Chapter 22

460 19 1
                                    

Ashley's pov

Isang buwan na ang lumipas simula nang umuwi kami dito sa Pinas.

Si Tristan ay bumalik ng Amerika dahil sa mga restaurant namin. Kasama niya rin ang mga magulang ko at si Ellie dahil dun na daw siya mag-aaral ng kolehiyo sa unibersidad namin.

Si Gabriel naman ay naiwan sa bahay pero nandun din ang ilan niyang mga kaibigan dahil bago ako umalis, nagpaalam siya sakin kung pwede ba daw siya magpapunta ng mga kaibigan sa bahay. Nahihiya pa nga nung nagpaalam sakin eh. Kung dati eh close kami niyan, ngayon medyo hindi na.

I really regret staying away from my family.

Pero tulad ng sabi ko, saksakan ng taas ang pride ko kaya nagawa ko iyon.

Si Ellie naman, close ko siya kasi medyo magkavibes kami. Ewan ko ba kung bakit babakla-bakla yung kilos niya noon pa man. Kung hindi kang siya umamin na may nagugustuhan siyang babae, napagkamalan ko na siyang bakla.

Anyway, nandito ako ngayon sa ospital sa kwarto ni Crystal.

Hays, kailan kaya siya magigising?

Kinwento sakin ni Ellie ang nangyari sa kanya.

Pauwi na daw siya nun galing school at hindi siya nagpasundo sa tauhan ni daddy. Ginamit niya yung sasakyan ng magulang namin at nung pauwi na daw siya, may isa pang kotse na papunta sa direksyon niya at nawalan daw ng preno kaya ayun, sumalpok yung kotse sa kapatid ko.

Nag 50-50 daw yung buhay ni Crystal sa ospital. Tapos sabi pa daw ng doktor kila mommy at daddy, hindi daw lumalaban si Crystal.

Dun na ako literal na umiyak. Naalala ko kasi yung araw na iyon, may natanggap akong voice message mula sa kanya. Nag s-sorry siya ng ilang beses tapos bigla na lang naputol yung voice message.

"Crystal?" Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong gumalaw ang daliri niya.

"Crystal, sis. Nandito na ako." Pinigilan ko ang luha ko at tinitigan siya.

"Crystal, gumising ka na please." Hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya at nilagay ito sa pisngi ko.

"Crystal, wag mo muna akong iwan please. Gusto ko pang bumawi sayo dahil sa ilang taong sinayang ko dahil sa pride ko." Patuloy ko siyang kinausap.

Mas lalo ko siyang tinitigan at unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.

Agad kong pinindot ang nurse button at maya-maya lang ay may dumating na doktor at nurse sa kwarto.

Tumayo ako at umatras muna para bigyan sila ng space.

Tinanggal nila ang tube na nakakabit sa bibig ng kapatid ko pagkatapos nilang icheck ang monitor na nasa tabi ng kama.

"Crystal, can you hear me?" The doctor asked and my sister nodded.

"Can you see me?" She nodded again.

Kung ano-ano pa ang tinanong ng doktor sa kapatid ko at puro tango lang ang sinasagot niya. Medyo nahihirapan pa siya magsalita na tila natuyo ng bongga ang lalamunan niya.

Makalipas ang ilang minuto ay hinarap na ako ng doktor na may ngiti sa kanyang mukha.

"Your sister is awake."

"Oh my gosh, thank you. Thank you so much!" Umiiyak kong sabi at yumuko na tila sinasamba siya.

"You don't have to thank me, Miss Martinez. You have to thank him." Sabi niya at tumingin sa krus na nakasabit sa pader.

Tahimik akong nagpasalamat dahil gising na rin ang kapatid ko.

"We will put your sister under therapy para mabilis ang recovery niya." Tumango ako at nagpasalamat ulit.

My Sister, My Rival ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon