CHAPTER 28
MAX'S POV
"Eeennggggg!!! And the winner is....tentenenen TEAM MAX!!!"
Natawa ako sa sigaw na yun ni Raychel.Lumapit ako sa Jag at uminom ng tubig. Hinihingal ako at pawis na pawis. Kakatapos lang namin mag laro ng basketball.
Pasimple akong tumingin kila Uni at George habang umiinom. May inabot sakanya si Uni mukhang panyo.
'Ako wala?'
Napabuntong hininga lang ako. Bakit ba kasi nandito yang lalaking yan?
Inimbita pa kasi! Nakakirita...Nakakaselos!Tumayo ako ng maayos ng makitang papalapit sakin si Uni. Ngumiti siya ng makalapit sakin at inabutan ako ng panyo.
'Yun! Meron ako...hehe'
"Salamat!" pinunasan ko na ang pawis ko.
Pagkatapos ay binulsa yun, tinaasan ko siya ng kilay ng makitang nakatitig siya sakin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Nothing, uminom ka na ng tubig?"
Tanong niya."Mmm.." maikling sagot ko.
"Nice game! Congrats? " nakangiting sabi niya, natawa ako at tumango.
"Salamat!"
Ang cute niya kahit anong reaksyon lalo na pag nagsusungit. Cute gesture, small gesture kahit saang anggulo maganda pa rin siya.
Tumalikod siya sakin at pumunta sa mga kaklase ko. Napatingin ako kay Raychel at natawa ng makita ang nanunukso niyang tingin.
"Hoy! Nililigawan mo na si Uni?" Mahinang sabi niya.
"Huh? Hindi..." Nagtatakang sagot ko.
"Weh? Bakit Di mo pa ligawan?" Tanong niya.
"Ano bang sinasabi?" Natatawang tanong ko at lumipat sa jag, muling uminom.
"May gusto ka kay Uni?" Nanunuksong tanong niya, kinukulit ako.
"Pano mo na sabi?" Nang aasar na sagot ko.
"Kase.... Ay! Whatever, bahala ka ilalakad ko siya kay george hindi na sayo!" Nakangusong sabi niya.
Tatalikod na sana siya kaso hinatak ko ang braso niya, binitawan ko agad yun pag kaharap niya.
"A-ano... Wag naman" Umiling pa ako.
"Bakit?" Nakangiting tanong niya.
"Basta! Wag..."
"Okay, sabi mo e." Pagpayag niya
"What are you guys talking about?"
Biglang sulpot ni Uni."Wala..." Agad na sagot ko.
"Tara. Uni, ayain na natin sila sa pool!!"
Sabi ni Raychel at hinatak si Uni papunta sa mga kaklase namin.Naghubad ako ng damit at nag punas ng pawis. Buti na lang may dala akong extrang damit. Umupo ako at hinintay si Thervin.
"Max! Oh salo!" Sigaw ni Thervin at hinagis ang t- shirt ko, nasalo ko naman yun at sinuot.
"Tara na, nandon na sila..." Tumango ako at tumayo sabay kaming naglakad.
YOU ARE READING
Bright Of You (Book #1) (On Going)
RomanceA girl named Uniquea Zei Romanza has a Attitude of being Sophisticated , elegant , talented, and beautiful. She hates men and she has a miserable life in her family because of her mom, she hate her mom when she was in 4th grade. Will she find a true...