Chapter 48

481 13 14
                                    

"Sa'ming bahay ang aming bati, Merry Christmas, nawawalhati" halos araw araw naririnig ng pamilya Navarro ang caroling na yan. Ilang oras nalang at pasko na, at damang dama na talaga nila ang diwa ng okasyon ito. 

Sa ngayon ay busyng busy ang buong pamilya para sa paghahanda ng kanilang noche buena mamaya. 

Si Anne, gumagawa ng fruit and macaroni salad, si Vhong sa ulam at sa leche flan na talagang gustong gusto ng mag-ina. Ang dalawang bata naman ay gumagaw ng kanilang cake.

"Wow anak, mukhang masarap yang cake na yan ha." Sabi ni Vhong habang nagluluto. "Anong tawag dyan sa cake na yan?" tanong ni Vhong sa mga anak.

"Ahhm snowman cake po daddy" tugon ni Baby Anne sa ama.

"Snowman cake? Yan pala tawag dyan, kaya pala mukhang snowman. Sarapan niyo mga anak ha." tapos ay hinalikan ni Vhong sa ulo ag mga anak.

"Vhongskie ko, tikman mo nga 'tong ginawa kong macaroni salad,"

"Hmmm, Anneskie ko sarap. Sarap talaga magluto ng Anneskie ko" tapos ay hinalikan ni Vhong ang asawa sa labi.

"Siyempre sinarapan ko para sayo. Para sa inyo."

"Naks naman, kaya love na love ka namin eh."

"Ui Si Mommy ska si Daddy, ang sweet sweet ayeeh" tukso ng mga bata sa kanilang magulang

"Mommy, kiss mo po si daddy," sabi ni Baby Anne sa ina.

"Oo naman anak," tapos ay hinalikan ni Anne ng sobrang tagal sa labi ang asawa.

"Charap." sabi ni Vhong tapos ay umarteng kinikilig.

"Dali anak dito nga kayo at group hug tayo"

***********

Alas nuebe ng gabi ay nagsimula ay nagsimula nang dumating ang mga bisita.

"Anak!!! Merry Christmas!" bungad ng nanay ni Vhong. Dumating sila para salubungin ang kapaskuhan at bagong taon kasama ang anak.

"Nay!! Merry Christmas po." tapos mahigpit na niyakap ni Vhong ang ina.

"Victor, utol kamusta ka na." mahigpit din na nagyakapan ang magkapatid.

"Ito utol, ayos naman. Pasakay n uli ako ng barko ngayong February." Nagkamali man si Victor ay sinikap nitong bumangon at patunayan ang sarili sa lahat. Nag aral si Victor na maging seaman kaya ngayon ay may posisyon na siya sa barko.

"Ayos yan utol, dali pasok kayo, nandun sila Anneskie ko sa loob, at naghahanda na."

Papasok sa loob ng bahay..

"INAY!!!!Merry Christmas po." tapos dali dali ay tumakbo si Anne sa mother-in-law at niyakap ito ng mahigpit.

"Merry Christmas Anne, nako parang lalo ka atang gumaganda ha." puri ng nanay ni Vhong kay Anne.

"Nako nay, salamat po. Ui Victor, kamusta ka na, balita ko, capitan ka na daw ha. Merry Christmas Victor" tapos ay niyakap din ni Anne si Victor.

"Nako Ate Anne, hindi pa po, ilang ranggo pa ang bibilangin ko hehe." 

"Nako, kayang kaya mo yan, kaw pa."

"Sana nga po ate Anne. Ay oo nga pala, regalo ko po sa inyo. Merry Christmas po." tapos ay binigay ni Victor ang mga regalo sa mag-asawa.

Maya maya ay bumaba ang dalawang anak.

"LOLA!!" sigaw ng dalawang bata sabay tumakbo papaunta sa lola at ang mga ito'y nagmano at humalik.

"Mga apo ko. Merry Christmas, nako mga dalaga't binata na tong dalawa. May regalo sa inyo si lola." tapos ay kinuha ang regalo para sa dalawa.

"Salamat po lola. Merry Christmas po. Tito Victor" tapos ay sunod silang lumapit sa tito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married na ako kay Pulis Bago (sequel ng In love ako kay Pulis Bago)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon