Chapter 30

639 12 0
                                    

--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--

Vhong's POV

Ang likot talaga nitong anak ko eh, lakad ng lakad. "Dj, dito lang" habol naman ako ng habol sa kanya. Napakaliksing bata kasi eh, baka kasi mapaano. Pero hinahayaan ko siyang maglakad, in that way matutuo siyang maglakad at tumayo. Nakakatuwa siya kasi nadadapa siya ng nadadapa pero tumatayo siya ulit at nandito lang naman ako sa likod niya, siyempre hindi ko siya pababayaan. Lakad lang siya ng lakad. Grabe hindi ba siya napapagod, paikot ikot na eh. Ako ang nahihilo sa kanya. Kalalakad niya, ayan may nakabunggo siya kaya agad naman akong tumakbo para habulin siya. "Nako anak. Pare pasensya ka na pare ha, likot kasi ng anak ko eh." sabi ko dun sa lalake. Sa tingin ko naman hindi siya galit at mukhang okay lang naman sa kanya. "No its okay. Nakakatuwa nga siya eh, ang cute cute niya." sabi naman nung lalake sa akin. Hays buti naman. Eh kasi pakiramdam ko naiinis talaga siya dahil natapon yung ice cream na hawak niya. "Nako pare, pasensya ka na talaga ha. Mukhang yung ice cream na hawak mo natapon. Bilhan nalang kita ng bago." alok ko sa kanya. Siyempre nakakahiya naman eh. "No bro. Its okay. No need" pagtanggi niya. "Brad, pasensya ka na talaga ha. Kakahiya sayo eh." sobrang hiyang hiya ako. "Ang cute naman ng anak mo, anong pangalan niya?" tanong sa akin nung lalake. "Ah siya si DJ, Daniel John." sabi ko naman sa kanya. "Wow nice name ha. Hi DJ, ang cute cute mo naman." tapos hinaplos niya ng konti ang mukha ni DJ. Natuwa talaga siya sa anak ko ha. "Eh ikaw bro, ano naman pangalan mo?" tanong niya sa akin. Siyempre sinabi ko naman. "Vhong pare, Vhong Navarro" tapos ay nagshake hands kami. "Nice to meet you Vhong, I'm Sam, Sam Milby." Sam pala pangalan niya. Teka, parang narinig ko na yung pangalan na iyon ha. Ewan ko, basta naaalala ko narinig ko na ang pangalan na iyon.

Patuloy lang kami nagkukuwentuhan nitong si Sam. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Meron daw siyang girlfriend dati pero niloko niya lang daw paero ngayon he wants her back pero huli na daw, kasi may asawa na daw yung babae. Lungkot naman, pero nagbigay naman ako sa kanya ng advise. Siyempre new friend na niya ako eh kaya nagbigay ako sa kanya ng konting payo.

Sarap na ng kuwentuhan namin ng marinig akong nagsalita. "V-Vhongskie ko" si Anneskie ko pala. "Anneskie ko, ikaw pala, halika may ipapakilala ako sayo. Anneskie ko, siya si Sam Milby. Sam this is my wife Anne". Okay lang ba itong si Anneskie ko, parang nakakita siya ng multo, tulala na hindi mo maintindihan. "Anneskie ko, okay ka lang?" tanong ko sa kanya. "O-okay lang ako." sagot naman niya sa akin.

--End of POV--

Anne's POV

Of all people na makikilala ni Vhongskie ko, bakit si Sam. Why Sam? Bakit? Bakit yung taong kinamumuhian ko pa. "Hi Anne, I'm Sam" tapos inoffer pa niya yung kamay niya para makipagshake hands sa kanya tapos nakangiti pa siya. Very mysterious smile. Yung ngitii niya parang may masamang balak na hindi mo maintindihan, pero for the sake of Vhongskie my loves, plastikan kung plastikan. "Hi, I-im Anne" tapos nagfake smile ako then inabot ko na rin yung kamay ko. Goodness, I need to get away from this place. "Ah, Vhongskie ko, uwi na tayo, medyo sumama yung pakiramdam ko eh" excuse ko para umalis na kami. HIndi ko kasi masikmura ang pagmumukha niya. "Ah nako Anneskie ko. Ah sige Sam, alis na kami ha, medyo masama ata pakiramdam ng asawa ko eh" sabi ni Vhongskie ko. "Aa ganun ba, sige and Vhong and Anne, nice to meet you again" sabi ni Sam. Nabibiwisit talaga ako sa kanya. Nagfake smile nalang ako. "Nice to meet you too Sam" sagot naman ni Vhongskie ko tapos ay umalis na kami. Buti naman hay. Nasira ang mood ko tuloy. Ganda ganda na ng araw ko dahil kasama ko ang mag-ama ko pero na BV naman ako gawa nung kumag na 'yon

Nandito na kami ngayon sa kotse. On the way na kami pauwi. Ako nakasandal sa balikat ng Vhongskie ko. Infairness, bango niya talaga. "Anneskie ko, tulog ka muna, para bumuti yung pakiramdam mo" buti sinabi niya yun. Dahil masunurin ako, siyempre susunod ako. Kaya bigla akong humiga sa lap niya. Para paraan din kasi. "Oh Anneskie ko, baka hindi ka komportable diyan ha. Nagdadrive ako, baka matamaan ka ng siko ko" kahit tamaam pa niya ako, wala akong pakialam. Basata gusto ko humiga sa mga binti niya. "Okay lang ako Vhongskie, basta gusto ko humiga dito" tapos ay nakatulog na ako

Maya maya ay nandito na kami sa bahay. Hindi ko alam basta sarap ng tulog ko habang nakatulog ako sa hita ng Vhongskie ko. Ginising nalang ako ng Vhongskie ko. "Anneskie ko, gising ka na, dito na tayo sa bahay." kainis naman, sana binagalan niya yung drive niya para naman nakhiga pa ako ng mas matagal. Pero ok na rin pala yung 30 minutes. Grabe inaantok pa ata ako.

