Chap 23: Pageant

16 4 0
                                    

BOY CHAPTER 23: PAGEANT


UNI'S POV



Magkayakap kami ni Max at nag palakpakan ang mga kaklase namin. Pagkatapos niya akong halikan sa noo , pakiramdam ko ang pula pula ng pisngi ko.


Humiwalay sa yakap si Max at tumingin sakin. Umiwas naman ako ng tingin, ramdam ko pa rin ang titig niya.


"Ang ganda mo Uni.." bulong niya.


"Matagal ko ng alam yan!" I rolled my eyes because he chuckled.


Napatingin ako sakanya ng kinuha niya ang kamay ko. Tinitigan niya ang singsing.


"Bagay na bagay tayo" bulong niya uli.


'Naman! '


Hindi naman na ako sumagot. Lumapit samin sila Raychel at sinabing may photo shoot pa.


"Max, Ano ba yan! Akbayan mo naman si Uni!" angal ng mag pi-picture.

Napairap naman ako. Hinapit ni Max ang bewang ko rinig ko ang tuksuhan nila samin.


Pagkatapos ng Picture ay may binigay naman saming 'Marriage Certificate'
Pinirmahan naman namin yun ni Max.


Pagkauwi namin sa dorm agad akong nag hanap ng frame at nilagay doon ang picture namin ni max, pati rin ang Marriage Certificate.Nilagay ko yun sa maliit na Cabinet na tabi ng kama ko.


"Ang taray! Sana all!" natatawang sabi ni Raychel ng makita ang Picture.


DUMAAN ang araw biyernes na ngayon ibig sabihin ngayon na ang pageant.


"Uni, me-makeupan ka na!" tawag sakin ng Vice president namin.


Agad naman ako sumunod sakanya at pina upo niya naman ako sa harap ng salamin, dumating na rin ang mag aayos sa'kin.

*


*


*

Pagkatapos ng pag mamake up agad akong pinagbihis ng gown dahil malapit na magsimula ang contest.


"Uniquea Zei Romanza!" Rinig sigaw sa pangalan ko ni Raychel.


Lumabas naman ako sa dressing room. Nang makalabas agad akong umikot na parang prinsesa at nag bow pa.


"How do I look?" Tanong ko sa mga kaklase na ngayo'y nakangiti habang nakatingin sakin.


Bright Of You (Book #1) (On Going)Where stories live. Discover now