"Nisheee!" sigaw niya
Alam ko ang boses na yun. Siya lang naman yung tumatawag sa second name ko. Ayaw ko talaga 'pag tinatawag ako ng ganyan eh pero best friend ko siya kaya sige nalang. Depensa pa niya, gusto niya unique daw ang tawag niya sa akin dahil marami na daw ang tumatawag ng Jahairah sa akin.
"Vaniah naman eh. Highschool na tayo. Huwag mo na akong tatawagin ng ganyan." ani ko.
"No, I want to be unique, no. Ayoko ng may kapareha. At ang ganda kasi ng tunog eh parang "beshie". Best friend kaya kita at dapat ako lang ang tatawag ng ganyan sayo." sabay ngiti pa niya at hinatak-hatak na ako papuntang room.
Andaming tao na sa room, kaya umupo nalang kami sa may bakante. Hay, alam ko naman na introduce yourself na naman ang gagawin namin ngayon. Highschool na kami pero di ko pa rin talaga maintindihan kung bakit pa kami magpapakilala sa iba eh paplastikin lang naman kami niyan.
"Hi, I am Prof. Baltazar and I will be your English teacher for the whole sem." pagpapakilala ni Sir. "As the typical first day of school, I want you to introduce yourself. But with a twist."
"Anong with a twist? Di naman kaya tayo babali-an ng liig nito, ano? Hahaha" bulong ni Vaniah sa akin, haynako wala talaga matinong salitang lumalabas sa bibig nitong babaeng 'to.
"Tumigil ka, baka mapagalitan tayo, first day na first day, Van!" sagot ko pa para tumigil na siya.
"I want you to introduce yourself, not a typical introduction. I want you to come up with an entertaining introduction. You can sing, dance, act, or write a poem with yourself. I will give you 2 minutes to prepare."
Ay ginawa naman kaming entertainer ng teacher na 'to. 2 minutes??? Eh kahit nga impromptu speech di namin magawa ng ganito. Haynako, Lord!
"Anong gagawin mo, Nishe? Ako kakanta nalang ako" sambit pa ni Vaniah.
"Siguro gagawa nalang ako ng tula."
Isa-isa ng nagpakilala ang mga kaklase namin karamihan ay kumanta. Sanaol maganda ang boses. Pero ni isa wala talaga akong matandaan sa mga pangalan nila. Useless lang tong introduce introduce eh. Nag-isip na ako kung papaano ko e-introduce yung sarili ko.
Si Vaniah na ang susunod kaya nag ready na siya. I give her reassuring smile para naman mawala yung kaba niya kahit walang hiya 'tong babaeng to pero mahal na mahal ko 'yan.
"I am Vaniah, Gonzales is my lastname. You can call me Van or you call me baby. We have a lechonan and pink is fave color. I hate Math. So what's you're looking for? I'm always here when your sad. If you can see that I'm the one who understand you. Make you sad is not in my vocabulaaaaary. You can call meeeee. You can call me" kanta pa ni Vaniah. Favorite niya kasi talaga si Taylor Swift kaya 'You belong with me' yung naging tono ng pagpapakilala niya. Nagmukha tuloy na concert.
Ako na ang susunod pero gusto ko na lang talagang magpakain sa lupa dahil sa kabang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Bang Mahalin Ka?
RomanceJahairah and Vaniah were best friends. In everything, they always get along. Even though their respective habits are opposite, it did not hinder their friendship, not until they met Mike and Michael, the transferee twin brothers. When was it wrong...