Rage POV
Kalagitnaan kami ng klase at naghihintay na lang ang brake. Biglang may sumigaw ng malakas tinig ng isang babae. Nagsitakbuhan naman lahat kasama ang mga guro sa room palabas.
" Puntahan natin Rage " hindi sana ako sasang- ayon ng hinila niya ako.
" EXCUse naman diyan " rinig ko sabi ni Mad. Hanggang sa makapunta kami sa harapan.
Napasinghap naman si Athena katabi ko. Tinitigan ko lang yung bangkay butas butas ang tiyan halos di na makilala.
" Diba siya yung prof natin kanina si Mr. Yakamura " rinig kung bulong bulungan sa paligid. Oo nga dahil malalaman mo base sa kanyang suot na damit.
Hindi ko na pinansin yung lumapit ako sa bangkay at tinitigan ito ng mabuti. Walang nahtangkang sumunod sa akin. May naamoy ako sa kanya di ko mapaliwanag. Hahawakan ko na sana biglang may pumigil sa kamay ko .
" Don't ruin the crime scene " malamig na boses narinig ko galing sa isang lalaki.
Napaangat ako ng tingin. Tinignan ko yung nagsalita. Siya yung Chaos yung pangalan na President ng SSC at leader ng Mafias.
Napatingin ako sa estudyante nagyukuhan naman sila pero hindi ako kasama doon. Binawi ko naman yung kamay ko sa kanya at tinignan ko lang siya. Naglakad na ako papalayo sumunod naman si Athena at Mad sa akin.
" Unang araw natin sa eskwelahan gandang bungad " nakangising sabi ni Mad sa akin. Napangisi na rin ako.
Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno malapit sa Triad namin dahil na cancell yung pasok pero mamaya ibabalik din pagkatapos mamili kung sino ang mag iimbestiga.
" Sanay na kayo makakita ng patay " rinig kung sabi ni Athena sa amin.
" Oo sanay na" napatingin naman ako kay Mad
" Kaya pala hindi takot si Rage " wika niya
Maraming beses na kaming nakakitang ng ganon mas malala pa ang iba.
" Ano feeling mahawakan ng ating Chancellor dahil kahit sino wala pang nakahawak at kumakausap doon maliban sa mga SSC " nakangiti niya sabi sa akin.
Madaldal talaga siya ayaw ko pa naman sa lahat ng madaldal pero dahil kilala ko naman siya.
" Wala " seryoso kung sagot. Ano ba dapat maramdaman ko matakot, mainis, mamangha.
" Ang gwapo niya kaya among sa tatlo leader ng Triad " nakangising aso na siya. Tinignan ko lang siya.
May paparating sa pwesto namin isang babae mukhang matapang at malakas.
" Opo nga pala si Hera papakilala ko sa inyo " masayang sabi niya sa amin.
" Ako si Hera ako yung kasama ni Athena sa kwarto pakilala niya" seryoso niyang sabi sa amin.
" Ako si Mad siya si Rage " pakilala ni Mad sa kanya sarili at sa akin. Tumango lang ako sa kanya.
Nag-usap usap silang tatlo ako tahimik lang at nakikinig sa pinag uusapan nila. Pinikit ko na lang aking mata seryosong inisip ang nakita ko kanina sa katawan ni Mr. Yakamura saan niya nakuha ang bagay na iyon.
Kailangan ko makuha yung Once na bumalik kami sa loob. Sino kaya ang mag iimbestiga.
Masasabi ko ito ang pinakamahirap namin misyon dahil wala kaming contact sa labas alam ko gagawa si Creed ng paraan kapag lumagpas kami ng 6 anim na buwan na walang balita sa kanya. Bago yun hahanap ako ng paraan para makalabas dito at tapusin itong misyon ko. Ngunit kailangan ko mahanap ang misyon binigay sa akin ng Organization bukod pa sa misyon namin ni Mad.
Hindi kami masyadong nagtitiwala sa tao pero marunong akong kumilatis kung sino ang totoo sa hindi.
Si Mad naman ay basta magaan ang loob niya pinagkakatiwalaan niya." Pinapatawag ang lahat ng commoner triad pumunta sa gymnasium ngayon " napadilat ako ng mata at tumingin sa kanilang tatlo.
" Tara na tayo ang mag aasikaso ng mga gawain ito " wika ni Athena dahil siya lang ang matagal sa amin kaya siya lang ang masyadong nakakaalam kung ano trabaho ng commoner na tulad namin.
Tumayo na kami nagpagpag ng damit. Naglakad na silang tatlo at pang huli ako. Napatingin ako sa gubat at may nakita akong tao pero binaling ko na lang yung mata ko sa iba. Napangisi na lang ako makikilala rin kita.
- Neneng B ( Silent Author )
I LOVE YOU ALL♡Ps: Please vote and read my little achievement. Thank you.
BINABASA MO ANG
Rage Side University
Mystery / ThrillerSa mundo puno ng kasamahan kasama na ako doon kaya kung pumatay at magpapatay para lang matapos ang misyon namin. May misyon kaming matatanggap galing sa amin Organization kinalakihan kung saan sinanay pumatay at walang awa, kasing lamig ng yelo da...