Chineck ng mga mga pulis ang bawat kwarto sa loob ng Impetus elementary school baka sakaling mahanap pa ang gumawa nito kay Claire. Chineck din nila ang opisina ni Sr. Angelo ngunit wala silang nahanap doon. Chineck nila ang guidance office at nakita nila si Nate sa ilalim ng table ng guidance counselor, nagtatago. Tinanong ng mga police si Nate kung anong pangalan niya, ang sagot ni Nate ay hindi daw niya alam. Tinanong naman kung bakit siya nagtatago sa ilalim ng mesa, ang sagot ni Nate ay may monster daw na umaway sa mama niya. Tinanong naman kung sino yung monster, ang sagot ni Nate ay hindi daw niya maalala.
Paglipas ng isang oras, dinala ng mga pulis si Nate sa ospital para bisitahin ang kanyang ina. Habang pinagmamasdan ni Nate ang paligid ng ospital, tumalikod siya nang sandali at nakita niya si Sr. Angelo nakatitig sa kanya, limang metro ang layo. Sa takot ni Nate, humiwalay siya sa mga pulis at tumakbo palayo nang mabilis. Nakakita si Nate ng bukas na kwarto na walang tao sa loob, pumasok siya doon at nagtago siya sa loob ng aparador magdamag. Nagtulungan ang mga pulis at mga tao sa loob ng ospital ngunit hindi na nila mahanap. Inisip ng mga pulis na baka kinidnap siya kaya't lumabas sila ng ospital.
Nagsara na ang ospital nang 12 ng madaling araw, lumabas si Nate sa aparador at lumabas siya sa kwarto. Madilim na ang loob ng ospital at wala nang mga tao maliban sa mga pasyente sa kanikanilang kwarto. Nanginginig si Nate sa takot habang naglalakad sa madilim na hallway ng ospital. Biglang bumukas ang ilaw sa harapan niya at nakita niya si Sr. Angelo naglalakad papunta sa kanya. Tumalikod agad si Nate at tumakbo siya sa madilim na hallway. Nakita ni Nate na bukas ang doctor's office kaya't pumasok siya doon at nagtago sa ilalim ng mesa. Hindi na nahanap ni Sr. Angelo si Nate kaya't naglibot siya sa bawat kwarto ng ospital. Nung feeling ni Nate na wala na si Sr. Angelo, lumipat siya sa kabilang kwarto at sinarado ang pinto. Pagtalikod niya, nakakita siya ng tao na takip ng kumot. Sinubukan niyang buklatin ang kumot at nakita niya, ang kanyang inang si Claire. Labis ang iyak ni Nate nung nakita niya ang kanyang ina, duguan, may mga pasa sa katawan at nanghihina. Niyakap ni Nate ang kanyang ina sa tiyan at nakatulog.
Nagising si Nate at nakita niya ang kanyang ina gising din ngunit nahihirapan nang huminga. Sinabi ni Claire kay Nate kung gaano niya siya kamahal bilang isang ina. Sinabi din niya ang mga masasayang ala-ala tulad noong naglalaro pa sila, nagkwekwentuhan at nagyayakapan. Sinabi ni Nate kung gaano din niya kamahal ang kanyang ina. Pinakita ni Claire ang litrato ng ama ni Nate at sinabing ito ang kanyang ama at ito ang tao na dapat niyang iwasan o layuan. Pagkatapos non hindi na tumibok ang puso ng kanyang ina, tuluyan na siyang namatay. Umiyak nang umiyak si Nate sa pagkamatay ng kanyang ina at niyakap niya siya muli nang huling beses. Inalala niyang mabuti ang mga sinabi ng kanyang ina at ang itsura ng kanyang ama.
Bigla nalang pumasok ang mga nurse sa kwarto at isinigaw na nahanap na daw si Nate. Nilabas siya ng mga pulis at tinanong siya kung bakit siya humiwalay kahapon, sagot ni Nate ay sinusundan talaga siya ng monster. Tinanong ulit kung sino ba talaga ang monster na yon, naalala ni Nate ang pangalan ng kanyang guro at sinabi niyang si Teacher Angelo ang monster.
Hinuli ng mga pulis si Sr. Angelo at naghanap sila ng mga ebidensya na patunay na si Sr. Angelo ba talaga ay sangkot. Chineck ulit nila ang opisina ni Sr. Angelo at nakitang may tumutulong onting dugo sa cabinet. Binuksan nila ang cabinet at nakita ang madugong bangkay ni Ms. Elyka sa loob nito. Pilit tanggi si Sr. Angelo sa mga bintang pero meron nang sapat na ebidensya laban sa kanya kaya't siya ay kinulong at makakaranas ng kaparusahang kamatayan kinabukasan.
Dinala nalang si Nate sa kanyang tito at doon nalang siya nanirahan. Paglipas ng ilang araw, nilibing na ang kanyang ina.
Itinuloy nalang ni Nate ang kanyang pagaaral. May oras na namiss niya ang kanyang ina kaya't binisita niya ang libing nito sa isang madilim na sementeryo, umiyak siya at nagdalamhati.
Paglipas ng limang taon, grade 9 na si Nate. Nawala na ang kanyang pagiging special child. Namatay na ang kanyang tito at nanirahan siya mag-isa na may suportang pang pinansyal ng gobyerno.
Lumipat si Nate sa Tenebris high school. Tinanong siya kung ano ang kanyang pangalan, ang sagot ni Nate, hindi daw niya maalala ang pangalang binigay ng kanyang magulang dahil meron daw siyang sakit sa pagiisip kaya tawagin nalang daw siyang Matthew.
WAKAS.
YOU ARE READING
Dark Lost Memories: Prequel
HorrorThis is the prequel of my previously written story, the "Dark lost memories", to further explain why the things are happening. WARNING ⚠️: This story is extremely violent! Language: Taglish Note: 1. I recommend reading my first written story first b...