06 - Job

144 5 0
                                    

Sa mga araw na iyon ay hindi na nga nagparamdam ang misteryosong lalaki na 'yon. May kung ano sa akin na nakokonsensya sa sinabi ko sa kaniya, hindi naman siguro harsh iyon? Para naman sa kaniya, at saka totoo ang sinabi ko. Ayoko pa, at nagsasayang lang siya ng oras.

"Asmitha? Nagyaya sina Dev, 'yong mga kaibigan ko. Birthday raw niya, niyaya ako, e, sabi ko naman may sleep over ako rito sa inyo, at saka 'di ko rin naalala na birthday niya," saad ni Sham, nandito kami sa bahay dahil nga sa plano namin mag-sleep over, kalaunan nga lang ay may nag-imbita sa kaniya ng gan'to.

"Ayos lang, punta ka muna, marami pa namang araw. Nadoon ba si Lokel?" tanong ko.

Tumango ito. "Eh paano ka? Akala ko ba kailangan mo ng may makakausap," nakokonsensya sabi.

"Ayos lang talaga, saka si Dev 'yon, kababata mo, kaya nararapat na nandoon ka."

"Eh kung sumama ka na lang kaya? Parang others naman sa 'yo si Dev. At sama parang kailan lang magkakasama tayo! Naging manliligaw mo rin 'yon ano!"

"Ayos lang, ano ba," tanggi ko. "At saka parang biro lang naman 'yong panliligaw ni Dev. Trip niya lang gano'n, na-bored."

"Sige na, ako bahala," pilit pa nito sabay yugyog ng kamay ko.

Napaismid ako at napairap bago muling tumingin dito. "Saan daw ba 'yong party?"

"Sa Beda," sagot nito.

"Eh? Iinom?" parang na-surprise kong sabi kahit expected naman na, halos kasi sa lahat ng estudyante sa paaralan namin ay gan'to ang paraan ng pagb-birthday nila. Inuman.

"Ikaw naman bahala kung iinom ka, marami naman akong kilalang p'wede tayong maihatid.

I deeply sighed and nod. "Okay, basta uuwi tayo nang sabay dito sa bahay. 'Yon ang plano."

"Ayon! Syempre!" 

Nang matapos namin mapagdesisyonan ay agad na kaming nagbihis. Umuwi muna si Sham at nagplanong susunduin na lang ako rito sa bahay. Mag-a-alas sinco na noong umuwi siya kaya medyo late na kaming nakarating sa sinaad na lugar kung saan ang party.

"Nasabi mo ba kay Dev na pupunta ako? Baka itaboy ako no'n kasi binasted ko siya." I chuckled.

"Oo, ano ba! Para ka namang others. Maayos naman kayo! Nilasing ka pa nga!"

I playfully rolled my eyes at her that made her chuckles. Ayoko na lang ulit maisip ang araw na 'yon.  Traumatizing day 'yon para sa 'kin. Kaya ayoko na uminom!

As we enter the place, bumungad sa'min ang napakalakas na tugtugin. Ang Beda ay isang pool bar, kaya kahit kailan ay p'wedeng mabasa ang dress kong pula rito.

"Dev! Happy birthday!" bati ni Sham kay Dev nang iwan niya ako para pumunta sa isang table nila Dev.

"Thanks bae! Kahit... pota, nakalimutan mo!" natatawang sagot naman ni Dev sabay akbay at pisil sa pisngi ni Sham. "Isa ako sa gumastos sa birthday mo! Tapos nakalimutan mo lang? Regalo ko?" Nakita kong pabirong nilahad nito ang kamay kay Sham.

I smiled as I watched them together, I never had a boy bestfriend or even a boy friend, so I am curious and happy seeing them like this.

Gulat na napatingin ako sa kanila nang tumama ang mga mata namin ni Dev. I awkwardly smile as he smiled widely at me. "Uy Asmitha! Bakit ka nandito? Matapos mo'kong bustedin?" He pouted like a child.

"At matapos mo'kong lasingin?" I glared.

"Joke lang 'di na mauulit!"

I chuckled. "Happy birthday?" patanong ko pang sabi kaya napaiwas ako ng tingin at mahinhin na pumikit dahil sa hiya na naramdaman.

Art Of Temptation Series: Alluring Over Mr. CEOWhere stories live. Discover now