042

737 55 56
                                    

——— HEESEUNG'S

"pumasok ka, nak! bakit ka ba kasi umalis nang hindi pumapasok" hinila ako ng mama ni sam papasok sa hospital room pagkakita pa lang niya sa akin.

masama ang tingin sa akin ni hyunsuk kaya gusto ko siyang tawanan para asarin pero baka magalit naman si tita.

pinaalis po ako ng anak niyong tunog google translator.

gusto ko sabihin yon pero wag na lang. mabait kasi ako hays.

"bakit kasi hindi mo inentertain bisita ng kapatid mo, anak" sabi ni tita kay hyunsuk at pinaupo ako.

nginitian ko si hyunsuk ng nakakaasar dahilan para erapan niya ko

"no pets allowed daw" bulong ni hyunsuk at hindi talaga pinarinig ka tita

konti na lang at iisipin ko na ampon toh.

tumingin ako sa paligid ng hospital at nakita ko si sam na mahimbing na natutulog. pinagmasdan ko siya at hindi ko mapigilan mag-alala.

maputla kasi ang labi niya tapos maitim din yung ilalim ng mata niya. sobrang pagod ba siya kaya nagkakaganto?

"GOOD MORNING TITA AT SA KAIBIGAN NAMING IMPORTED"

bumukas yung pintuan at pumasok si junkyu at jihoon na may hawak na prutas. syempre natakot ako baka mamaya suntukin na naman ako ni jihoon tapos masira pa yung gwapo kong mukha.

"pasok kayo" yaya sa kanila ni tita at napatigil sila nang makita ako.

nakakita na naman sila ng gwapo.

"ano ginagawa niya dito?" tanong nung dalawa dahilan para mapangiti ako awkwardly

magpaparty sana ako dito, sama ko kayo.

"right? why is he here kaya, annoying" dagdag pa nung kontrabidang kapatid ni sam.

ay, sumasapaw

"tumigil nga kayong tatlo! kumain muna tayo" pina-gather kami ni tita doon sa small table na may chairs sa gilid para kumain

"he's joining?" tanong ni google translator

oo i'm joining pake mo.

pero syempre di ko sinabi.

"tayong apat sabay sabay kakain" paliwanag ni tita kaya wala na nagawa yung tatlo kundi umupo

nagpadeliver lang si tita sa isang fast food chain, siguro wala na ding oras magluto dahil sa pag-aalaga kay sam.

"kailan po madidischarge si sam?" tanong ko. huminga ng malalim si tita bago umiling

"wala pa din sinasabi yung doktor eh" kahit naguguluhan, tumango na lang ako.

may malalang sakit ba si sam? bakit hindi pa din siya nagigising? hindi ba dahil sa pagod lang kaya siya nahihimatay? ang daming tanong sa isip ko pero wala pa akong lakas na loob itanong.

dahil siguro hindi pa ako handa malaman yung sagot.

"ano pala nangyari sa mukha mo heeseung?" tanong ni tita at tinignan yung mukha ko na may pasa

agad ko tinignan si jihoon at nanlaki naman yung mata niya.

"ano po kasi tita--"

"nadapa siya tita! grabe alam mo po ba yung impact? sobrang lakas po! nakita namin sa school grabe ang sakit siguro 'no tol?" putol sa akin ni jihoon at pinandilatan ako ng mata

weh, wala na charot

"ah opo tita may pagkatanga lang" tumawa pa ako para kunyare convincing

"stupid ka naman talaga" bulong pa nung masamang damo

kilala niyo na yon

hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. may mga tanong pa si tita at sinasagot ko naman hangga't sa matapos kami sa pagkain.

"ikaw na muna magbantay kay sam, heeseung" nanlaki yung mata ko sa sinabi ni tita

"bakit po?!" sabay na sabi ng tatlo

favorite ako bleh

"pabayaan mo na magkaroon sila ng oras ng kapatid at kaibigan niyo" paliwanag niya sa tatlo

"halika na" wala na nagawa yung tatlo kundi sumunod kay tita sa labas habang binibigyan ako ng masamang tingin.

bakit parang kasalanan ko?

nang tuluyan na sila maka-alis humila ako nang upuan at nilagay ito sa tabi ng higaan ni sam. umupo ako at pinagmasadan siya

"gising na.." bulong ko at sinuklay ang mahaba niyang buhok

"gising ka na, handa na akong makinig sayo"

kabilang buhay キ l. heeseungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon