Chapter 21

465 18 1
                                    

Ashley's pov

Nang makarating kami sa ospital ay sinundan lang namin si Ellie papunta sa kwarto ni Crystal. Ni wala na nga akong oras para magpalit dahil ang importante ay makita ko ang kapatid ko.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay nakabukas konti ang pinto.

Sumilip kami at nakita namin na may nurse na nag c-check kay Crystal at ang magulang ko ay nakatayo lang sa gilid.

Naghintay lang kami ng ilang minuto at lumabas na rin ang nurse.

"Ate." Sabi ni Ellie at tila sinesenyan ako na pumasok.

"Go on." Sabi naman ni Tristan.

Huminga ako ng malalim at tumango bago unti-unti nilakihan ang bukas ng pinto.

"A-ashly?" Rinig kong tawag ni mommy sa akin pero nakapako lang ang tingin ko kay Crystal.

Sobrang daming tubes ang nakakabit sa kapatid ko at ang himbing ng tulog niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at unti-unting nagtubig ang aking mga mata.

Nang makalapit ako sa kanya ay unti-unti akong yumuko para mayakap siya.

"I'm sorry, Crystal." Bulong ko habang naiyak.

Naramdaman ko namang nasa likod ko na ang magulang ko dahil may humahagod sa likod ko.

Tumayo ako ng tuwid at niyakap silang dalawa.

"I'm sorry, mommy. I'm sorry, daddy."

"Shhh, anak. We're not mad at you." Sabi ni mommy.

"Yeah. We're happy that you finally came back." Sabi naman ni daddy.

"Wala pong improvements si Crystal?" Tanong ko.

"Unfortunately, none."

Umupo muna kami sa may sofa na nasa gilid at sobrang higpit ng hawak ni mommy sa kamay ko na tila ayaw niya na akong umalis.

"When did you come home? Who are you with? How did you came here?" Sunod-sunod na tanong ni daddy.

"I just came home earlier. I'm with Tristan. Ellie brought us here. They are outside." Sabi ko at tumayo para puntahan sila Ellie at Tristan na ngayon ay nag uusap sa labas.

"Wala kayong balak pumasok?" Tanong ko at natawa naman sila bago pumasok.

"Mom, dad. Si Tristan, boyfriend ko po." Sabi ko.

Tumayo si daddy at nilapitan si Tristan. Medyo natakot pa ako dahil ang seryoso ng mukha ni daddy.

"Thank you for taking care of my daughter for all these years." Sabi ni daddy at naglahad ng kamay.

"You're welcome, tito." Nakangiting sabi ni Tristan at nakipagkamay.

"What do you do, Tristan?" Tanong ni mommy nang umupo na kaming lahat.

Actually, nakaupo ako sa gilid ng kama ni Crystal ay katabi ko si Ellie.

Si Tristan naman ay nakaupo sa upuan na nasa gilid ng kama habang ang magulang ko ay nasa sofa.

"Tita, we have a restaurant." Sagot ni Tristan.

"We?" Tanong ni daddy.

"Ma and Ashley owns a Filipino Restaurant in America."

"Oh, wow. When did it start?" Tanong ni daddy.

"Right after we graduated, dad. We had used all of our savings from part time works and mga naipon po namin." Sagot ko.

"You own a Filipino Restaurant in America?" Pag uulit ni mommy.

"Ten of those, actually. We just opened our tenth restaurant yesterday." Tumingin ang magulang ko sa isa't isa at ngumiti.

"I'm impressive on how independent the two of you are." Komento ni daddy.

"Are you two going to get married?" Tanong ni mommy na nagpagulat sa akin.

"Mommy, wala pa iyon sa plano namin."

"May picture kayo ng restaurant? Can I see?" Tumango ako at nilabas ang aking phone.

May litrato kasi kami ni Tristan sa phone ko kahapon. May video pa nga habang pinuputol naming yung ribbon.

Masaya nila itong pinanood habang ako naman ay nakangiti lang habang tinitignan sila.

"Ang successful mo na, ate." Sabi ni Ellie.

Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Mag aral ka ng mabuti ha. Para maging successful ka din sa buhay. Anong course ang kukunin mo?" Tanong ko.

"Maybe engineering, ate. I still don't know what kind."

"May pinopormahan ka na bang babae?" Tanong ko at natawa naman siya. Halatang meron eh.

"There's this girl but, ate. She's beautiful, she's kind and generous. She's everything."

"Pero?" Tanong ko.

"Pero, wala siyang interest sa lalaki or sa mundo. She's more into studying for her future."

"Do you have a picture?"

Tumango siya at nilabas ang kanyang phone.

"It's actually a stolen picture." Natatawa niyang sabi. Siraulo talaga itong kapatid ko, hayst.

"She's indeed beautiful."

"Kuya Tristan. How did you get my sister? I mean, nerd din minsan si ate eh." Natatawang tanong niya kay Tristan.

"Well, the funny part it I don't know. I just asked her to be my girlfriend and she said yes." Sagot ni Tristan.

"But, don't think na hindi niya pinaghirapan ang sagot ko." Dugtong ko.

Ilang minuto pa kaming nagpalipas dun nang may kumatok sa pintuan.

Si Ellie na ang nagbukas nito at bumungad sa amin ang isang lalaki na may dalang mga bulaklak. Roses, Crystal's favorite.

"Oh, Mike. Come in." Sabi ni daddy.

"Dad, who is he?" I asked.

"He is your sister's boyfriend, anak." Si mommy ang sumagot.

"This is Crystal's oldest sister, Ashley." Pakilala sakin ni daddy.

"Hi. Nice to meet you, Ashley." Nakangiti niyang sabi.

"When did you two became a couple?" I asked.

"We met when we're both 20 years old." Sagot niya.

"Is there a problem, hun?" Mom asked.

"None. I'm just glad that he is more decent than the last one." Sagot ko na lang.

...

"Hey, you look worried." Napalingon ako nang may biglang nagsalita.

Nandito kasi ako sa balcony ng kwarto ko nang biglang lumapit sakin si Tristan.

Mag iisang kwarto lang kami kasi malaki naman yung kama ko at matagal na namin itong ginagawa kasi live-in partners kami noon pa.

"Nag aalala lang ako kay Crystal. Ang tagal na niyang tulog eh. Namimiss ko na siya."

"See, kahit hindi mo aminin ay alam kong mahal mo pa rin ang kapatid mo."

"Ang hirap namang hindi mahalin ang kapatid ko. Siya lang yung nag iisa kong kapatid na babae. Ka-close ko, ni hindi nga kami mapaghiwalay niyan noon."

"I don't want to loose her. Masakit man ang mga binitawan kong salita nung umalis ako, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa kapatid ko." Dugtong ko.

"I'm sure you won't. Limang taon na ang lumipas pero buhay pa rin siya. Malamang ay lumalaban siya para sa inyo ng pamilya mo." Sabi niya.

"Yeah, I hope she wakes up soon."

To be continued

My Sister, My Rival ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon