Chapter 03

25 17 0
                                    

George's POV



"Gosh. Ang sakit ng ulo ko. Mamamatay na ata ako." Reklamo ko habang nakahawak ako sa ulo ko. Masyado bang marami yung nainom ko kagabi?


Pag-mulat ng mata ko, nagulat ako sa nakita ko. Nasaan ako? Ba't ako nandito?


"Shit. Anong ginagawa ko dito? Natulog ako sa company house kagabi, ba't nandito ako sa apartment ko?" Hindi ko makapaniwalang sabi kasi nandito ako sa dati kong apartment.


Napatingin agad ako sa salamin na nasa harapan ko, halos mapatalon ako sa gulat. Sa pagkakaalam ko hindi naman ako nagpa-botox.


"Anong meron sa muka ko? Gosh." Naguguluhan kong sabi sa sarili ko habang nakahawak ako sa muka ko.


2013


2013?


Nakahiga ulit ako sa kama ko sa sobrang gulat. Pinikit ko ulit yung mata ko baka pag-dilat ko nasa tamang katinuan na ko.


Pag-dilat ko..... Shit! Ano bang nangyayari?!


Totoo ba 'to?


Bumalik ako sa taong 2013?


Ha?


Hindi, hangover ko lang 'to. Hallucination sa sobrang kalasingan ko kagabi.


Hindi. Totoo nga 'to.


Pinagsasampal ko ng sampung beses yung muka ko. Aray! Masakit.




Rachel's POV



Argghhh! Ang sakit ng likod ko.


Paggising ko, kama agad yung nakita ko.


Kama?


May double deck ba sa ward? I mean sa yung hospital bed. May double deck ba?


Sa pagkakaalam ko wala.


Tumingin ako sa paligid. Nagulat ako nang nasa staff room ako.


"Ba't ako nandito? Ba't wala na kong turok?" Sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko.


Pasyente ako kagabi, hindi isang doctor.


Ba't nandito ako?


Biglang pumasok si Nrs. Melanie ng staff room kaya napatayo ako agad at nilapitan siya.


"Nurse, ba't nandito ako?" Tanong ko agad sa kanya.


"Dyan ka natulog kagabi." Naguguluhan niyang sagot sakin.


"Pero hindi ako dito natulog. Nasa ward ako. Sa ward ako natulog." Seryosong sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko yung dalawang braso niya.


"Ha? Lasing kaba?" Naguguluhan niyang tanong sakin kaya nagulat ako nang makita ko yung kalendaryo na nakasabit sa pintuan.


"Ha? 2013? 2013?! Saang baul niyo nakuha 'yan? 2021 na ngayon." Reklamo ko kaya kinurot agad ako ni Nrs. Melanie.


"Doc, baliw kaba? 2013 palang ngayon." Reklamo niya at biglang naglakad papalabas ng staff room.


Hindi, 2021 na ngayon.

My Dear Comrade | √Where stories live. Discover now