07 - Kaluen

88 4 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-jogging. Ngayong araw rin agad ang simula ng trabaho ko sa fast food chain ng Ale na 'yon. Dahil sa 24 hours ang pagkainan nito ay pasalit-salit lang ang trabaho, pinapili naman ako kaya gabi na ang kinuha ko, kung sa'n ako sanay na gising.

Tamang lakad lang muna ako sa parke kung nasaan ang pagtatrabuhahan ko, habang inaayos pa ang ear phones na ilalagay sa taenga ay may biglang may bumangga sa 'kin.

Kumunot ang noo kong sinundan ang kung sino mang nilalang 'yon. "Hoy! Walang mod-" Napalaki ang mata ko sa isang lalaking kakadakip lang sa tuta nito, parang pinahabol o ano. "Aba-- hayop!" irita kong sigaw nang nginitian lang ako nito.

"Sorry miss!" biglang bawi niya habang nakangiti pa rin. Inikutan ko siya ng mata nang bigla siyang kulitin ng tuta niya. Parang hindi nakaabala.

Padabog ko na sanang kukuhanin ang nalaglag na earphone ko pero hindi ko na mahagilap. Napatingin muli ako sa harapan ko at doon nakita ito na nginangatngat na ito ng aso niya.

"Aba gag-" Akmang papatulan ang aso ay pinigilan na'ko ng lalaki.

"Aba miss, aso lang 'yan," banta nito.

"Pake ko gago! E, 'di bayaran mo 'yan lintik ka, mas mukha ka pang aso!" sa pagkakasabi ko ay bigla akong napatakip sa  bibig ko, habang ang mga mata ko naman ay hindi makatingin nang diretso sa kaniya.

"O ano? Nagsisi ka bigla? 'Di naman kasi totoo," mahangin pang aniya.

"Arogante! Walang epekto sa 'kin ang mga chinese hoy!" Mas napangisi ito sa sinabi ko.

Nakita ko ang pagdaan ng amusement sa mata nito. Tama ang hula ko. "At paano mo namang nasabing chinese ako?" parang nanunukso pang saad.

"M-M-Mukha ka kasing peke! 'Yang mata mong at-- argh!  Kainin n'yo 'yan!" Padabog na lang akong tumalikod sa mga ito. Wala naman akong makukuha ro'n. Naiinis lang ako lalo.

Ilang metro na ang nilakad ko ay do'n ko natanto ang ginawa ko. "Putangina Asmitha! Kakabili mo lang no'n!" saway ko sa sarili.

Matapos ang umaga na 'yon ay agad naman akong naghanda para sa shift ko mamayang alas sais. Hindi ko alam ang irarason ko sa pamilya ko kapag nakita nilang gagala ako sa ganoong oras, lalo pa't doon din pala ako magpapalipas ng umaga. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang nagtatrabaho ako sa isang plasa. Bahala na lang mamaya.

Saktong pagdating nila ang alis ko. "Asmitha? Asan ka tutungo?" tanong ni mama sa 'kin habang magkaakbay sila ni papa na pumasok sa loob, mukhang extra sweet sila ngayon.

"M-ma... kina Sham po, do'n muna ako matutulog," pagrarason ko.

Sa sinabi ko ay sabay na kumunot ang noo ng dalawa. "B-bakit? May problema ba si Sham?"

Agad akong umiling. "Wala po, kailangan niya lang ng kasama ngayon-- sh-" muntik na akong mapamura ng makita ko ang oras, bilin pa naman na mas maagandang maaga ang punta sa shop lalo't kailangan pang naghanda. "M-ma, Pa... kailangan ko ng u-umalis," natataranta kong batid.

"A-aba... ba't kailangan magmadali. May nakalimutan ka ata!"

"I love you two!" we shouted in chorus with my mom's last words. Hindi ko alam kung anong meron, lalo't huli ko na lang nakita na may dala silang cake. May napanalo na naman bang kaso si Papa?

Napahinga ako nang maluwag nang nakita kong naabutan ko pa si madam; tagabantay ng pagkainan.

"Buti naman at nandito ka na Asmitha, maagang umuwi si Claser ngayong shift nila dahil daw sa emergency. At saka, wala rin ang kasama niya dahil nanganak ang asawa. Jusko, ba't ba kasi ang aga magsibuhat ng responsibilidad," mahabang lantyana nito habang ako naman ay nag-aayos ng uniform nila rito.

Art Of Temptation Series: Alluring Over Mr. CEOWhere stories live. Discover now