Claire

20 1 0
                                    

Madalas na napapansin ni Claire na umiiba ang ugali ni Kyle sa bawat paguwi niya galing trabaho sa Tenebris high school. May oras na nakikita niyang malungkot  si Kyle at minsan din ay masama ang ugali. Nung tinanong ni Claire sa asawa niya kung anong meron, tila hindi siya makasagot at nanginginig pa ang boses. Minsan napapansin niyang tumatawa itong mag-isa na parang baliw kaya't pinakonsulta niya ito sa ospital. Sa loob ng ospital, sa opisina ni Doc. Flores, lumabas muna nang sandali si Claire para makapag checkup ang asawa niya nang may privacy. Nung pagbalik niya, nakita niyang may hawak na kutsilyo si Kyle at nakatutok ito kay Doc. Flores. Tumawag agad ng tulong si Claire sa mga tao sa labas ng opisina at ito'y napigilan agad. Hinuli ng mga pulis si Kyle ngunit pinakawalan din kalaunan dahil nalamang meron pala itong sakit sa pag-iisip ayon kay Doc. Flores. Umuwi nalang silang dalawa dahil wala silang pera pampagamot sa sakit nito sa pagiisip.

Sa sumunod na araw. Umuwi si Kyle sa bahay galing trabaho, Kinamusta ni Claire si Kyle ngunit hindi siya nito pinansin.

Sa sumunod namang araw. Umuwi si Kyle galing trabaho, kakamustahin na sana niya si Kyle ngunit napansin niyang merong dugo sa kamay nito, tinanong niya kung ano ito. Ang sagot ni Kyle ay wala lang daw yan at wag daw siyang makialam. Sa inis at pagod na ni Claire, hinarap niya ang kanyang asawa at tinanong nang mataas ang boses kung bakit ba daw siya nagkaka ganyan. Nagkaroon ng away ang dalawa sa loob ng bahay.

Sa sobrang tindi ng away ng dalawa, naglabas ng kutsilyo si Kyle. Napa atras nang onti si Claire. Sinabi ni Kyle kay Claire na kapag hindi siya tumigil ay papatayin siya at ang kanyang sanggol sa loob ng tiyan. Tumakbo agad si Claire paakyat sa second floor, hinabol naman siya ni Kyle. Tumakbo si Claire sa loob ng kanyang kwarto at nilock niya ang pinto. Napa upo nang sandali si Claire dahil sa sobrang sakit ng tiyan sa kakatakbo habang sinisira na ni Kyle ang pintuan ng kwarto. Tumayo si Claire at kinuha niya ang baril sa loob ng cabinet. Nung nasira na ni Kyle ang pintuan, tinutok ni Claire ang baril sa asawa niya. Sinabi ni Claire na lumayas daw si Kyle sa bahay. Onti onting umatras si Kyle papunta sa pinto ng bahay at tumakbo palayo. Isinigaw ni Claire na huwag na huwag na daw siyang babalik dito sa bahay. Dahil mahal pa ni Claire si Kyle, hindi siya tumawag ng pulis kahit tinangkaan na siya ng buhay nito.

Dark Lost Memories: PrequelWhere stories live. Discover now