Rage POV
" Welcome to Rage Side University " bati ng speaker na nagmula sa taas.
Bumukas ang napakalaking gate sa harapan namin pero bago kami makapasok inscan muna ang katawan namin.
" Napakalaki ng paaralan na ito " rinig kung bulong sa akin ni Mad.
Pagkatapos kami inscan nilagay namin yung mga gamit namin sa baggage area para sa inspeksyon.
Lumabas yung mukha ko sa screen at may nakalagay na pangalan Rage Clarson at kay Madieson Del Valle.
Kahit pa totoong pangalan pa namin iyong nakalagay diyan ay hindi nila makikilala kung sino kami.
" Mukhang mahihirapan tayo dito umpisa pa lang hightech na " wika ni Mad sakin. Tumango ako sa kanya.
Hindi na ako nagulat kung bakit binigay itong misyon dahil kataka taka ang lokasyon at proseso sa pag pasok parang may tinatago ang paaralan ito.
May lumapit na babae sa amin.
" Good Morning Miss Clarson, and Ms Del Valle ako si Ms. Climentel ang Head ng Secretary ng School " serysong bati sa amin na nagpakilala si Ms. Climentel.
" Good Morning Maa'm " bati ni Mad sa kanya. Tumango na lamang ako at di nagsalita.
" Hayaan niyo na po si Rage di po talaga pasalita yan " natatawang sabi ni Mad.
" Kapangalan mo pala ang Paaralan natin " seryosong wika niya sa akin.
Hindi naman ako sumagot sa kanya dahil biglang sumingit si Mad.
" RS University lang kasi nakalagay doon sa Form kaya hindi rin po namin alam " wika ni Mad.
Tumango na lamang siya sa sinabi ni Mad.
" Bago kayo makapasok may exam kayong dapat ipasa " dagdag niyang wika.
" Kung gusto niyo pang mabuhay ay kailangan niyong pumatay " malamig niyang sabi sa amin. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Ibig sabihin legal ang pagpatay isa na siguro ito sa tinatago nila.
" Pumatay " gulat na sabi ni Mad pero pagkatapos non nakangising na siya sa akin. Tinignan ko siya ng masama kaya umayos siya.
Bigla siyang ngumisi wala na ang aura niyang seryoso ngayon naninindak na.
" Oo dahil pumasok kayo dito dapat alam niyo na ang kakahantungan ng buhay niyo dahil patapon kayong mga estudyante na dito nilalagay ng gobyerno at magulang niyo " nakangising niyang sabi sa amin .
Tapunan ng barumbado ang paraalan ito ibig sabihin lahat ay may kakayahang pumatay ay papasok dito.
" Mag exam na kayo magkita na lang tayo kung makikita ko pa kayong buhay " pagkasabi niya umalis na siya sa harap namin.
" Magkikita pa tayo Ms. Tabil dila" natatawang sabi ni Mad.
Ngumisi ako malademonyo pagkatalikod ni Ms. Tabil na gaya ng sabi ni Mad. Mahilig talaga siya gumawa ng nickname sa mga taong kinaka- ayawan niya.
" To all freshmen students please proceed to gymnasium " announce sa speaker.
" Exciting " bulong bulong ni Mad.
" We are here to WELCOME OUR FRESHMEN STUDENT in our UNIVERSITY ako pala ang Vice President ng School tawagin niyo ako Ms. Destrucia Claren Gallore" mayabang niyang saad.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa naka itim siya mula make up at damit halos lahat itim.
" Hindi niya naman favorite ang kulay itim " bulong ng estudyanteng katabi ko.
" Siya naman ang Head Scretary Ms. Climentel " turo niya kay Ms. Tabil dila.
" Ipapakilala ko ating mahal na Presidente Mr. Blake Craw Sanchez ang may ari ng ating paraalan " nakangiting niya sabi sa amin.
Tinignan ko yung itsura ng President may itsura pero dahil sa dala ng katandahan makikita mo talaga sa mukha niya ang paghihirap.
" Kung sino man ang hindi makakapasa kaparusahan ay kamatayan kaya sinasabi ko sa inyo nakarating na kayo dito at walang ng makakalabas sinoman "
Nagkatinginan kami ni Mad. Ipinagbabawal pala ang paglabas. Ibig sabihin hindi namin macocontac ang aming Organization dahil block lahat ng signal mula sa labas.
Kaya walang nakakaalam mula sa labas dahil kung sino pumasok ay hindi na makakalabas.
" Ano po ang masasabi niyo Mr. President " tanong Ms. Vice President.
" Congratulation, Pumatay kung gusto niyo pang mabuhay, Welcome to Rage Side University " malamig na sabi ng niya.
Magandang paalala para sa kanya.
- Neneng B ( Silent Author )
I LOVE YOU ALL♡Ps: Please vote and read my little achievement. Thank you.
BINABASA MO ANG
Rage Side University
Mystery / ThrillerSa mundo puno ng kasamahan kasama na ako doon kaya kung pumatay at magpapatay para lang matapos ang misyon namin. May misyon kaming matatanggap galing sa amin Organization kinalakihan kung saan sinanay pumatay at walang awa, kasing lamig ng yelo da...