12. Horoscope

0 0 0
                                    

Papasok na ako ng school nang mapansin kung may nakukumpulang mga estudyante sa may gate, parang kinikilig pa yung iba at yung iba nama’y parang nandidiri, ang iba naaawa. Dahil 15 minutes nalang ay late na ako kaya pinagkibit-balikat ko nalang  iyon.

Papuntang school ay naisipan kong magbasa ng horoscope ko ngayon. Mahilig kasi ako dito eh.

Mag-ingat sa mga taong nasa paligid mo. Akala mo totoo, akala mo kaibigan mo, yun pala sinasaksak ka patalikod.

Grabe naman ang horoscope ngayon, daming alam! Kaya nag Facebook nalang ako. Nakakita ako ng shared post.

“The painful betrayal comes either from your family or your closest friends.”

Pati ba naman dito? Kaya nag offline nalang ako. Wala rin naman tong patutunguhan eh. Betrayal? Sino namang mag bebetray sa akin eh si Vaniah lang naman yung naging friend ko. Di rin pwedeng sina Mike at Michael. Wala silang masyadong alam sa buhay ko.

“Van, ano yung nasa may gate? Bakit maraming estudyante doon kanina?” tanong ko kay Vaniah nang makapasok na ako sa room. Oras na ng klase pero wala pa rin yung teacher namin kaya naman tinanong ko nalang siya dahil kanina pa ako nacucurious.

“Ah yun ba? Pakulo yun ng student council dahil isang buwan nalang daw bago mag Christmas. Freedom board wall iyon. Pwede ka dawng magsulat doon, either confession or yung gusto mong sabihin sa mga ayaw sayo anonymously. Ang ganda nga eh. Nakapagsulat ka ba doon?” aniya pero kita ko ang pilit na ngiti niya pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon.

“Wala naman akong gustong isulat doon eh.” Saad ko 

“Magbasa nalang tayo mamaya doon. Magsusulat rin ako mamaya doon hehehe" aniya

Wala na kaming pinag-usapan pa. Nakita ko rin sina Mike at Michael na nakaupo sa may unahan. Buti naman at di ko na kailangan pa silang iwasan dahil sila mismo ang umiiwas sa akin.

“Mr. Baltazar is on leave today. May emergency daw sa bahay nila kaya dismiss na kayo for now. Just wait for your next subject.” sambit nung isang teacher na may edad na.

Imbes na pumunta sa library ay nanatili nalang ako sa room ngayon dahil 30 minutes nalang bago yung next subject. Mamaya nalang ako pupunta doon. Gusto ko ring makaiwas kina Mike at Michael dahil alam kong tatambay rin sila doon ngayon.

“Mind if we sit here?” boses iyon ni Mike. Nakatingin iyon sa akin.

Tila nahihiya pa si Vaniah'ng sumagot pero nakabawi naman siya sa pagkatutula. Di niya kasi akalain na susulpot sina Michael sa harap namin ngayon. To be honest, ako rin di ko inaasahan kaya naman change of plan, pupunta nalang ako ng canteen.

“Ah, okay lang naman.” kita ang kilig sa mga mata ni Vaniah. Akala ko nga ay tinitigilan na niya itong si Michael eh pero umandar na naman yung pagiging marupok niya. Bumalik na rin siya sa dating pagiging talkative.

“Van, punta muna ako sa canteen. May bibilhin lang ako.” sambit ko nalang. Napagdesisyunan ko naman kagabi na huwag silang iwasan pero kapag nasa sitwasyon na ako ay naiilang pa rin ako.

Tumango lang si Vaniah pero ang mga mata ay na kay Michael na nakatingin sa akin.

“Sama ako.” sabay pang sambit nina Mike at Michael.

“Ah hindi na, kaya ko na.” sambit ko at nginitian ko nalang sila.

Alam kong naguguluhan rin si Vaniah sa nangyayari dahil pinapansin ko naman to sila, kaibigan eh.

Kasalanan Bang Mahalin Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon