Rage POV
Nagising ako ng may narinig akong siren katulad ng sa pelikulang the purge.
Tinignan ko kung ano oras na alas-diyes na ng gabi. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
" Ano ka yun " nalimpungatan wika ni Mad.
Tatlong kwarto lahat pero kami lang ni Mad magkasama.
" Simula na ang Hell Time alas-diyes na ng gabi " seryoso kung sabi sa kanya. Umupo ako sa couch at nakatulalang nakatanaw sa kisame.
" Oo nga pala yung pauso nilang hell hell " wika ni Mad.
Tumayo siya at tumingin sa bintana.
" Ano kaya ang nagyayari sa labas, parang masarap lumabas ha " rinig kung wika ni Mad.
" Tao po, tao po tulong, tulong " hingi ng saklolo ng tao sa labas. Napatingin naman ako sa pintuan.
" Bubuksan ko ba " tanong sakin ni Mad. Humiling lang ako.
Hindi sakop ng misyon namin yan kaya anoman bagay hindi kami kasakop ay hindi ako makikialam.
" Humihingi ng tulong " hirit pa ni Mad.
" Ikaw ang bahala " seryoso ko siyang tinitigan. Bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga.
Ayaw ko kung may namamatay na inosente dahil sakin pero ang mga taong ito ay alam kung may kasamahan ginawa. May misyon kami dapat tapusin hindi ang tumulong sa mga taong ito. Huwag magtiwala basta basta ayan ang aking pinaniniwalahan.
" Tulong please " rinig ko pang sabi niya.
Bahala na si Mad kung ano ang gusto niya gawin sa taong yun. Naglagay na lang ako headphone sa tenga at hindi na nakialam. Kung ano desisyon niya nasa kanya na iyon.
Madieson POV
Tinignan ko si Rage pagtapos niyang pumasok sa kanyang kwarto. Alam ko ayaw niya magtiwala sa mga estudyante dito.
Pero pag sinabi niyang bahala ka meaning non gusto niya rin. Alam ko na ang ugali niya at kilala namin ang isa't isa. Although nasa sa akin parin ang desisyon kargo kung ano man mangyayari.
Tinignan ko ulit ang bintana bahala na binuksan ko yung pintuan. Pagkabukas ko biglang pumasok yung babae at sinarado niya agad ang pinto.
" Salamat, salamat sa dami ng hiningihan ko ng tulong ikaw lang ang nagbukas " hinihingal niyang sabi.
" Di ba pinagbabawal ang lumabas ng gantong oras bakit ka nasa labas, " seryosong tanong ko sa kanya.
" Pinagkatuwaan ako ng mga kaibigan ni Samantha , Ako nga pala si Athena at Salamat nga pala ikaw " tanong niya sakin. Pagkatapos niya sabihin yun umupo na siya sa couch.
" Madieson ang pangalan ko, bakit ka naman binubully nila Samantha, Ilang years ka na ba dito " tanong ko sa kanya.
" Apat na taon na ako nandito " paliwanag niya.
Napatingin naman ako sa kanya. May itsura siya mukhang maamo ang mukha pero baka traydorin kami patalikod nito. Kinakailangan mag ingat.
" So matagal kana pala dito, anong nangyayari tuwing alas-diyes ng gabi bakit bawal lumabas " tanong ko sa kanya.
Kailangan ko magtanong ng magtanong para sa malaman ko kung ano pa ang tinatago ng paaralaan na ito.
" 4 years na rin pero nabago yung pamamalakad ng paraalan noong 2 years dahil napalitan ang may ari ng school, Ngayon lang ako nakalabas ng alas-diyes ng gabi may nakita akong mga nakamaskara hindi ko alam kung ano ginagawa nila " paliwanag niya sa akin. Napatango naman ako.
" Yung dati pa ang may ari maayos pa ang pamamalakad dahil hindi legal ang pagpatay at maaari kang umuwi sa iyong tahanan ng isang beses sa isang buwan ngayon nagbago lahat ng si Mr. Sanchez ang humawak dati sinasanay lang bumaril at tinitrain maging malakas at matatag ngunit ngayon wala na "
Narinig kung tumayo si Rage at lumabas ng kanyang kwarto. Napatingin ako sa kanya. Akala ko ba matutulog na ito.
" Oh hi ako si Athena maraming salamat dahil pinatuloy niyo ako " nakangiti niyang sabi kay Rage.
Umupo si rage sa tabi ko. Tumango lang siya. Tinitigan niya si Athena ng mabuti alam kung kinikilatis niya ito.
" Siya si rage ano palang triad mo " ako na ang nagsalita para kay Rage dahil hindi talaga ito magsasalita pag bagong kita palang. Tanong ko sa kanya.
" Commoner ako kaya lagi akong binubully nila Samantha " nakayuko niyang sabi sa amin.
Napatingin ako kay rage tinignan niya ako at tumango.
" Pwede mo ikwento kung ano nangyari noon 2 years " tanong ko sa kanya. Dahil kailangan malaman ang bawat tao dito lalo na ang President na si Mr. Sanchez
Tumingin siya sa amin dalawa ni Rage.
- Neneng B ( Silent Author )
I LOVE YOU ALL♡Ps: Please vote and read my little achievement. Thank you.
BINABASA MO ANG
Rage Side University
Mystery / ThrillerSa mundo puno ng kasamahan kasama na ako doon kaya kung pumatay at magpapatay para lang matapos ang misyon namin. May misyon kaming matatanggap galing sa amin Organization kinalakihan kung saan sinanay pumatay at walang awa, kasing lamig ng yelo da...