7. You're safe now

0 0 0
                                    

I hate Monday, but today's different. Gumising akong good mood kasi kahapon, nagsimba ako kasama sina Dad and Mom, magkasama rin kaming nag shopping. Gusto ko kasing bumili ng mga libro sa NBS tiyaka binilhan rin nila ako ng bagong dress.

I'm ready to go to school. Pababa na ako nang maabutan ko si Mom na naghahanda ng pagkain. Si Dad nama'y nagbabasa ng dyaryo sa sala. Kaya nag good morning kiss pa muna ako kay Dad. I also kiss Mom when I went in the kitchen. I want to help in preparing the food but she insist na maupo nalang ako. 

While we were eating, Dad said that he will be the one to drive me to school laganap daw kasi ang mga krimen ngayon. Uso daw yung mga babaeng kinukuha ang laman para ibenta. That thought of it brought chills to my spine. Dad wants me to have body guards but I insist that there's no need dahil may makakasama rin naman akong ibang estudyante pauwi.

Hinatid na ako ni Dad. Binilin pa niya sa aking double ingat.

Papunta na ako ng room ngayon. Nag facebook nalang ako habang naglakakad.

Sabihan mo ako 'pag handa ka na, boy scout naman ako, lagi akong handang saluin ka.

Natawa ako sa kakornihan ng post kaya shinare ko.

Mike Zamora sent you a friend request
Michael Zamora sent you a friend request.

Classmate ko naman sila kaya inaaccept ko na sila.

Mike Zamora reacted to your post.
Michael Zamora reacted to your post.

Ano bang nangyayari sa dalawang 'to? Bakit sabay mag friend request tapos sabay pa mag react ng post.

Bestfriend calling

Nabigla pa ako kasi ngayon lang siya tumawag sa akin makalipas ang ilang buwang di niya pagpansin sa akin. Miss na miss ko na rin marinig ang boses niya.

"Oh hello, goodmorning, Van" sagot ko.

"Nishe, I miss you naaaa pero di ako makakapasok ngayon. May sipon kasi ako. Alam mo na, ayoko rin namang makahawa." namamaos niyang sambit.

"Sige, sabihan ko nalang si Sir. Para maexcuse ka. I miss you too, bes" sambit ko pa bago mag hang-up sa phone ko.

Pumasok na ako sa room, nakita ko pa si Mike na kumakaway sa akin. Katabi niya ngayon si Michael na blanko lang ang ekspresyon. Ngumiti nalang ako bilang ganti. Sinabihan ko na rin yung prof namin ngayon na absent si Vaniah kaya inexcuse niya.

"Class, I want you to group into three and brainstorm about the poem entitled, 'Nothing Gold Can Stay by Robert Frost'." sambit ng proof namin sa English.

Kasama ko sa grupo si Mike and Michael. Kaya nagsimula na kaming mag brainstorm.

"I think the writer wants to say that nothing is constant. Gold is a symbol for all things beautiful, important and valuable. He is saying that gold doesn't last forever so does the things found in nature." sambit ni Michael.

"I think Frost pertains his poem about the impermanence of life. It describes the fleeting nature of beauty by discussing time's effect on nature." saad rin ni Mike.

"The author wants to say that earliest leaves are as beautiful as a flower. This, spring itself, is lovely as a flower. And yes, he wants to say that nothing last forever." sambit ko pa.

Matapos nang pag bi-brainstorm namin ay dinismissed na kami ng prof namin kaya pumunta na ako ng canteen dahil nagugutom ako.

"Sabay na tayo, Ja" sabay ring saad ng kambal kaya wala na akong nagawa dahil wala rin naman akong ibang malalapitan dahil plastic yung ibang mga kaklase namin sa akin 'kala mo mabait pero may korona na pala sa impyerno.

Nag-order na kami. Di talaga mawawala sa order ko yung sandwich at orange juice. Since, nagbaon naman ako ng lunch kaya snack nalang yung inorder ko.

"Favorite mo ba yung sandwich, di kasi yan nawawala sa bawat kain mo." sambit ni Mike.

"Oo, masarap kasi sandwich nila dito." sambit ko pa pagkatapos nilantakan ko na. Kinain ko na rin yung lunch ko. Kaya busog na busog ako pagkatapos.

"Ja, pwede ko ba mahingi number mo? Nabigay ko na rin naman yung akin." sambit pa ni Mike na ngisi-ngisi pa kaya binigay ko nalang. Kinuha ko nalang rin number ni Michael at sabi ko baka may emergency o announcement ay mag tetext nalang ako sa kanila. Wala rin naman siyang imik at binigay lang yung phone niya.

Tapos na kaming kumain kaya pumasok na rin kami sa last subject namin ngayong hapon. PE class at self-defense daw yung ituturo sa amin. Dahil laganap na rin daw kasi ang krimen sa ngayong panahon kaya mainam ng malaman namin kung paano mapoprotektahan ang sarili. Kapartner ko si Mike ngayon at pansin kung parang naiilang siya sa akin sa twing hinahawakan niya yung balikat ko at kamay ko dahil kunwari siya 'yong kidnapper at ako naman ang biktima.

Natapos kami ng alas singko y medya ng hapon. Pawis na pawis kami pagkatapos kaya naman nagpalit na ako ng damit. Uminom na rin ako ng tubig dahil nauuhaw na ako.

"Ja, sabay ka na sa aming umuwi." saad ni Mike.

"Naku hindi na, itetext ko nalang si Dad. Papasundo nalang ako." tugon ko pa. Alam ko namang iba yung daan papunta sa kanila. Ayoko na rin ng mang-abala pa.

"Ah sige, mag-iingat ka." saad niya bago umalis. Tinapunan pa ako ng tingin ng kakambal niyang si Michael. Kahit anong gawin nito ang suplado talaga. Ano bang nagustuhan ng bestfriend ko sa lalaking 'to?

Nagtext na ako kay Dad. Hindi rin siya nagrereply kaya naglakad-lakad pa muna ako. Medyo wala ng estudyante dahil madilim na rin.

Dad, we're done with our class sa PE. Sunduin mo 'ko?

Dad, papunta ka na ba?

Where are you na, Dad.

Calling Dad....

Kahit sa tawag ay di rin siya sumasagot. Medyo kinakabahan na rin ako dahil wala ng masyadong tao at sasakyan na dumadaan.

Naglakad nalang ako baka sa susunod na kanto ay makakita ako ng sasakyan. Pabigat ng pabigat yung paghinga ko pero nilalabanan ko lang. Pansin ko ring parang may nakasunod sa akin kaya binilisan ko ang paghakbang ngunit papalapit siya ng papalapit kaya tumakbo na ako at tumakbo rin yung sumusunod sa akin. Bawal akong tumakbo pero kailangan kong gawin 'to.

Nakakita ako ng pagtataguan at hingal na hingal na ako. Hindi ko rin nagamit yung itinuro sa amin kanina dahil kinakabahan na ako. Iyak rin ako ng iyak kaya kung sino-sino nalang yung tinatawagan ko. Hangga't may isang sumagot pero hindi ko na marinig yung boses niya kasi nanguna yung takot at kaba sa puso ko.

Nagtatago ako ngayon at pilit na hinihinaan ang boses ko para di ako marinig ng taong sumusunod sa akin kanina.

"He-llo, tulu-ngan-mo-ako, please. Nasa may kanto ako. Yung..yung malapit sa Emerald High School. Nakikita ko yung isang puno ngayon. May tindahan na may nakalagay na "7 Evelyn" please maawa ka." iyak pa rin ako nang iyak at ang sakit na rin ng puso ko, hirap na akong huminga, ayoko pa talagang mamatay.

"Don't hang up the phone." yun lang yung narinig ko sa kabilang linya. After couple of minutes, I hear a loud bang malapit sa kung nasaan ako ngayon. I believe it was a sound of someone or something that fell off the ground then, someone hug me from behind. Gusto kong sumigaw but his husky voice calms me down.

"Don't worry, you're safe now. I'm now here." he said with his calm voice and try to hush me. It was Michael. The suplado Michael I know saved me from danger.

Kasalanan Bang Mahalin Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon