PROLOGO

672 17 1
                                    

~~~~~~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~~~~~~

Napahikab ako sa antok dahil sa kanina pa na panonood ng series ng isang korean show. Isa itong reality show at kahapon ko pa 'to pinagpupuyatan para matapos.

"Isang episode na lang, pramis!" pagpapalakas-loob ko sa sarili. "Matatapos na 'ko-- 'di ko na kaya..." saad ko at napahikab na naman at tuluyan nang pilit na binubuksan ang mga mata ko. Hindi ko na kaya, naluluha na rin ang mga ito.

Pinilit kong tapik-tapikin ang pisngi ko para magising pero hindi ko na talaga kaya. Kaya sa huli ay antok na pinatay ko na lang ang laptop at tuluyan na muling nahiga.

"Sana mapanaginipan ko si Heeseung..." bulong at tuluyan nang nakatulog.

Kinabukasan ay tanghali na naman ako nagising, at bunganga na naman ni mama ang bumungad sa 'kin.

"Asmitha! Gising ka na riyan! Tanghali na, marami ka pang lalabhan, hayop ka. Hindi ka na muli makakatanggap ng pera galing sa 'kin para diyan sa imagination jowa mo!" Napakunot ang noo ko sa sinigaw ni mama.

"Ma! Mga! Mga jowa!" pagtatama ko.

"Kahit ilan pa ang mga 'yan ay wala kang tunay na jowa riyan! Bangon ka na riyan, lintik ka. Ang hugasin, meron pa rito," sigaw pa rin nito.

"Hindi ulam? Hugasin talaga--" Natahimik kami nang makisali si Papa sa 'min.

"Ang ingay n'yo! Mas pogi pa rin naman ako sa mga riyan!" Napatawa ako sa sinaad ni papa.

"Asa ka, 'Pa! Magbihis ka na lang diyan!" sigaw ko sa kaniya na nasa kabilang kwarto lang naman, nag-aayod ito papunta muli ng trabaho. Umuuwi lang ito rito para kumain kada tanghali dahil ayaw niya raw ng pagkain galing sa ibang bahay. Pero kapag mamahalin naman o sa mga mall ay grabe ito lumantak.

"Oo na! Pero mas pogi pa rin ako sa mga 'yon!" pilit pa nito.

"Oo na lang!" natatawa kong saad at sinimulan ng ayusin ang kama at sarili para bumaba.

"O, kita mo 'yang hugasan? Ikaw na bahala riyan. Kun'di ay 'di ko babayaran 'yong shopee mo. Ilang order mo na 'yon ngayong buwan. Feeling mayaman ka," mahabang salaysay ni mama. Walang ganang humikab lang ako na parang hindi siya narinig.

Pinabayaan lang ako nito at naupo na sa lamesa para kumain. Napangiti ako nang makitang paboritong bacon ko ang ulam.

"Mahal mo talaga ako 'ma, 'no?" tudyong tanong ko rito.

"Asa ka! Panis na 'yan! Kanina pang umaga, tatanga-tanga kasi kakapuyat. Akala mo naman jojowain ka ng mga 'yan!" Napaismid ako sa sinabi nito.

Art Of Temptation Series: Alluring Over Mr. CEOWhere stories live. Discover now