Chapter 29

647 13 1
                                    

--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--

"Nay!" tawag ni Bianca sa isa pa niyang nanay, si Lerisima. Nang marinig naman ito ni Lerisima ay agad nitong binuksan ang pinto. "Bianca, anak" buong sayang sinabi ito ni Lerisima tapos niyakap ng mahigpit. "Miss na miss na kita Bianca. Tara pasok" tapos pumasok naman si Bianca sa loob ng bahay. "Anak, kamusta ka na. Grabe lalo kang gumaganda anak ha." Papuri ni Lerisima kay Bianca. "Naks naman nay, binola niyo po pa ako ha. Ayos lang naman po ako. Eh kayo po, kamusta na po kayo dito?" pangangamusta ni Bianca sa nanay number 2. "Ito ok naman ako anak. Ano anak, kumain ka na ba? Gusto ipaghanda kita ng meryenda?" alok ni Lerisima sa anak. "Nako nay, wag na po kayong  magabala. Ito po o may dala na po akong meryenda natin" tapos pinakita ang bitbit na pagkain. "Ay nako salamat, sige teka kukuha lang ako ng plato natin" at naghain si Lerisima tapos ay nagsimula nang kumain ang dalawa

*

*

*

*

Kasalukuyan ngayong nasa mall sina Anne, Vhong, at ang anak na si DJ. Ilang linggo na rin ang lumilipas at tuluyan nang okay si Vhong pero hindi parin maiwasang magalala ni Anne. "Vhongskie ko, ako na magbubuhat kay DJ, baka hindi pa totally magaling yang kamaya mo, mabalian ka uli" sabi ni Anne. "Anneskie ko, okay na ako oh. Namiss kong kargahin ang baby boy ko eh" sabi naman ni Vhong kaya tumango nalang si Anne. Una muna silang pumunta ng Department Store at dun ay namili sila para kay Baby DJ at para sa kanila na rin siyempre. "Vhongskie ko, ano kaya mas bagay kay DJ, itong may stripes or plane lang?" tapos pakita kay Vhong ang dalawang damit. "Hmm, tingin ko mas okay yung may stripes" so kinuha ni Anne yung Striped shirt at binalik ang plain shirt. After ng damit ay pants naman ang binili tapos ay mga sapin sa paa at kamay.

"Vhongskie ko, ang dami na nating napamili para kay DJ o" sabi naman ni Anne. "Oh baby tignan mo oh, dami mo nang mga damit oh" tapos ay kiniss ni Vhong ang anak. "Ayan Vhongskie, bagay sayo ito" nilapit kay Vhong ang damit. "Vhongskie ko, sukat mo dali" sabi naman ni Anne. Sumunod naman si Vhong sa sabi ng asawa, agad siyang ngahanap ng fitting room at sinukat ang damit.

Anne's POV

nandito kami ngayon sa department store, siyempre para magshopping. Namiss namin ni Vhongskie ko ang bonding naming ganito eh. Ito hawak ko ngayon si baby DJ. Ang cute cute niya talaga oh. Manang mana sa akin yieehh. Ngayon ay hinihintay ko ang akong si Vhongskie, pinasukat ko kasi sa kanya yung damit na nakita ko. Feeling ko kasi ang gwapo niya dun sa shirt na yun. Ay ayan na palabas na. Nung makita ko siya, napanganga nalang ako. Grabe, ang gwapo niya talaga kahit anong ipasuot mo sa kanya. Hay, nakakainlove talaga siya. "Anneskie, Anneskie, wui Anneskie" ay nakatulala pala ako. Gwapo niya kasi eh. Pero grabe nakakahiya ako. "Aa, Vhongskie ko" sabi ko naman. "Ok ka lang ba Anneskie ko? Tulala ka ha" sabi sa akin ni Vhong. Nakakahiya talaga. Babae pa talaga ang nakatulala ngayon, eh hindi ko naman kasi mapigilan, ang gwapo niya eh. "Ha, o-oo naman Vhongskie ko. Wow ha, gwapo mo diyan" puri ko sa kanya. Actually araw araw naman ang gwapo niya eh. "Talaga Anneskie ko, baka binobola mo lang ako ha" kailan ko naman siya binola? "Vhongskie ko, kailan naman kita binola?" sabi ko sa kanya. Eh totoo naman sinabi ko, na ang pogi niya sa suot niya. "Talaga? Salamat Anneskie ko" tapos nginitian niya ako. Goodness, gusto ko nang matunaw. "Sige Vhongskie, kunin na natin yan" tapos bumalik siya ng fitting room para hubarin yung damit. "DJ, ang pogi talaga ng tatay mo. DJ gusto mo na ba magkaron ng kapatid?" teka ano ba yung tinanong kong iyon. Nababaliw na ata ako eh. At magpaalam ba sa sanggol na hindi pa naman makapagsalita. Hay nako, kasi naman itong si Vhongskie ko eh, nakakabaliw talaga siya. Ayan lumabas na si pogi. Kinuha na namin ang damit at nagbayad na kami.

Married na ako kay Pulis Bago (sequel ng In love ako kay Pulis Bago)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon