Chapter 13

276 16 0
                                    

Ashley's pov

"Sino ba hinihintay natin, teh?" Tanong ni Crystal habang busy sa phone niya. Malamang ay kausap niya na naman si Dave.

"Si Tristan." Agad niya akong tinignan.

"Sino?"

"Si Tristan."

"Who is he?" She asked.

"A new friend. I met him at the university when me and dad visited." Sagot ko.

"Oh my gosh! Gwapo ba siya? Amerikano? Tisoy? Pilipino?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Ay grabe siya oh! Diba, kay Dave ka lang. Wag kana makichismis!" Suway ko sa kanya.

"Just answer my question!"

"He's---"

"Hi." Napalingon kaming dalawa sa likod ko at nandun si Tristan na naka-itim na hoodie na may tatak at ripped jeans.

"Oh my gosh. Ang gwapo niya, teh!" Ipit na sabi ni Crystal at niyugyog pa ako.

"Ha?" Natatawang tanong ni Tristan.

"Just ignore her. Anyway, Tristan this is my sister. Crystal, si Tristan." Pakilala ko sa kanila.

"Hey." Bati ni Tristan at naglahad ng kamay.

"Hello. Kayo na ba ng ate ko?"

"Crystal!" Suway ko sa kanya at natawa naman si Tristan.

"No. We're just friends."

"Tara na nga!" Aya ko sa kanilang dalawa.

...

"Ate, aalis na muna ako ha. Nagmumukha akong third wheel niyo eh. Bibili lang ako ng mga laruan pang regalo sa mga bata." Paalam ni Crystal.

"Okay, text mo na lang ako kung saan tayo magkikita ulit." Bilin ko.

"Sure. Bye, Tristan." Paalam niya.

"Bye."

"Kambal kayo?" Tanong niya nang makaalis si Crystal.

"I knew you're going to ask that and no we're not twins. Different mothers lang." Sabi ko at pinagpatuloy namin ang paglalakad.

"Ha?" Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya.

"As far as I remember based on what my parents told me, Crystal's mom supposed to marry my dad, an arrange marriage perhaps. My mom is my dad's ex-girlfriend that time. The reason of their break-up is because of my lola, my dad's mom. Mahal nila ang isa't isa kahit buong mundo ang tumutol. Mommy Irish, Crystal's mom hooked up with my dad while he's drunk. I'm not saying she's bad kasi kinwento sa akin nila daddy na nagawa lang ni Mommy Irish iyon dahil pinwersa at tinakot siya ng kanyang mga magulang. Ayun, si Crystal ang bunga. I was supposed to be months older than her but she was born prematurely kaya araw na lang ang agwat naming dalawa." Kwento ko.

"Anong sabi ng mommy mo nang malaman niyang may anak sa iba ang daddy mo?" Tanong niya.

"She was mad, of course. But, that didn't stop her from loving my dad. Ipinaglaban niya ang pag-iibigan nila at since bata pa ako nun, madali kong natanggap si Crystal bilang kapatid ko. And the funny part is, my dad never knew my exsistence for five years." Natatawa kong sabi kaya natawa din siya.

"Oh, why?"

"My mom hid me for five years here in America. I first met my dad by accident. Nakauwi na kami nun sa Pinas at nasa mall kami nang maligaw ako at mawala sa tabi ng mommy ko. I saw my dad standing there and I never knew my dad that time so nilapitan ko siya. Humingi ako ng tulong para hanapin si mommy at dun na nagsimula ang lahat."

"Okay well, what happened to Crystal's mom?"

"She died because of cancer when Crystal was five. That time, my mom fully accepted her even though she is a 'mistake' or that's what others call kapag nalalaman nila ang kwento namin. I never treated my sister as a mistake of my parents. I treat her as a blessing." Sabi ko.

"Why?"

"Noon, akala ko ay masamang babae si Mommy Irish. Pero nung dumating si Crystal at nakapagbonding kaming tatlo, I saw how a loving mother Mommy Irish is. No matter how messy our story is, she is still my sister and I love her with all my heart." Naramdaman ko na lang na may yumakap mula sa likod ko at paglingon ko ay nakita si Crystal na naiyak.

"Oh, bakit ka umiiyak? May nang-away sayo? Gusto mo resbakan natin?" Tanong ko.

"Mahal din kita, ate." Hindi ko pa naintindihan ang sinabi niya pero nang ma-realize ko kung ano ang ibig sabihin niya ay niyakap ko siya.

"I am so lucky to have you and Mommy Dianne in my life."

"We are lucky to have you too, Crystal. Wag kana umiyak, nagmumukha tayong tanga dito eh." Natatawa kong sabi at pinunasan ang mukha niya.

Sa totoo lang ay wala namang masyadong tao kung saan kami nakatayo, pinipigilan ko lang din umiyak dahil nakakahiya kay Tristan at nag d-dramahan kaming magkapatid.

Tumawa naman si Crystal at niyakap ako ulit.

"Pasensya kana, Tristan ha. Nagda-dramahan kami sa harap mo." Natatawa kong sabi nang lingunin ko siya.

"It's okay. I understand you both. I also have a step-brother." Nakangiti niyang sabi.

Tumango ako at inilayo ulit si Crystal mula sa akin para punasan ang kanyang luha.

"Bakit pala ang bilis mo bumalik? Nakabili kana ba?" Pag-iiba ko ng usapan.

"I forgot my wallet, nasa iyo 'yun diba. Thay's why I came back and heard you telling Tristan our story."

"Oh siya, bumili na tayo at baka gabihin pa tayo. Magagalit pa si daddy." Tumango lang siya kaya naglakad na kami palabas ng store na iyon.

...

"Tristan, maraming salamat sa pagsama sa amin ha." Sabi ko habang nilalagay niya ang mga shopping bags sa loob ng kotse namin.

"No worries. Okay nga iyon dahil nabili ko din 'yung kailangan kong bilhin." Sabi niya naman at inangat ang limang shooping bags na naglalaman ng mga binili niya.

"Thank you ulit ha. Anyway, mauuna na kami ha. Baka kasi hinahanap na kami ng magulang namin." Paalam ko.

"Sige, mag-iingat kayo." Bilin niya.

Tumango ako at pumasok na sa back seat kasama si Crystal at 'yung driver namin ay pumasok na rin sa loob ng kotse.

Si Tristan naman ay nakita kong sumakay na rin sa kotse niya bago kami tuluyang nakaalis sa parking lot.

"Grabe, ang dami nating pinamili." Sabi ko habang inaayos ang ibang mga shooping bags na nasa paanan ko.

Nakagawian na kasi namin na sa tuwing pasko ay magdo-donate kami ng mga regalo sa mga bata sa ampunan kaya marami ang binili naming mga laruan.

"Bagay kayong dalawa." Bulong niya na tila kinikilig pa.

"Manahimik ka nga diyan. Magkaibigan lang kami ha." Suway ko sa kanya.

"Pft, kitang-kita ko kaya kung paano ka niya tignan. 'Yung mga tingin niya ay parang si daddy lang eh."

"What do you mean?"

"If you look directly in his eyes. There is love, lust--- aray!" Sigaw niya nang kurutin ko siya.

"Bibig mo ha." Pinandilatan ko siya ng mata at nag peace sign lang siya.

To be continued

My Sister, My Rival ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon