Chapter 24

438 15 1
                                    

Ashley's pov

"Hey, chill ka lang. Everything is perfect." Pagpapakalma sakin ni Tristan kasi panay ako ayos ng mga tables dito sa restaurant.

Maya-maya lang ay nandyan na ang food critic.

"Sigurado ka? Parang may kulang pa rin eh." Nag-aalala kong sabi.

"Don't worry, we can handle them. This is perfect, babe. Papasa ito sa food critic." Sambit niya at hinalikan ako sa ulo.

"Okay, sinabi mo eh." Sambit ko na ikinatawa niya.

"By the way, may pupuntahan lang ako ha. Saglit lang ako, I'll be back immediately." Paalam niya.

"Sige, mag iingat ka ha. I'll wait for you, bilisan mo dahil ayokong harapin yung food criti  mag isa." Sambit ko at natatawa naman siyang tumango tsaka umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa din bumabalik si Tristan. Yung food critic naman ay tumawag at sinabing malalate daw. Buti nga mabait eh pero sensitive daw pagdating sa pagkain.

"Nasaan na ba iyon?!" Inis kong tanong habang palakad-lakad.

Kinuha ko ang aking phone at tatawagan na sana si Tristan nang biglang mamatay ang mga ilaw.

"Martha! Anong nangyari?" Tanong ko sa isa kong empleyado habang nakabukas ang flashlight ko.

7:00 p.m na kasi ng gabi kaya medyo madilim na lalo na nung namatay ang ilaw. Ewan ko ba bakit gusto ng food critic na dinner ang i-serve namin.

"Ma'am, nag brown out po!" Sumbong niya.

"What?! Tayo lang ang brown out?" I asked.

"Yes, ma'am."

"Anak ng tokwa naman oh! Gawan niyo ng paraan! Any minute now, the food critic will be here!" Utos ko at tumango naman siya tsaka umalis.

Hinanap ko ang opisina ko para gamitin ang landline. Tatawagan ko yung electric company kung bakit nawalan kami ng kompanya.

I d-dial ko pa lang sana ang number nang biglang bumukas na ulit ang ilaw. Finally!

Binitawan ko na ang landline at lumabas ng opisina habang nakatingin sa phone ko.

"Martha, anong nangyari? Bakit nawalan---" natigil ako sa pagsasalita nang makita kong iba na ang disenyo ng restaurant.

Kung kanina ay parang may magaganap na formal party, ngayon ay parang valentines na ang theme.

What the heck happened?!

"Martha! Angelica! Francine!" Isa-isa kong tinawag ang mga empleyado ko habang nag iikot.

Habang naglalakad ay patuloy ko silang tinatawag nang biglang may nag play na romantic song.

"Heart beat fast. Colors and promises." Napalingon ako sa may kumakanta at nakita ko si Tristan. Sa likod niya ay nandun ang buong pamilya niya. