Twelve: Investigation

4 0 0
                                    

Rage POV

Napangisi kami ni Mad ng isa kami sa natawag. Ito na ang susunod na misyon namin ang makapasok sa Student Council ng Commoner susunod ang maging Supreme Student Council. Sisiguraduhin namin na mahuhuli ang suspek.

" Hoy ano yung tinginan niyo ni Commander Dark ha " ngising aso asar ni Mad kay Athena.

" Nag blush ka gaga " sabi ni hera. Napatingin naman ako sa mukha niya nangsabihin ni Hera iyon

" Ehem, Hello ako si Yanai " masayang pakilala niya sa amin. Kasama pala namin ito sa misyon.

Siya lang nag iisang lalaki sa amin. Hindi ko siya napansin kanina.

" Hi hello " Bati nilang tatlo. Tumango lang ako sa kanya.

" Ako si Athena, siya si Hera, Madieson, and lastly si Rage " pakilala ni Athena sa amin.

Tinitigan ko siya at kinilatis mukhang okay naman. Masyadong patpatin.

" Anong record mo " tanong bigla ni Athena sa kanya. Siniko naman siya ni Hera.

" Hack " maikli niyang sabi.

Napatingin kami sa kanya. Magaling pala siya sa computer like ni Mad.

" Wow magaling ka pala sa mga computer " namamanhang sabi ni Athena. Tumango lang siya.

Nagpunta kami sa Crime Scene kung saan pinatay si Mr. Yakamura. Akala ko tinanggal na pinag break lang pala yung mga estudyante kanina at mamimili kung sino ang mag iimbestiga.

Tumingin ako sa mata niya kung saan siya nakatingin dahil nakaopen yung mata niya. Napangisi ako sa Hell Gate siya nakatingin dahil tanaw dito ang Gate.

Kukunin ko yung nakita ko kanina sa ulo niya. Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya ng mabuti kahit nakakasuka yung itsura niya.

" Rage kadiri huwag ka masyado lumapit oh gloves oh " nakangiwi  sabi ni Hera binigay sa amin yung gloves.

" Sanay na yan " wika ni Mad.

Diko na sila pinansin tinignan ko ang nasa ulo niya dahil sabog ang utak niya sa likod may nakita ako kanina na dapat kukunin ko ngunit pinagilan nga yung kamay ko ni Chaos ang Chancellor ng School kaya ngayon hinahanap ko kung nasaan na.

Napangisi na lang ako ng madalim. May kumuha dahil hindi ko na makita. Interesting dito ko lang pala malalaman ang isang pang secreto na matagal ko ng hinahanap.

" Mady may nakita ka " tanong ni Athena. Napatingin naman ako sa kanila apat kung ano ginagawa nila. Nakita ko si Mad nakatingin sa rope kung saan si Mr. Yakamura nakabitin.

" Rage " tawag sakin ni Mad. Nag-ngisihan kaming dalawa. Alam namin agad kung sino ang pumatay. Hindi mabibitin ng isang babae lang ang katawan ni Sir Yakamura.

" Wala ako mahanap na clue ano ba yan " rinig sabi ni Hera.

Tinawag ko naman si Yanai gamit ang hintuturo ko pinatayo ko siya doon sa katabi ni Mr. Yakamura dahil magkasingtangkad sila. Pinapwesto ko si Mad sa likod nito. Tinawag ko rin si Hera at pinahiga kahit nandidiri  siya. Alam ko na kung paano siya pinatay.

" Okay tapos na " seryoso kung sabi sa kanila. Nagulat naman silang tatlo.

" Ako na detective wala pa akong mahanap na clue wow ang galing mo" manghang sabi ni Hera.

" Kilala mo na kung sino pumatay " tanong sa akin ni Athena. Tumango naman ako. Pumunta na kami sa opisina ni Dark. May dumating kalakihan para ayusin yung bangkay ni Mr. Yakamura.

" Success ang dali naman"nakangising sagot ni Mad. Ngumisi na lang ako sa kanya. Akala ko mahihirapan pa kami sa pagiging Student Council.

Ito na ang simula ng misyon namin dalawa ni Mad. Lalo na nandito lang pala yung hinahap ko. Tinitigan ko yung gubat pagkatapos namin mag report.

" Yuko " malamig kong sabi sa kanila.
Nag yukohan naman sila apat ngunit natamaan si Yanai sa gilid ng braso.

" Hala okay ka lang " tanong ni Athena sa kanya.

" May lason yung pana " sabi ni Hera. Lumapit ako at tinitigan ko yung sugat.

" Ikaw na bahala Mad " malamig kung sabi sa kanya. Tumango lang siya

Binuhat siya ng tatlo at ako pumasok  sa loob ng gubat. Mamatay ka ngayon araw. Malademonyo kung sabi sa isip ko.









Neneng B ( Silent Author )
I LOVE YOU ALL♡

Ps: Please vote and read my little achievement. Thank you.

Rage Side UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon