Chap 29: Date

5 2 0
                                    

CHAPTER 29 



MAX'S POV 



 "So...Posibleng si Uni yung tinutukoy mo?" Tanong ni Thervin. 

 Ikinwento ko kasi sakanya lahat simula nung bata ako hanggang makita ko ang panyo kay Uni.

 "Hindi posible... Si Uni talaga siya..." Mahinahong sabi ko. 

 "Ang galing no! Nag kita na pala kayo nung bata pa kayo.." namamanghang sabi niya. Natawa na lang ako at nag paalam na maliligo. 

Pagkatapos maligo agad akong nag ayos ng sarili. 

Napailing ako ng makitang si thervin na nakatingin sakin nakataas ang kilay. "Bakit?" Tanong ko, natatawa. 

 "Kayong dalawa lang ni Uni? Sama ako!" nakangiting sabi niya.

 "Hindi pwede...makakagulo ka lang samin" sagot ko. "Damot!... Sige na nga pasalubong ko ah?" 

 "Mm.." tumango ako.

 Nang matapos agad kong tinext si Uni na papunta na ako. Balak ko kasing sunduin na lang siya. Nagpaalam na ako kay thervin na aalis na. Panay naman sabi ng pasalubong ng loko. Nag para na ako ng taxi at sinabi ang subdivision nila Uni. 

 "Hello?" Sagot ko sa tawag ni Uni pagkababa ko ng taxi. 

 "Where are you?" Tanong niya. 

 "Sa gate niyo" simpleng sagot ko. 

 "W-what?!" Gulat niya tanong.

"It's just 2:45, max" dagdag niya pa, napakamot naman ako ng ulo.

 "Ayoko ko kasing nalele-late.." sagot ko. Pumasok ako ng sinenyasan ako ng katulong na pumasok. Binaba na rin ni Uni ang tawag. Pinaupo ako ng kasambahay, pagkapasok sa loob.

 "Juice po, sir? " Alok ng katulong. 

  "Ahh... Hindi na po, tubig na lang po" Saktong pagbalik ng kasambahay ay ang pagbaba ni Uni. 

Kinuha ko ang baso at uminom. "Dad, may lakad po ako..." hawak hwak niya ang selpon. Tumingin siya sakin at ngumiti. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. 

 "What?! You're going here now? Akala ko po ba may business trip kayo ni mommy?" Kunot ang noong sabi ni Uni. 

 "W-wait! Kasama mo po si mommy?...okay akala ko po kasama niyo...buti naman...wala! basta dad! hindi!...fine! yes, lalaki po siya... where are you na? What?! Ang bilis naman...okay bye!" 

 'Dadating daddy niya?... Nandyan na nga eh' 

 "Max, Dad is here... Ipaalam mo ako" Tumango ako sakanya.

\

 'Kinakabahan ako...putek!' 

 "Uniquea Zei..." Sabay kaming napatingin sa likod ni Uni dahil sa malakas na tawag sakanya.

 Malaking ngumiti ang Daddy ni Uniquea, nakatingin saamin. Tumayo ako at mag mamano sana kaso bigla niya akong niyakap. Nagulat ako, tinapik tapik niya ang balikat ko bago ako pakawalan.

 "Haha! You're two are dating?" Tanong niya. 

 "Ahh... O-opo" nautal pa ako. Napakamot ako ng ulo at tumingin kay Uni na ngayo'y lumapit sa daddy niya, humalik at yumakap. 

 "Yes, dad. We have a date so.. we have to go." Hinatak ako ni Uni, nagulat ako. 

 'Mag- ama nga talaga' 

 "Okay, Fine! Ingat!" sigaw ng daddy niya. Lumingon ako sa daddy niya, nakangiti siya habang kamukaway samin. 

 "Are you excited, Max?" Tanong niya pagkasakay namin ng taxi. 

 "Mmm..." Ngumiti ako. Oo, excited nga ako kaya inagahan ko. Gusto ko agad siya makasama... Masolo. 

 "What are we going to do? And what are we talking about?" Tanong niya, nangungulit.

