Isang linggo na simula ng magsimula yung pasukan at naging alarm ko na talaga ang tawag ng best friend ko kada alas sais ng umaga kaya minsan inuunahan ko nalang gumising para di ako lutang 'pag kinakausap niya ako. Araw-araw iba-iba ang mga balitang nasasagap daig pa ang mga news anchor sa TV.
"Nisheeee" unang bungad niya sa akin. Grabe 'tong babaeng to di ba siya nawawalan ng energy? "Alam mo ba yung class secretary natin noong elemetary? Yung bully, yung feeling maganda at feeling lahat ng kaklaseng lalaki natin may gusto sa kanya, yung laging may dalang sandwich sa eskwelahan na hindi naman namimigay. Buntis daw! Grabe di nalang talaga hinintay makapagtapos ng hayskul, ano? At hey, hindi ito haka-haka lang, legit source!" kwento niya na parang walang preno kung magsalita.
"Oo tapos sino daw ang ama?" di naman talaga ako tsismosa, nahahawa lang talaga ako sa kaibigan ko.
"Yung ex-crush mo! Si Leo!"
"Anong ex-crush eh hindi ko naman naging crush yun ah! Kayo lang naman yung tumutukso sa amin sinasabayan ko nalang kasi mukhang may gusto sa akin yung tao" sambit ko pa, totoo naman talaga wala naman talaga akong gusto kay Leo.
"Ah basta yun! at oo nga pala, dali-an mo ng maligo diyan, sabay na tayo pumasok. Bye" ani Vaniah tiyaka pinatay na yung tawag.
Naligo na ako't nagsipilyo, kumain na rin ako. As usual, ako lang mag-isa sa hapagkainan. Lagi kasing nasa business meeting ang mga magulang ko pero naiintindihan ko sila dahil di rin naman nila ako kinulang sa pagmamahal at tiyaka mayroon naman akong mga kasamang kasambahay so hindi na mukhang malungkot ang bahay.
"Manang, punta na po ako ng school." paalam ko pa kay Yaya Marta. Siya yung kasambahay na pinagkakatiwalaan nila Mama at Papa. Naging pangalawang ina ko na rin siya.
"Sige iha, mag-iingat ka." bilin pa ni Yaya at tinawag na si Manong Allan, yung driver namin para ihatid ako.
I was walking papuntang gate nang mag text si Vaniah.
"Nishe, una ka na lang pala sa room may dinaanan lang ako."
I was in the middle of replying when someone grabs my phone. He is that maingay slash may maitim na mata guy. Ano nga ulit pangalan nito? Mike?
"Nilagay ko na number ko baka gusto mo ng may kasabay papuntang school. Wala rin kasi akong kaibigan eh, alam mo na transferee" sambit niya habang tinitipa ang number niya sa phone ko.
"Alam mo wala akong panahon makipag-usap sa'yo and for your information may kaibigan naman ako di lang talaga siya nakasabay sa akin ngayon dahil may pinuntahan siya." sambit ko pa at tiyaka kinuha na ang phone ko't umalis. Bakit ba ako nag-eexplain sa lalaking 'to?
Pumunta na ako ng room at nadatnan na may natutulog na lalaki. Kaya sinubukan kong wag gumawa ng ingay ngunit sa kasamaang palad ay nabunggo ako sa may arm chair at nakagawa iyon ng ingay na siyang nakapagising sa kanya. Mula sa maamo niyang mukha ay naging maangas iyon na para bang liyon na gutom na at handa ng kainin ang kanyang bihag.
"Sorry" pilit kong ngiti. "Ang arm chair kasi paharang-harang. Pasensya ka na." sinsero kong sambit. Kahit pa man naging bad day yung first day ko dahil sa kanya ay hindi naman ako nagkikimkim ng galit.
"Can you just be quite and patulugin mo nalang ako?" iritado niyang sambit.
Ay sorry Lord, binabawi ko na yung sinasabi kong di nagkikimkim. Jusko sa lalaking 'to!
Pumasok na yung Prof namin sa Filipino at nagbigay ng activity. Hindi ko na rin pinansin ang lalaking yun.
"Class, gusto kong hatiin kayo sa dalawa dahil magkakaroon tayo ng debate." instruction pa ni Sir at nagsulat sa chalkboard ng topic na pagdedebatehan.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Bang Mahalin Ka?
RomanceJahairah and Vaniah were best friends. In everything, they always get along. Even though their respective habits are opposite, it did not hinder their friendship, not until they met Mike and Michael, the transferee twin brothers. When was it wrong...