——— HEESEUNG'S
"wala pa din si sam?" umiling ako kay sunghoon at tinignan yung relo ko. Kanina ko pa pinapadyak yung paa ko sa kaba at nasuklay ko na lang yung buhok ko nang dumating na ang prof namin.
wala pa si sam. wala pa kaming powerpoint. paano na reporting namin nito. hindi ko din siya macontact kagabi.
"be ready for your reporting. this will cover 60% of your grades so do this seriously" napapikit na lang ako at tinignan yung phone ko hoping na sumagot na si sam pero wala. kahit seen wala.
nasaan ka na ba sam..
nilabas ni ma'am yung index card na pinasa namin noon kung saan nakalagay pangalan namin at ang criteria for this task. hinalo niya ito at nagsimula na bumunot
excited naman si ma'am, kita na wala pa yung partner ko eh.
thankfully, hindi agad natawag yung pangalan namin kaya pasimple kong tinetext si sam kung nasaan siya.
"samantha and heeseung" napaangat agad ako ng tingin at tinaasan ako ng kilay ni ma'am nang makita niya na hindi pa ako tumatayo
sungit naman ni ma'am may dalaw yata.
"where's your partner mr. lee?" striktong tanong niya
"ay ma'am wala pa po kasi si samantha" sagot ni sunghoon
"at kailan ka pa naging mr lee?" napatahimik na lang si sunghoon at nag head down na lang. nakita ko na kinurot siya ni Jay at tinakpan yung bibig para di matawa.
mga gago talaga.
"ma'am, kahit huli na lang po kami, sige na! hindi po kasi sumasagot si sam, nasa kanya po yung powerpoint" pagmamakaawa ko kay ma'am
"fine but take note na may deduction na kayo" wala akong nagawa kundi tumango na lang
bahala na. ang importante may grade.
kinagat ko yung kuko ko habang tinitignan na unti unti natatapos yung mga classmates ko.
tangina, ang bilis naman. bagalan niyo naman di pa sumasagot si sam oh.
"thank you for listening" saad ng huling reporter at tumango si ma'am. napabuntong hininga na lang ako at tinanggap na yung tadhana para sa akin.
bagsak is waving na nga.
"wala pa din, mr. lee?" tinaasan ako ng kilay ni ma'am. bago pa ako makasagot ay may kumatok sa pinto. tiniganan ko kung sino ito at nagtaka ako ng makita si jihoon at junkyu.
pumasok si jihoon samantalang naiwan sa may pintuan si junkyu. may binulong si jihoon kay ma'am at inabutan ito ng flash drive. nakita ko na tumango si ma'am at nag-usap pa sila saglit.
sige, mag interview muna sila doon bago ako pagalitan ni ma'am.
"gago, maghanda ka na ng speech mo" bulong sa akin ni sunghoon kaya tinignan ko siya ng masama. tumawa siya at tumingin sa may bintana para di halata.
lumabas na si jihoon na seryoso ang itsura kaya napaayos na ako ng upo.
"get ready to report, mr. lee. nasa akin na yung powerpoint"
_________________________
"wag mo kami kakalimutan paps hee. nakakapag report ka na mag-isa, nagbago ka na" ginulo gulo pa ni sunghoon yung buhok ko na parang bata dahilan para suntukin ko siya ng mahina sa braso
"baliw" umiling iling ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad
nakapagreport ako dahil excuse daw si sam. may emergency. pero hindi ko alam kung ano kasi ayaw nila ishare.
parang others.
pero I can't help but to worry. may nangyari ba kagabi? alam ko naman na safe siya kasi sabi niya na naka-uwi na siya.
napatigil ako sa paglalakad ng makita si jihoon at junkyu sa may gate. seryoso lang sila. nag-away ba toh?
lumapit ako sa kanila at binati
"mga pre nasaan si sam?" tanong ko pero imbis na may sumagot sa akin, suntok ang nakuha ko
"gago ka!" sinuntok ako ni jihoon dahilan para mapatumba ako sa sahig. hinawakan ko yung gilid ng labi ko ng maramdaman ko mamanhid ito
"tama na yan, jihoon. Halika na" hinila na siya ni junkyu pero bago pa sila makaalis tinignan ako ng masama ni jihoon
"kung hindi ka makakapunta, mag sabi ka. hindi yung magpapahintay ka ng babae don hanggang gabi ng walang kasama"
BINABASA MO ANG
kabilang buhay キ l. heeseung
Fanfic𖥻 𝐇𝐄𝐄𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆 - ❝ iwan mo na lang ako tutal dun ka naman magaling ❞ enha boys series # 2 ╰╮lhs x oc キ : epistolary + narrations ラ : taglish + completed 仌 : epiiphqny-