 "kumain? Mag relax? " Nagkibikit balikat ako. 

 "Okay." Tumango siya. 

 Ilang minuto ay nakarating rin kami sa park. Inalalayan ko si Uni na bumabang sasakyan. Sinabit ni uni ang kamay nya  sa braso ko, napatingin ako doon. 

 "What?" Tanong niya, nakanguso. 

 Tinanggal ko yon at hinawakan ko ang kamay niya. Hawak kamay kaming naglakad lakad sa park, nagtitingin ng stall. Gustong gusto kong hinahawakan ang kamay niya. Malambot yun, masarap hawakan. Kapag hinahawak ko ang kamay niya para niyang pinaparamdam na akin siya. 

 "Hey, stop staring at me!" saway ni uni sakin. Hindi ko alam na nakatitig na ako sakanya, natawa ako ng makita namumula ang pisngi. 'Cute' 

 "I'm craving for milktea!" hinatak niya ako papunta doon

 "Chocolate sakin" sabi ko dahil binalingan niya ako ng tingin pagkatapos mag order ng sakanya. Tumango siya at sinabi sa tindera ang order ko. Nakatitig lang ako sakanya habang hinihintay niya ang order namin. Nanlaki ang mata ko ng lumingon siya sakin at kumindat. Napaiwas ako ng tingin at napakagat rin ng labi. 

 "Max, here" inabot niya sakin ang milktea. 

 Uminom ako doon at walang sali salitang naglakad kami. Nakakapit ang mga kamay niya sa braso ko. "So... Anong pag uusapan natin?" Tanong niya. 

 Umupo kami sa damuhan, nanatili pa rin akong tahimik. Liningon ko siya nakatangin siya sa kawalan habang umiinom ng inumin niya. "Pumupunta ka ba dito dati nung bata ka?" Tanong ko. 

 Napalingon siya sakin bago tumingin ulit sa harapan. Nakita ko ang pag ngiti niya. "Alam mo ba... Nung bata ako muntik na ako maligaw... Dahil kakalipat lang namin dito nun..." 

"San kayo galing?" Tanong ko. 

 "America. In my elementary days, i'm studying in America..." 

  'Ang yaman talag nila... ' 

 "...Alam mo hindi pa ako marunong mag tagalog nun, ni di ko nga alam na may school kami dito, Naalala ko yung first day ng pasukan, syempre wala pa akong kilala... Tahimik lang ako sa isang tabi ng upuan nun sa room ng may biglang may lumapit saking batang babae na napakalakas ng boses..."

"Si Raychel ba yun?" Nangingiting tanong ko. 

 "Sino pa nga ba?" Natatawang sagot niya. 

 "Tapos?" Ngumiti siya bago magsalita. 

 " 'Hi, Gusto mong makipag friends?'  Mahinhin ang boses niya at makulit. Syempre hindi ko naintindihan yung sinabi niya dahil hindi pa ako marunong mag tagalog... May iilan akong alam dahil tinuruan ako ni dad kaso pagbillang lang ng isa hanggang sampo ang itunuro niya..."

 Ngumuso pa siya kaya natawa ako. "Si Raychel pala ang unang lumapit sayo..." nakangiting sabi ko.

 "Mmm... Kahit minsan sinusungitan ko siya,  Mahal na mahal ko siya... She's my best friend, sibling, kapatid na ang turing ko sakanya dahil sa lahat ng pinagdaanan ko siya lang ang nakaintindi sa kaartehan ko at pati si Dad..." Natawa ako, napatingin siya sakin at umirap. 

"Epal! Stop laughing." Hinampas hampas niya pa ang balikat ko. Kinuha ko ang kamay niya, napahinto siya at napatitig sakin. 

Bumaba ang tingin ko sa labi niya. "W-what?" Tanong niya, namumula. Binitawan ko siya at tumingin sa kung saan at umiling.

To Be Continued...................................

______________________________________________________________________________________

Bright Of You (Book #1) (On Going)Where stories live. Discover now