BOY Chapter 10: Official Mine?? WHAT IS LOVE?
Nandito na ako sa mall, hinahanap si ate. Nasan na ba yun?. Naglakad -lakad pa ako. Milktea nanaman..
Pumasok ako at umupo sa harapan niya.Hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pagseselpon.
"Ate!" tawag ko dito.
"Ay gago! a-ano ba Max ! " natawa ako sa reaksyon nya. Salubong ang kilay nito at masama ang tingin sakin.
"Tagal mo! kanina pa ako dito oh!" masungit na sabi niya.
"Sorry naman,hinanap pa kase kita. Ang dami kayang Milktea shop dito!" sarkastikong sabi ko.
"Psh!" singhal nito at inirapan ako.
"Kamusta ka na? okay lang ba ang pag-aaral mo?" Biglang mahinahong tanong niya. Ayan lang ang laging ekspresyon sa mukha ni ate. Ang mahinahon at salubong ang kilay minsan lang siya ngumiti. Magmula ng napunta siya dito sa maynila naging ganyan na siya dati naman palangiti yan. May nangyari siguro na hindi ko alam....
"Okay lang ako, ikaw ate? okay lang naman ang pag-aaral ko! madali lang makisama sa environment nila mababait naman sila yung iba hindi masyado.."
"Okay lang, nakakapagod lang pag college ang daming ginagawa at last year ko na rin kaya marami talagang ginagawa, kaya ikaw pagbutihin mo ang pag-aaral mo at alam ko naman na hindi mo pababayaan yun."
"Oo naman ate!"
Naggala kami ni ate, naglaro sa gamezone, kumain, nanood ng sine parang date na rin naming dalawa.
"May gastusin ka ba sa school? Pagkailangan mo ng pera humingi ka lang sakin." Tanong ni ate.Nandito kami sa isang fastfood, kumakain.
"Wala naman."
"Mag- papartime job ka pa ba?''
"Oo ate, gusto ko magtrabaho para naman may experience ako."
"Sige, tatawagan na lang kita pag may nahanap na akong trabaho para sayo."
"Sige, maghahanap rin ako!" tumango lang siya. Pagkatapos namin ay nagpatake out ako para kay thervin.
(SCHOOL)
"Hatid na kita ate san ba Dorm mo?" Tanong ko habang bitbit ang pinamili niyang puro libro.
"Hindi na malapit lang naman yun at bawal ang lalaki doon."
"Sige ,una ako mag iingat ka." Nag aalala kong sabi. Na tawa siya sa itsura ko hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Wag ka ng mag alala HAHA! sanay na ako dito dapat nga sila ang mag ingat sakin HAHA!" Pinakita niya pa ang braso niya at kunwaring pinakita ang muscle niya.
"Wala namang muscle HAHAHAHA!" Mahina niya naman ang sinuntok balikat ko.
"Sige na! sige na, wag ka ng tumawa dyan pumunta ka na sa dorm mo!" masungit na sabi nito.
"HAHAHA! Pikon!"humalik na muna sa pisngi niya bago naglakad papuntang sa dorm.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
"Uyy! Max ginabi ka! ano yan? pagkain?, Penge gutom na ako!" Tanong niya ng makita ang dala ko.
"HAHA! Nagdate kase kami ni ate" natatawa kong sabi.
"Hala! date? family stroke kayo!" napangiwi naman ako sa tanong niya
"Gago! anong family stroke? maraming iba't ibang klase ng date. "

YOU ARE READING
Bright Of You (Book #1) (On Going)
RomanceA girl named Uniquea Zei Romanza has a Attitude of being Sophisticated , elegant , talented, and beautiful. She hates men and she has a miserable life in her family because of her mom, she hate her mom when she was in 4th grade. Will she find a true...