Chap 16:Serious

13 2 0
                                    

CHAPTER 16

MAX'S POV

NAGISING ako dahil sa ring ng cellphone ko. Sino ba yung tumatawag ang aga- aga?!

"H-hello?" inaantok pa na sabi ko.

"May nahanap na akong trabaho sayo.."

"Ate? Sige text mo na lang tumawag pa ang aga-aga "

"Hoy! Ako nga busy pero tinawagan pa rin kita. Lakas makareklamo alas otso na rin naman."

"Haha easy galet agad" nang-aasar kong sagot.

"Psh! Nakita kita sa court naglalaro, sumali ka pala sa basketball?"

"Ahh oo, gusto ko kasing makapaglaro dito."

"Maganda yan... Mmm nakita ko rin may nilapitan kang dalawang babae, sino mga yun? Girlfriend mo?"

"Hindi ah! Kaibigan ko lang sila"

"Tss. Bakla ka ba bakit babae mga kaibigan mo?"

"Bakla agad kasama ko naman si thervin ahh! Yung lalaki kong kaibigan na kinekwento sayo at tsaka pinsan niya yung isang babae nakita mo."

"Haha sorry, Magtratrabaho ka pa ba?"

"Pinagiisipan ko nga eh..."

"Wag ka na lang magtrabaho, ako nang bahala"

"Sigurado ka?"

"Oo, mag focus ka na lang sa pag-aaral mo at pag - bababasketball. Sige na bye na"

"Geh bye."

Natulog na lang ulit ako. Pagkagising ko ala una na, bumangon ako at uminom ng tubig, tiningnan ko naman uli ang oras.

Ala una na? Ang haba naman ng tulog ko. Nasaan naman si thervin?. Dahil bored ako naisipan ko na lang maglinis at mag-ayos ng kwarto.

Habang nagtutupi may nakita akong isang pamilyar na jacket.

'Kay Uni to ah? Ito yung jacket na natapunan ko ng juice.'

Hiniwalay ko naman at nilapag sa higaan ko. Napatingin naman ako sa pinto ng bigla itong bumukas.

"San ka galing?" Tanong ko.

"Ahh dyan lang sa labas, baket?" May dala itong paper bag nilapag niya yun sa maliit na lamesa.

"Wala, ano yan?" Pagtutukoy ko sa paper bag binuksan niya naman yun.

"Pagkain bumili ako diyan sa malapit na fastfood."

"Himala! Lumabas pag ganitong weekend puro ka lang selpon "

"Haha gusto ko lang mag-lakad"

"Di ako sinama eh" reklamo ko.

"Himbing ng tulog mo ganda ata ng panaginip mo? Ano yun? Ay hindi, Sino pala yun?"

"Tanga! Wala akong panaginip kulang lang talaga ako sa tulog nitong mga nakaraang araw" kumuha naman ako ng pagkain.

"Kaka advance study mo yan! Masyado ka kaseng masipag di ka gumaya sakin, chill lang " nagpogi sign pa siya.

"Ayoko."

"Anong ayoko?"

"Ayaw kong bumagsak bakit ako gagaya sayo edi puro selpon lang ako maghapon! Chill chill? mag gawa ka ng assignment hindi yung mangongopya ka!"

Bright Of You (Book #1) (On Going)Where stories live. Discover now