Saa loob  ng bahay ay nakita ko si Bianca at Mommy na nagkukwentuhan. "Ma nandito na po kami" sabi ko. Bigla naman siyang magpakita sa amin. Nagmano kami ni Vhongskie ko tapos kiniss namin sa cheeks. "Oh anak kamusta ang inyong bonding together?" tanong sa akin ni Mommy. Gusto ko sana sabihin na okay na sana eh, kung hindi ko lang talaga nakita yung Sam na 'yon. "Masaya po kami mama kanina. Siyempre masaya kasi kasama ko ang Vhongskie ko at si DJ." sabi ko sa kanya. Siyempre kinamusta ko na rin si Bianca. "Oh, ate Bianca, ikaw kamusta naman lakad mo kanina?" tanong ko sa kapatid ko. "Ok naman, nakapagbonding kami ni nanay Lerry kanina, pero mas masaya sana kung kasama si Mommy eh" sabi naman sa akin ni Ate. "Oh ma, sige po akyat po muna kami. Papahinga lang po si Anneskie ko eh. Bigla daw po kasi sumama ang pakiramdam niya." excuse ko lang naman kasi iyon para hindi kami magtagal sa pakikipagusap dun sa mokong na si Sam. "Oh sige, akyat na kayo at tatawagin nalang namin kayo pag okay na ang hapunan" tapos umakyat na kami. Pag dating namin sa kuwarto ay agad kaming nagbihis. Humiga na ako sa kama para ipakita na masama talaga yung pakiramdam ko, at para yakapain niya ako. Aa, landi ko talaga haha. Pagkahiga ko ay humiga naman siya at hinaplos haplos niya ang ulo ko. Ayan kahit papano nawawala yung bad vibes ko pero naramdaman ko na tumigil siya at nakita ko na patayo siya. Aba hindi ako papayag, dito lang siya sa tabi ko. "Vhongskie ko, san ka pupunta?" tappos hinwakan ko ng mahhigpit ang kamay niya. "Anneskie ko, kukuhaa lang akko ng gamot mo para bumuti ang pakiramdam mo" hindi ko kailangan ng gamot para bumuti dahil siya lang solve na ako. "Vhongskie ko dito ka lang, hindi ko na kailangan ng gamot." tapos tumayo na ako para pigilan lang talaga siya. Ayaw ko kasing umalis siya dito sa tabi ko. "Pero Anneskie ko.." aba hihirit pa ha. "Please" siyempre, sumunod siya. Hindi na siya umalis kaya humiga nalang siya uli sa kama at hinahaplos uli ang ulo ko. Haplos lang? gusto ko yakap. "Vhongskie ko, yakapin mo ko" diba ako na gumawa ng move. Then sinunod nga niya. Niyakap niya ako. WAAAA, kinilig ako. Okay Bad Vibes erase. "Vhongskie ko, I love you" sabi ko sa kanya tapos kiniss kosiya sa lips. Ngumit lang siya then sinabi niya na, "I love you more Anneskie ko" tapos kiniss niya ako. Hay, heaven. Then tulog

--End of POV--

Sam's POV

Siya pala yun. Siya pala ang asawa ni Anne. Siya pala si Vhong. At least nakilala ko na yung asawa niyang sinasabi niya.  Hindi din naman pala malabong na inlove sa kanya si Anne, mabait, guwapo. Pero hindi ko parin maatanggap na wala na kaming pag-asa ni Anne. "Bro kain na" tawag sa akin ni Piolo na kataapos lang maghain, ako naman ay bumaba.

"Bro, nakilala ko na siya" sabi ko kay Piolo habang kami ay kumakain. "Sino?" tanong naman niya. "nakilala ko na ang asawa ni Anne, nakilala ko na siya" at gulat naman itong kaibigan ko. "Oh, talaga, anong paangalan niya, at musta naman paguusap niyo?" tanong sa akin. "Vhong, Vhong pangalan niya. May anak na din sila, si Daniel John pero DJ ang palayaw niya." matamlay kong sabi. "Eh kamusta naman yung encounter niyo" tanong sa akin ni Piolo. "Mabait siya guwapo din. Hindi ako magtataka kung bakit siya na inlove sa kanya" sabi ko sa kanya. Matamlay talaga ako at parang walag ganang kumain at napansin naman iyon ni Piolo. "Bro, okay lang yan, I'm sure makakahanap ka pa naman ng iba" sabi sa akin ni Piolo. "Bro, masaya lang ako para kay Anne, kasi finally nakakita na siya ng lalakeng tunay na nagmamahal sa kanya at hindi siya lolokohin" masaya nga ba talaga ako? Parang hindi naman. Kasi ang totoo, kumikirot ang puso ko. Parang sampung blade ang humihiwa sa puso ko. Sobrang sakit talaga. 

--End of POv--

--God Bless--

Married na ako kay Pulis Bago (sequel ng In love ako kay Pulis Bago)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon