One: Rs University

12 0 0
                                    

Rage POV

Nagising ako ng may maramdaman ako paparating na kutsilyo. Ilan Inch na lang papunta na sa mukha ko pero walang kahirap- hirap kong sinalo.

" Nice Catch " bungad sakin ni Creed.

" May Misyon binigay sa inyo ang Organization " seryosong wika niya sa akin.

Binigay niya sakin ang Folder at binasa ko ang laman.

Hindi na sakin bago ang mga ganito dahil mulat na ako bata pa lang kami sinanay na.

Marami na kami napagdaanan na misyon na minsan lumagay sa amin sa kamatayan.

" Unti lang ang nakuha nilang source gusto nila alamin niyo kung ano ang
tinatago ng eskwelahan " seryosong wika ni Creed.

" Dahil hindi sila makakuha ng impormasyon sa loob. Kailangan may makapasok. Si Mady nauna na doon dahil kakatapos niya lang sa kanyang misyon.

Nandyan na lahat ng kailangan niyo  ang mga papeles at Identification " paliwanag niya sa sakin.

Ang bawat detalye ay binasa ko ng masinsinan.

" Kailangan mo ito para makapasok ka meron narin si Mady niyan " wika niya.

Binigay niya sakin ang maliit na bilog necklace na may tatak na RS.

" Mag iingat kayo ni Mady " seryosong niya paalala.

Ako si Rage Elinor Furnace Clarson  
dalawampu't isang taon gulang.
Walang magulang kaya nasanay ako sa malupit na mundo magnakaw para mabuhay noon walong taong gulang palang naging pagala gala ako.

Ngunit nagbago lahat ng makilala ko si Creed at Mady sila ang tumulong sa akin noon panahon akala ko mamamatay na ako sila rin ay katulad ko pero may tirahan sila ako wala.

May kumuha sa amin tatlo si Mr. Claus siya ang nag pakain sa amin at nagbihis kapalit ng pag-sali sa kanila organisasyon na kinabibilangan niya.

Ang pagsagupa sa mga masasamang tao. Ngunit pinatay siya ng kanyang sarili organisasyon dahil may nag traydor sa kanya.

Umalis kami doon at at napunta kami sa organization pinakamalakas sa bansa ang Big Ogre para maghiganti sa ginawa nila kay Mr. Claus.

Kami tatlo lagi ang magkasangga sa lahat ng bagay at kapatid ang turinggan.

Hanggang sa natuto kami sa mundo  walang awa, walang kinakatakutan at higit sa lahat matigas ang puso. Iyan na ngayon ang naririnig ko sa tao tuwing nakakaharap ako.

Nagbibigay ng misyon ang aming Organization sa bawat araw kaya kami papasok sa paaralan iyon para alamin lahat.


" Aalis na ako " sabi ko sa kanya.

" Mag iingat kayo ni mady doon " bilin sa akin ni Creed. Tumango na lamang ako sa kanya.

Palabas na ako ng bahay ng mapansin ko ang aking kotse na may tama ng baril dahil sa misyon ko kahapon.

Hindi ko pwede dalhin iyon dahil mapapansin ako ng mga tagabantay ng eskwelahan.

Ginamit ko ang aking ducatti na bigay ng Org sa aking unang misyon.

Tinignan ko ang binigay na mapa sakin ni Creed mukhang malayo layo pa ang pupuntahan ko.

Nakarating ako dakong puno at may bangin sa gitna. Bumaba ako para tignan kung siguro ba itong tinatahak ng mapa.

" Ang tagal mo naman kanina pa ako dito ha " napatingin ako ng may nagsalita sa likod ko.

" May inasikaso pa ako " mahina kung wika sa kanya.

" Kanina pa ako naghahap kung nasaan yun paaralan na yung bwesit " gigil na wika ni Mad.

Kanina pa siya salita ng salita kung gaano ako katahimik siya naman ang kinaingay ng bunganga niya.

" Ito lang ang nakalagay sa mapa na binigay ni Creed " wika ko sa kanya.

Sa kanya lang ako lagi nag sasalita at kay Creed.

" Si kuya talaga nakakainis " maarteng wika niya. Tinignan ko lang siya at di na umimik.

Madieson POV

Ako si Madieson sila kuya at Rage lang tumatawag sa akin na Mad or Mady dahil ayaw kung tinatawag ako ng iba kung hindi naman kita close.

Masayahin akong tao hindi katulad ni Rage parehas ng name niya. Parehas kami ni Rage na wala ng pamilya kaya kami na lang ang nagtuturingan pamilya at si Kuya Creed.


" Ahmmm, Ano " may sasabihan pa sana ako sa kanya ng tumunog ang  necklace na binigay ni kuya.

May nakalagay na RS may lumabas na screen at mapa.


" Wow hightech ha " wika ko ang yayamanin siguro ng school na iyon.

Sinundan namin ito hanggang sa nakakita kami ng napakalaking gate na black at may nakasulat na RageSide University sa pinakataas.

" Kapangalan mo Rage sosyal ka di ka naman nagsabi na may school ka pala" biniro ko siya pero as usual lagi bato kausap ko hindi umiimik.

Buti natatagalan ko talaga itong babaeng to dahil sobrang tahimik, hindi palasalita minsan lang bilang sa lang kamay mo.  Kaya mapapanis na  yung laway niyan .

Pero dahil ako si Madieson mag sasalita parin ako. Hanggang sa mabadtrip siya.

" Hindi ba alam ni kuya ang pangalan ng School " tanong ko kay Rage.

Dahil ako si tamad diko na binasa yung binigay ni Kuya Creed na documento para sa amin misyon.

" Hindi " maikli niya sagot sa akin.

" RageSide University " rinig kung bulong ni Rage at ngumising ng malademonyo.

Ano naman kaya iniisip nito.







Ps: Please Vote and read my little achievements. Thankyou RS University


- Neneng B ( Silent Author )
I LOVE YOU ALL♡

Rage Side UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon