03 - The Mysterious Guy

200 7 6
                                    

Nanlalabong mata akong sumunod sa lalaking kausap ko kanina. Malabo ang mukha niya sa pananaw ko. Mapili akong tao pagdating sa lalaki pero itong kasama ko? Ni hindi ko alam ba't nilalandi ko 'to, siguro ay dahil lang sa alak.

"Hoy mukhang koryano! Saan tayo?" tanong ko rito. He's been silent since he held my hand to nowhere. Siguro ay isang hotel na 'to o ano. Puno na ng pintuan ang nakikita ko sa paligid.

I waited for seconds for him to answer my question, but he didn't take a glimpse to open his mouth to answer me.

"Bingi ka ba?" lasing kong saad.

"You said you want to accompany me right? Pero you look so drunk and wasted right now. Iuuwi na lang siguro kita," he suddenly decided.

"A-ah! H'wag na! Sabi ko nga ia-accompany na kita!" I said and chuckled like a devil.

I saw him smirked and shook his head.

Walang ganang akong tumayo sa kung saan niya ako dinala. I pouted. Sa huli ay narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan at ang pagbungad muli ng amoy nitong mamahaling lalaki.

Napapikit-pikit ako para kahit gaano ay may makikita ako sa nangyayari. And then I saw his flawless face and eyes that looking at me. Ang mga tingin niya ay nanunusok. Hindi ko ma-explain kung ano 'yon, pero nandidilim ito nang bahagya na nakatingin sa 'kin habang sa kabila ay lumagok ito sa wine na sinalin niya kanina.

"Gusto mo?" ani bigla

I circled my eyes in shocked. His baritone voice made me feel a sudden sensation that I can't explain. "Ano muna pangalan mo?" walang muwang kong tanong.

"Too confidential," he uttered with his blank face. Kanina pa siya gano'n! Feel ko tuloy may gagawin siyang masama sa 'kin.

"Okay, mister confidential! Haba naman ng apelyedo mo! Too! 'Yon na lang tawag ko sa 'yo. Sounds informal sa 'yong mukhang mamahalin, hmm... pero pake ko naman!" I laughed in my own words. I saw him smirked while still holding his glasses of wine. "Sige na nga! Bigay mo na sa 'kin 'yan. Isang baso lang. Libre naman 'to 'di ba?"

Nang sabihin 'yon ay paligoy-ligoy ang lakad kong lumapit sa kaniya. Hindi man nito nilalahad ang baso sa 'kin ay kinuha ko na lang ito sa kamay niyang nakatungtong sa lamesa.

Walang pasabi rin akong umupo sa kaharap na upuan niya. Inilibot ko muli ang paligid. Parang surprise ito!

"Broken ka ba o hindi sinipot?" Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya nang bahagya, nakataas ang mga kilay ko and my mouth are pouting while saying those words at him.

Linapit lang din niya ang mukha nito sa 'kin at walang sinabi ni isang letra. Parang naghahamon lang.

"Panget naman ka-bonding niyang is-surprise mo! Sa ganiyang mukha na mala koryano at mamahalin ay hindi ka pa sinipot! Ako na lang jowain mo, compatible naman tayo-- ay." Bigla akong napaisip. "P'wede na, 'di ba? Choosy ka pa sa gandang 'to? Siguro mas better rin nga ako sa kaniya!"

"Hindi siya pandak," parang bulong na aniya.

Kumunot bigla ang noo ko. Umasim ang mukha ko rito. "Mahaba naman pasensya ko! U-Uhm... Okay lang, 'di naman pala gano'n kahaba, parang height ko lang din," bawi ko bigla.

Napatayo ako bigla sa gulat nang marinig siyang tumawa! "Hoy tumawa ka ba? O baka may naririnig na'kong ibang boses. Gagi! Baka nananiginip na naman ako sa isang koryano! Hala..." Tinapik-tapik ko ang mukha ko kasi inaakala ko na namang nanaginip ako. Ito lagi ang mga nasa panaginip ko e'! Pero nang mamulat muli ang mata ay nakita ko pa rin siya, nakaupo habang ang labi nito ay nakataas na mataman lang akong tinitignan.

Art Of Temptation Series: Alluring Over Mr. CEOWhere stories live. Discover now