Chapter 43

405 8 0
                                    

--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--

"Baby Anne, bakit mo naman ginawa yon? Kababae mong tao, pala-away ka." tanong ni DJ sa kapatid.

"He started it kuya, kinuha niya yung baon ko, tapos tinawag pa niya akong stupid, maantot, hindi kaya nakakatuwa yun kuya." sabi ni Baby Anne.

"Kahit na, sana hindi mo na pinatulan, naaalala mo ba yung sabi ni Daddy sa atin, no fights inside the school."

"Okay lang sana yung tinutukso niya ako, pero para kunin yung baon ko. Alam mo naman na gawa ni Daddy lahat ng baon natin kaya ayaw ko na sa iba mapunta."

"Bakit ka ba kasi inaaway nung si Renz. Ano bang ginawa mo sa kanya. Ang alam ko 7 years na kayong magkaaway nun, hanggang ngayon pa ba?" tanong ni DJ sa kapatid.

"I don't know kuya." sabi ni Baby Anne.

"Baka naman may gusto yun sayo, hindi mo lang pinapansin kaya gumagawa ng paraan para pansinin mo. Yiiieeeh si bunso may love life niya." tukso ni DJ kay Baby Anne.

"Will you stop it kuya, kung tuksuhin mo ako eh kanina lang, mukhang in love ka dun sa ate ni Renz." natahimik naman si DJ

"See natahimik ka kuya, it means totoo."

"Hay nako Baby Anne, kumain ka nalang diyan at baka malate ka pa sa next class mo."

"Ui si kuya, crush si Ate Kath." kantsyaw ni Baby Anne sa kuya.

"Tumigil ka na diyan ha." sabi ni DJ

*

*

*

*

"Vhongskie ko, alis ka na?" tanong ni Anne kasi ayaw pa niyang umalis ang asawa niya.

"Oo Anneskie ko, bakit?" sabi naman ni Vhong. Bigla nalang siyang niyakap ng asawa. "Vhongskie ko, wag ka munang umalis, dito ka muna." sabi ni Anne at mahigpit paring nakayakap sa asawa.

"Eh Anneskie ko, may trabaho ka pa, may meeting ka pa mamaya diba, baka makaistorbo lang ako, tapos magluluto pa ako ng hapunan then susunduin ko pa yung mga bata." sabi ni Vhong.

"Mamaya pa naman yung meeting ko eh, please" then kiss sa lips.

Ngumiti naman si Vhong then sabi, "charap, isa pa." at agaad naman siyang sinunod ng asawa. "Vhongskie ko, maya ka na umalis."

"Oo na sige na, lakas mo talaga sa akin."

"Kaya love na love kita eh" tapos ay umupo sila sa couch. Nakasanadal si Anne sa balikat ng asawa habang holding hands.

"Vhongskie ko, bakit kasi hindi na tayo kumuha ng katulong. Para hindi ka na nahihirapan. Tignan mo, ikaw gumagawa halos lahat sa bahay. Naaawa na ako sayo Vhongskie ko eh."

"Okay lang yun no, dagdag gastos pa pag kumuha tayo ng katulong. Saka mas gusto ko kasi na pinagsisilbihan ko kayo eh."

"Ang sweet mo talaga Vhongskie ko, I love you so much."

"I love you too" then kiss.

"Anneskie ko." sabi ni Vhong

"Bakit Vhongskie ko?" sagot ni Anne.

"Bakit hindi mo nga pala sinabi sa akin na si Sam pala yung bagong investor dito sa kumpanya?" tanong ni Vhong. Nagiba naman ang mukha ni Anne, hindi niya kasi alam ang isasagot niya.

"Aa, ano kasi nakalimutan kong sabihin eh, siguro sa sobrang daming iniisip." palusot ni Anne.

"Ah ganun ba. Nako salamat sa kanya at naisalba ang kumpanya. Blessing siya sa inyo." iniisip ni Anne na kung alam lang ni Vhong, isang malaking sumpa ang pagdating ni Sam.

Married na ako kay Pulis Bago (sequel ng In love ako kay Pulis Bago)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon