6. The Story Behind

1 0 0
                                    

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko, nang makita nila Dad na mugtong-mugto ang mga mata ko'y natigilan sila.


"Totoo po ba? Hindi ni'yo po ako tunay na anak? Bakit ngayon ni'yo lang po sinabi? Kaya pala lagi kayong wala dito. Ang daming tanong na lumalabas sa utak ko gabi-gabi. Tinatanong ko kung anak ni'yo po ba ako dahil lagi kayong wala. Lagi kayong nasa business meeting. Sabihin ni'yo na po yung totoo. Saan po yung tunay kong mga magulang?" sunod-sunod kong tanong. Medyo sumasakit na rin yung dibdib ko dahil sa kakaiyak. Gusto kong malaman ngayon ang totoo. Hindi sila nagkulang sa akin ng pagmamahal pero nagkulang sila sa atensyon. Kaya pala parang may hindi ako alam.


"Anak, I'm sorry." Mom broke down. "I'm sorry kung ngayon mo lang nalaman. We're both afraid with your Dad na baka magalit ka sa amin. Ayokong masaktan ka, mahal na mahal ka namin at tinuring ka naming tunay na anak. Natakot akong baka pagdating ng panahon, iwan mo kami."


"Kaya nga po gusto ko pong malaman ang totoo. Nasaan po yung tunay kong ina?" tanong ko.


"She died. She was dead on the spot." Dad started to narrate what happened on that day. Sabi nila na kasambahay daw yung nanay ko sa kanila noon. She was a victim of teenage pregnancy. Wala pang anak nun sina Mom. May importante silang pupuntahan kaya sinama nila yung totoo kung nanay. I was 2 years old that time kaya iniwan pa muna ako nila Mom sa bahay nila Tita Vera, yung Mommy ni Vaniah. Sinabi pa nilang lumayas lang daw yung totoo kung nanay sa amin dahil binubugbog ng ama ko. They feel pity to her kaya ginawa ni Mom na kasambahay yung totoo kung nanay but treat her as her sister. When they were on their way, they got hit by a truck. Akala nila yun yung last day nila pero nadala kaagad sila sa hospital, they were both in a coma that time. My true mom was dead on the spot kasi nauntog yung ulo niya at puro basag na salamin yung tumama sa ulo niya.


Di ko pa napoproseso ang lahat but I can't hate my parents now. Oo, galit ako dahil ngayon lang nila sinabi but I'm thankful to them because they treat my true mom as their family. Sa huling sandali ng buhay niya, alam kong naging masaya siya, malayo sa magulong bahay kasama yung tatay ko. I felt bad kasi di ko man lang nalaman ang totoo niyang pangalan. Even my Mom doesn't know her true name kaya di ko man lang siya madadalaw. Sabi pa ni Dad, nailibing rin naman daw ang yung totoo kong ina dahil pinalibing rin daw ng totoo kong tatay. They also said that my true father died on that same year dahil sa sakit sa atay, lasenggero daw kasi iyon.


After that, I hugged my parents. I just said thank you for everything they have done for me. They also said sorry. Kumain na kami and I brag them that tumulong ako magluto ng adobo kay Manang. Nagtatawanan lang kami. Masaya sila na marunong na daw ako magluto baka sa susunod daw ako na yung papalutuin nila sa lahat ng pagkain. Tumabi rin ako sa kanilang matulog ngayong gabi because I missed them so much. I missed their hugs and stories. Nagtanong pa ako kung kailan sila babalik sa business meeting nila para naman makapaghanda ako pero sabi ni Mom, they will stay here for good. Grabe ang saya-saya ko, araw-araw ko na silang makikita.


"Ako naman magtatanong sa'yo, anak." Dad said.


"Ano na naman yan, Dad. Parang kinakabahan ako niyan ha." tugon ko. Iba kasi 'to magtanong si Dad, nakaka pressure.


"May nanliligaw na ba sayo ngayon? Kung meron man, papuntahin mo yan sa bahay ha. Dapat dumaan pa muna yan sa mga rules ko." sambit pa ni Dad.


"Asa ka, Dad. Sino namang magkakagusto sa akin? Tiyaka bata pa po ako, wala akong oras sa love love na 'yan!" tugon ko pa.


"Ang ganda kaya ng anak ko. Siguro may secret admirer ka sa school n'yo." hirit pa ni Dad.


"Haynako, Dad. Hindi ako magboboyfriend hangga't wala akong nakikitang katulad n'yo. Gwapo, maalaga, mapagmahal, may respeto, maginoo at taong kaya kang pasayahin. Sa school kasi namin puro mga  hambog lang naman nandodoon." sambit ko pa.


"Basta, anak. Sinasabi ko sa'yo, 'yang ideal boyfriend mo, hindi naman yan talaga yung magugustuhan mo pagdating ng panahon. Sa pag-ibig, 'pag tinamaan ka, tinamaan ka. Wala kang sinasantong tao 'pag nagmahal ka, kahit bawal o kahit masakit, pipiliin mo pa ring magmahal. Hindi mo na rin kikilatisin kung nakapasa ba siya sa standards mo." ani Dad. Ngayon lang kami nag-uusap ng ganito ni Dad. He has a point naman. Love strikes like lightning. Di mo alam na makukuryente ka nalang 'pag nakita mo na si Mr. Right. Pagkatapos nun ay natulog na kami.


The night was too quiet and at last, I am genuinely happy. I find my happiness, I find my peace. I now know the story behind my past.

Kasalanan Bang Mahalin Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon