08 - Suitor

151 3 1
                                    

"Asmitha! Salamat ng pala ulit sa autoghraph! Pakisabi kay Sir lodi Althrion na pinasaya niya talaga si Dad kahit parang ayaw niyang maniwala na galing 'yon sa idol niya!" masayang saad ni Kal habang iniistorya ang nangyari nang ibigay niya ang autograph ni Daddy sa tatay nito. "Sa susunod daw ay video greeting naman para maniwala siya! Talagang 'yon!" Napangiti ako nang makita na ang saya-saya talaga ng mata niya. Dahil sa singkit ang mata niya ay mas lalo pa itong naningkit, halos 'di na mahagilap ang mata nito.

"P'wede naman! Gusto mo mag meet and greet pa sila!" suggest ko pa.

"Kung p'wede lang sana e!" Biglang unti-unting bunalot ang lungkot sa mukha nito.

"Bakit naman hindi 'di ba? Nagulat kaya si Daddy noong nalaman niyang may tagahanga pa rin siya! Lalo't malaya na siyang nakakapaglayag sa labas-labas ay hindi na niya iniisip na naging artista siya!" Tumawa ako.

"Nasa ospital kasi si Daddy! May sakit siya kaya ro'n siya nanatili, kaya malaking tulong 'yong ngiting binigay niya kay Daddy, lalo't napanghihinaan na siya ng loob sa mga araw na 'yon." Lumungkot ang boses nito. "Nga pala!" Biglang pagbago ng mukha niya.

"Ano?" masuyo kong sagot.

"Bakit dito ka nagtatrabaho? Mayaman naman kayo?" biglaang tanong nito, iniiba ang usapan kaya napaismid ako.

"Pagpapalipas lang habang wala pang nagtatanggap sa 'kin ng trabaho, saka nag-iipon. At hindi kami mayaman ah! May kaya lang!"

"Sus! Balita ko kay Daddy Attorney si Sir Althrion! Saka syempre dahil former artist naman siya siguradong malaki naman naipon niya. Ang gaganda kaya ng nga kanta niya, palagi ko 'yong naririnig na pinapatugtog ni Daddy."

Umiling na lang ako. "Ikaw ba? Mukhang may kaya rin naman kayo! Chinese ka, kaya alam ko naman na ano..." Tumingin ako rito. "Joke lang pero totoo! Mukha ka naman mayaman, kaya bakit dito?"

"Wala lang, may kasalanan kasi ako kay Daddy, saka gaya mo, nagpapalipas."

"Stubborn ka pala e, kaya ka bumbawi..."

Umikot lang ang mata nito at tumingin sa orasan. "Out na pala natin, hintayin na lang natin si Claser, papunta naman na siguro 'yon."

"May pupuntahan ka ba? P'wede ka namang mauna," sabi ko.

Uniling ito. "Wala naman! May susundo ba sa 'yo? Hatid kita!"

Sa sinabi ay pinandilatan ko ito. Nasa harap lang naman ng plasa bahay nito! "Hindi na! Mapapalayo ka lang!"

"Ayos lang, pasasalamat ko na lang sa 'yo." Umiling na lang ako at tumango, hindi ko mapipigilan ang isang 'to.

Nang dumating si Claser ay nanunukso ang tingin nito sa 'min kaya agad na napalayo ako kay Kaluen. Ayokong mapagdisktihan ni Claser sa panunukso nito 'no! Noong una naming paghintay sa kaniya ay tinutukso niya agad kami!

Nang magbatian na ay umalis na agad kami. Dahil sa malapit-lapit lang din naman ang bahay namin sa parke ay nilakad na lang namin dahil tamang-tama naman na ang sarap mag-exercise sa gan'tong oras. At kahit malalapit lang ang mga bahay namin sa pinagtatrabahuhan ay may gana pa kaming ma-late sa trabaho ha! Napailing na lang ako.

"Ano nga pala natapos mo?" biglang tanong nito habang patuloy pa rin kaming naglalakad patungo sa bahay.

"Accountancy, ikaw?"

"Bussiness management," tipid na sagot nito.

Napatango ako. "May bussiness kayo 'no?"

"Oo, kaso ayoko ro'n!"

"Isa ka rin ba sa mga "sampung million layuan mo anak ko," gano'n?" Napatawa ako.

"Hindi!" Napatawa rin ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Art Of Temptation Series: Alluring Over Mr. CEOWhere stories live. Discover now