Nate

20 1 0
                                    

Paglipas ng dalawang buwan, nanganak na si Claire sa isang lalaking sanggol at pinangalanan niya itong Nate. Habang lumalaki si Nate, napapansin ni Claire na iba ang pag-uugali nito. Pinakonsulta ni Claire si Nate kay Doc. Flores at nalamang isa siyang special child at may problema sa pagiisip.

Paglipas ng ilang taon, grade 3 na si Nate sa section selflessness sa Impetus elementary school. Habang hinahatid ni Claire si Nate sa eskwelahan, sinalubong na sila ng adviser ng section selflessness, si Sr. Angelo at ng second teacher nila na si Ms. Elyka. Sabi ni Sr. Angelo na siya na daw maghahatid kay Nate sa kanyang classroom, pumayag si Claire at iniwan na niya si Nate na may halik sa pisngi.

Habang magkasama si Sr. Angelo at Ms. Elyka sa loob ng teacher's room, bigla nalang sinabi ni Sr. Angelo kay Ms. Elyka na nagustuhan daw niya yung nanay ni Nate at parang gusto daw niya itong kunin at patayin. Nagulat si Ms. Elyka at tinanong niya kung nagbibiro ba si Sr. Angelo, ang sagot ni Sr. Angelo ay hindeng hinde. Inisip nalang ni Ms. Elyka na isa lang itong biro.

Pagkatapos ng dalawang buwan, bigayan na ng card para sa first grading. Habang tahimik na naglalakad si Nate kasama ang mga kaibigan niya, biglang kinuha ng bully ang ID ni Nate at tinapon papunta sa teacher's office. Nagalit ang mga kaibigan ni Nate sa mga bully na iyon at nagkaroon ng sandaling away.  Pumunta si Nate sa loob ng teacher's office na walang tao at hinanap niya ang kanyang ID. Nahanap niya ang kanyang ID sa ilalim ng teacher's table at kinuha niya doon. Lumabas na si Nate at sinabi ng mga kaibigan niya na pumunta na daw sila sa classroom dahil bigayan na ng grades. Pagkapasok sa loob ng classroom, umupo siya sa tabi ng kanyang inang si Claire. Si Nate at si Claire ay ang huling nakakuha ng report card. Nung nakita na ni Claire yung grades, nagalit siya kay Sr. Angelo kung bakit ang baba ng grado ni Nate at sinabi din niyang nag aral naman daw nang mabuti ang kanyang anak. Pagkalipas ng ilang sandali ng pagtatalo ni Claire at Sr. Angelo, umalis na sila ni Nate sa classroom. Habang naglalakad sa hallway na wala nang katao-tao, sinabi ni Claire na iihi daw muna siya. Umupo muna si Nate sa hallway para maghintay pero nakalipas na ang 25 minuto ay hindi padin nakakabalik si Claire. Pumunta si Nate sa CR at nakita niya si Sr. Angelo nimomolestya, sinasakal at sinaksak nang isang beses ang kanyang ina. Tumalikod si Sr. Angelo at nakita si Nate, Umatras nang onti si Nate at tumakbo, hinabol siya ni Sr. Angelo. Habang tumatakbo, nakita niyang bukas ang pinto ng guidance office, pumasok siya doon at nagtago sa ilalim ng table ng guidance counselor. Hindi na siya nakita ni Sr. Angelo kaya't tumakbo nalang si Sr. Angelo at sinubukang makatakas. Nakita ni Ms. Elyka na tumatakbo nang mabilis si Sr. Angelo kaya't sinundan niya ito. Pumasok si Sr. Angelo sa opisina at pumasok din si Ms. Elyka.

Dark Lost Memories: PrequelWhere stories live. Discover now