Chapter 46

506 8 5
                                    

--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--

"Guys!!!" sabi ni Anne habang tumatakbo papunta sa mga kaibigan.

"ANNING!!!" tapos ay tumakbo naman silang lahat papunta kay Anne pero si Vice, iba ang pinuntahan, sI Vhong haha, tatangkain niya kasi halikan ito.

"Vice, hindi talaga si Anne yan, lumagpas ka." sabi naman ni Billy kay Vice sabay hila palayo. "K, tignan mo 'tong asawa mo, lumalandi nanaman." 

"Huy K mahal ikaw naman alam mo naman joke joke lang yun diba?"

"Lagot ka sa akin paguwi. BFF!!" tapos ay niyakap niya ng mahigpit si Anne. "BFF kamusta ka na, grabe pumapayat ka na ha."

"Oo nga Anning, pumapayat ka ata. Ginugutom ka ba nito ni kuys?" biro ni Billy.

"Haha, kayo talaga, stress lang sa work, grabe guys sobrang miss na miss na miss ko na kayo, tagal na nating hindi nagkikita." masayang sabi ni Anne sa barkada.

"Saka anong ginugutom, alagang alaga nga ako ni Vhongskie ko eh." tapos sabay sakap sa asawa.

"Alam naman namin yun Anning no, o siya tayo ay kumain na at baka lumamig itong mga niluto ni Vhong." sabi ni Billy.

"Nako Billy basta pagkain talaga." tukso naman ni Vice sa kaibigan.

"Hard ka Viceral ha, pasalamat ka at gutom na ako kundi papatulan kita." 

"Ah papatulan mo ko, bet ko yun Billy, come to MAMA!!!" tapos ay nagtawanan ang lahat.

*

"Vhongskie ko ahh" tapos ay sinubuan ni Anne ang asawa. Ngumiti naman si Vhong at hinalikan niya ito sa labi

"Yiiehh si mommy at daddy ang sweet." sabi naman ni DJ na tuwang tuwa sa habang pinapanood ang magulang.

"Viceyy mahal, ito oh." tapos ay sinubuan ni K si Vice.

"Wow nainggit yung dalawa." biglang singit ni Eruption.

"Oo nga kuys eh, oo nga palaa K, tagal niyo nang magasawa ni Vice, ano wala parin ba?" tanong ni Jugs sa magasawa.

"Oo nga ate K at Vice, kailan ba?" dugtong ni Teddy.

Nagkatinginan ang mag-asawa at napangiti sa isa't isa.

"Wow brad, anong ibig sabihin ng mga ngitiang yan ha?" tanong ni Vhong tapos ay tinapik akg balikat ni Vice.

"Makabrad naman 'to sa akin, guys, yun din sana ang sasabihin namin ni K sa inyo, malapit na kayo maging ninong, buntis ang asawa ko, 2 weeks na." masayang masayang sabi ni Vice.

"Talaga bestie? Wow congrats"

"Yun naman eh. Nako congrats Vice, K"

"Guys, group hug naman diyan oh." tapos sila ay nagroup hug.

"BFF, I am so happy for you, yung matagal mo nang pinapangarap, ayan na. Magkakababy na kayo." tuwang sabi ni Anne kasi alam niya na yun na talaga ang matagal nang inaasam asam ni K

"BFF, talagang dream come true na ito. Sa wakas, nakabuo na rin kami ni mahal."

"Naks naman talaga Vice, lalakeng lalake ka na. Congrats bestie." sabi ni Billy.

"Hoy vice! Alagaan mo mabuti ang BFF ko ha, pati na rin si baby!! Kung hindi malilintikan ka sa akin!" sabi ni Anne kay Vice.

"Oo naman no Anning, tagal naming hinintay itong baby namin, kaya aalagaan ko 'tong mabuti."

"Dapat lang, BFF ha, magsusumbong ka sa akin pag pinababayaan ka nitong si Vice."

"Siyempre BFF no!"

Married na ako kay Pulis Bago (sequel ng In love ako kay Pulis Bago)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon