inhale. Exhale. Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Daddy. What's this? Diba galit siya sakin?
YOU ARE READING
Wistful Her [On-hold]
Science Fiction[ on-going series ] Witness the story of this tormented and hopeless protagonist who are just wistful enough to use Science in order to change her fate. || Science Fiction || Mystery/Thriller || Teen Fiction || Fantasy ||