"Don't worry, you're safe now. I'm now here." he said with his calm voice and try to hush me. It was Michael. The suplado Michael I know saved me from danger. My heart now is in irregular beating, I don't know why but it was weird.
He smiles to me sweetly like he found a precious jewel. Then, he type something on his phone.
"Hello, is this Police Station? Nandito po kami ngayon sa kanto malapit sa Emerald High School, may isang lalaki pong nanakot sa kaibigan ko. Yes, thank you po" he said without letting go of me.
"Are you okay?" tanong niya pa. Nawala na yung suplado niyang aura napalitan iyon ng maamo niyang mukha ngayon. Tila ba alalang-alala siya. Bumitaw na rin siya at nakita ko ang dugo sa kanyang kamay.
"Yes, I'm okay. Thank you." saad ko. "Napano 'yang kamay mo? Masakit ba?" tanong ko sa kanya.
Sinabi niya pa sa aking okay lang din daw siya at wala lang daw yun. Nakita ko pa yung lalaking humahabol sa akin kanina na basag ang mukha.
"Did you punch him?" tanong ko kay Michael. Kaya ba may dugo yung kamay niya?
He just nodded and smile like a boy that wins a game. It was my first time to see him smile like that and it was like a magic that drives my pain and fears away.
We headed in the Police Station and ni-narrate ko yung buong nangyari. Dumating rin sina Mom and Dad and they look worried. Nagsorry pa si Dad dahil hindi niya daw nabasa at nasagot yung tawag ko kasi they were in an emergency business meeting.
Napunta yung tingin ni Dad kay Michael na inosenteng-inosente kung tingnan. Lumabas ang nakakalokong ngiti ni Dad na para bang may gusto siyang iparating.
"Mom and Dad, this is Michael. My classmate." diniinan ko pa yung classmate para wala ng ibang sabihin pa si Dad. "Michael, these are my parents." pakilala ko sa kanya.
Nag bow and greet naman si Michael sa kanila. Mom and Dad give their thanks to Michael from saving me. They said na pumunta muna sa bahay para doon na maghapunan but Michael just said na may bibilhin pa raw siya kaya sa susunod nalang daw.
"Thank you, Michael. Kung wala ka kanina, hindi ko talaga alam anong gagawin ko." panimula ko pa ng mag-usap kami. Nasa car na sila Mom and Dad and I said na gusto ko munang makipag-usap kay Michael.
"You're welcome. It's no big deal. I just did what I can." tugon niya pa.
"Anong hindi big deal eh buhay ko 'yun. You saved my life kaya next time, lilibre kita." saad ko. "Tiyaka, paano mo pala nalaman na number ko yun? Eh number mo lang naman yung kinuha ko. Di ko naman sinave number ko sa phone mo" tanong ko pa.
He just shrug at hindi na siya kumibo pa. Balik na naman siya sa pagiging silent mode niya kaya nagpaalam na ako sa kanya.
Nandoon na kami sa bahay at puro tanong lang si Dad kung sino ba talaga yung lalaking kasama ko kanina. Paulit-ulit na talaga 'tong si Dad, malapit na akong mapikon.
"Classmate ko lang po talaga siya. No more, no less." saad ko pa.
"Di talaga ako naniniwala, anak eh. The way he stares at you. May something eh. Parang kaya niyang saktan ang lahat ng taong umaaligid sa'yo basta di ka lang masaktan." ani Dad.
"Haynako, Dad. Wala lang 'yun. Mabuti ng kumain na muna tayo. Gutom na gutom na po ako tapos pagod rin po ako kakatakbo." saad ko pa. Iniba ko nalang ang usapan para hindi na siya magtanong pa.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, sumasakit kasi yung sikmura ko. Wala naman akong kinain kagabi na rason para sumakit yung tiyan ko ngayon. Nag prepare nalang ako para pumasok sa school dahil kaya ko pa naman. Di na rin ako nag-almusal nagdala lang ako ng sandwich sa school.
"Today is the day that you will be reporting about Happiness." saad ng Prof namin.
Nag report na yung mga kaklase namin at kami na ang susunod.
"Happiness is a pleasurable or satisfying experience. Something makes you happy. Even in love, you get happy when your partner is happy." panimula ni Michael.
"There are certain types of happiness or being happy. First is the happiness when you got promoted by your job, or achieving something you dream. Second is being happy not for yourself but being happy because others are happy." saad ko pa.
Maraming mga tanong ang prof namin buti nalang at nasagot namin lahat. Kaya nginitian ko si Michael at nagbigay ako ng thumbs up. Maaga rin kaming na dismiss dahil maagang natapos yung reporting.
"Bro, saan ka pala pumunta kagabi? Sabi mo may bibilhin ka lang sa tindahan pero bakit ang tagal naman. Alas nwebe ka ng nakauwi sa bahay, di ka rin nakapag dinner." saad ni Mike. Magkasama kaming apat ngayon dahil papunta kaming canteen. Medyo nabigla pa ako. Hindi siya nag dinner? Parang guilty naman ako nito.
"Napaaway pa kasi ako sa kanto, may lasing kasing pinagtitripan yung isang babae kaya sinuntok ko." saad niya pa at pinakita yung kamao niyang may band-aid. Natigilan pa si Vaniah ng makita 'yun.
Nandito na kami sa canteen at umorder ako ng maraming pagkain, libre ko na sa kanilang tatlo. Himala nga at hindi na nagpapapansin si Vaniah kay Michael kaya siguro sumabay si Michael ngayon pero nakikita ko ang kirot sa mga mata ni Vaniah pero pinilit niya lang ngumiti.
"Libre ko, dahil second life ko na 'to." saad ko pa. Si Michael lang naman may alam sa nangyari kasi hindi na rin naman ako nakapagshare kay Vaniah baka magselos pa siya.
"Anong second life?" sabay tanong ni Vaniah at Mike.
"Basta." tipid kong sagot.
"The drinks are on me because I saved a girl from danger last night and I think we're friends now." biglang saad ni Michael kaya nabilaukan ako pero nginitian niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Bang Mahalin Ka?
RomanceJahairah and Vaniah were best friends. In everything, they always get along. Even though their respective habits are opposite, it did not hinder their friendship, not until they met Mike and Michael, the transferee twin brothers. When was it wrong...