02 - Party

211 8 1
                                    

"So, anong plano n'yo ni Lokel?"

Sa tanong ko ay gulat at may halong pagtataka na napatingin sa 'kin si Shamiy.

"Hanggang kailan kayo magtataguan ng feelings? Since acquaintance party ay parang wala lang sa inyo 'yong nangyari ro'n 'no?" napaismid kong sabi.

She rolled her eyes. "Baka lasing lang 'yon that time!"

"Kaya nga! Alam mo naman kapag lasing nagiging honest eh!" pilit ko rito.

"Ay ewan ko sa 'yo, Asmitha!" suko niya at tumingin sa cellphone niyang biglang nag-beep dahil sa may nag-text. "Ayon, do'n na lang daw natin sila hihintayin sa labas ng BGC. Nag-text sa 'kin si Dev," balita nito.

"E, 'di tara na pala. Bilisan mo na kasi riyan," pagmamadali ko rito.

"Ay sorry ah!" she sarcastically said.

I rolled my eyes and look at her while smirking. "Sheesh! Iba naman talaga 'pag mahaba ang legs!" Tumingin ko sa buong katawan niya.

"Inggit ang petite!" bulyaw nito.

From what she have said I stuck my tongue out her. Pero tama naman! Matangkad kasi si Sham at bagay siya sa kursong tourism na hinahangad ko. Mas may potential pa siya ro'n kahit hindi niya naman gusto. Ayaw niya sa heights kaya ako ang nasasayangan.

"Tara!" yaya nito sabay hawak sa kamay ko at sinukbit ito sa siko niya. "Ma! Mauna na kami!" paalam niya kay Tita Steff nang makalabas na kami galing sa kwarto niya.

"Ingat kayo! H'wag magpaumaga masyado! Sana pagkabalik mo ay kayo na ni Lokel!" After tita said those words ay napatili ito na parang teenager. "Ano ba!" Rinig namin sa inis na boses ni Tita sa kwarto nila, parang sinasaway na naman ni Tito.

"Walang magjojowa hangga't 'di nakaka-graduate, Sham!" sigaw naman ni Tito.

Narinig namin ang isang tampal at tama-tama naman ang muling pagsigaw ni tita. "Mag-enjoy lang kayo!"

Sabay kaming napa-iling ni Sham at tuluyan nang lumabas sa bahay nila.

Habang naghihintay ng taxi ay suot naman namin pareho ang Jacket na hinanda namin. Malamig sa labas kaya kailangan talaga.

Pagkarating sa parorooan ay isang malakas na musika galing sa isang sound system ang bumungad sa 'min.

"'Asan na sila?" sigaw ko kay Sham na ngayon ay nabibingi na rin sa musika.

She shrugged and open her phone instead. Nang may mabasang mensahe ay agad niyang kinuha ang kamay ko patungo sa isang sulok.

"Dev!" tawag ni Sham kay Dev na nasa isang VIP seats!

"Putcha? VIP?" laking mata kong tingin sa mga taong narito na. Nakita ko sa gilid si Lokel, nag-iisa at matinding pinagmamasdan lang si Sham na gulat pa rin sa nangyayari. VIP eh!

Siniko ko si Sham para mabalik ito sa ulirat niya.

"Oy! Samahan mo na si Lokel do'n oh! Kanina pa ata naghihintay!" bulong ko rito.

Inirapan niya ako at nag-inarte pa!

"Bahala ka riyan! Sinasayang mo mga chances mo Sham! Landiin mo na!" pagtutulukan ko sa kaniya. Sinisiko ko rin siya patungo kay Lokel kaso ang bigat niyang pagalawin!

"Welcome shot muna!" magiliw na ani sa 'min ni Dev sabay lahad ng dalawang shot ng inumin. Hindi ko alam ang mga ito at diretsong nilagok na lamang.

"Tangina Dev!" Napasinghap ako sa sobrang lakas ng inumin na binigay niya. "Ano 'to? Gago, kay bago-bago," maasim kong ani.

"Tequilla!" natatawang sagot nito. Sa sinabi ay minura ko siya ulit. Ang aga pa para malasing!

Art Of Temptation Series: Alluring Over Mr. CEOWhere stories live. Discover now