Chap 1: School

28 6 0
                                    

BOY Chapter 1: SCHOOL

MAX'S POV

"Kuya, Saan po yung office?" Tanong ko sa guard habang luminga linga. Ang laki naman kasi nitong school!

Tinuro sakin ng guard kung saan yung office ng administration

"G-good morning po.. " bati ko pagkapasok sa isang office, kukuhanin ko kasi yung ID at uniform ko.

"Good morning too, Mr....Perez this is your uniform and ID"

"Thank you po!"

"Sit down.. hintayin natin yung maghahatid sayo sa classroom mo." nakangiting sabi nito.

Sumunod naman ako sa teacher..

"Judging on your appearance, what kind of sport do you play?" Tanong nito.

"Basketball po!" energetic na sabi ko ngumiti naman siya.

"Do you know Maxine Erecyst Perez?"

"A-ah Opo, ate ko po yun." napangiti siya.

"She's the one of the best student here." Sabi ng guro. May sasabihin sana ako ng may sumulpot na boses.

"Good morning!" may isang babaeng biglang pumasok at gulat naman akong napatayo.

"Hi Ma'am!" masiglang bati nya sa guro

Lumingon ito sakin kaya ngumiti naman ako

"Ma'am, itong gwapong toh? Itu-tour ko?" turo nito sakin, medyo malakas at masiglang sabi niya, tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Yes! Ms. Marfil..." nakangiting sabi ni ma'am.

"Hello!" Bati ko.

"Tara na" sabi nya.



*



"So yun yung cafeteria, doon naman yung library at doon yung dorm for boys .... " mahinahong pagpapaliwanag nito, pinapaliwanag niya rin sakin ang rules at iba pa.

"Ano pa lang pangalan mo?" Tanong nito habang nakangiti.

"M-max, ikaw?"

"I'm Raychel klythen Marfil you can call me Ray and I'm the Student Council President for short SCP of the highschool department" sabi nya habang nakangiti.

"HAHA! Btw tara na sa room" sabi nito ulit

"W-wait! Magkaklase tayo!?" Gulat na tanong ko.

"Bakit!? Ayaw mo?!" Mataray na sabi nito, humarap sakin at tinaasan ako ng kilay, napalunok naman ako.

"HAHA! Natakot! hoy! Joke lang yun, tara ipapakilala kita sa pinsan ko!" nakangiti nang sabi niya.

*

Nakarating na kami sa room namin...

"Thervs! may ipapakilala ako sayo dali!!!" Malakas na tawag nito sa isang lalaki.

"Ano nanaman ba yun ray!? Pag toh! Natalo!" Inis na sabi ng lalaki habang may kinakalikot sa cellphone niya.

"Luh! Highblood ang putek! Umagang umaga eh! May ipapakilala lang ako sayo!"

"Sino?" Tanong nito at tumingin kay Raychel bago tumingin sakin.

"Couz, boyfriend ko nga pala..." nakangiting sabi ni raychel

"B-boyfriend!?" Sabay na sabi namin ng lalaki kay raychel

"HAHAHAHAHA!! Ano ba kayo! Joke lang noh!" Sabi ni raychel at parang mawawalan na ng hininga dahil sa kakatawa

' Baliw....'

"Para kang baliw!" Sabi ni thervin

"Couz, ito pala si max, at max, si thervin pinsan ko." nakangiting pagpapakilala ulit sakin ni Raychel.

"Oyy!" bati nito sa akin at nakipag kamayan kami.

"Tara upo tayo!" Yaya sakin ni thervin. Umupo naman ako sa tabi ng upuan niya.

"Sige! Alis na ko ah!" Pagpapaalam ni Raychel.

"Thank you!" nakangitang sabi ko.

Nagkwentuhan kami ni thervin, madali lang naman siya pakisamahan kaya naging magkaibigan kami.

Natigilan lang kami sa pag kwentuhan ng dumating yung teacher namin

"Good morning class ,i will be your teacher this school year."

*

Makalipas ng dalawang Subjects

*

"Boy, Tara sa Cafeteria!" Aya sakin ni thervin sabay akbay kahit mas matangkad ako sakanya ng ilang centimeters

Sa kasalukuyan, nag lalakad kami papuntang canteen

"Boy! Maraming chicks dito, ireto kita HAHAHA!"

"HAHAHAHA! Boy, al---" napahinto pa ako sa pagsasalita ng may makita akong babaeng babagsak sakin.

Nasalo ko siya kaso mali ata nahawakan ko....

Ng makatayo ito ng maayos

"Sor--" Natigilan ako sa pag salita ng..

~PAAAKKKKK!!!~

Nagulat ako sa bigla niya sampal kaya hindi ako nakapag salita.

"You!" Duro niya sakin.

"Di--d-did y-you j-just to-touch m-my a-ass!" Nauutal at galit na sabi niya."You! Pervert!" Dadag nya pa.

"H-hindi ko sinasadya miss! Im sorry!". Hindi niya ako pinansin at tuluyan na syang maglakad, bahagya pang binangga ang balikat ko.

Napabuntong hininga ako. "Tara na".

"Ang ganda niya noh?" Nakangising tanong ni Thervin.

"Oo! Pero maarte naman, siya na nga yung tinulungan, siya pa ang galit!" Sagot ko.

"HAHAHAHAHAH!!!" Tawa niya. Napailing na lang ako.

BADTRIP!!!

______________________


Bright Of You (Book #1) (On Going)Where stories live. Discover now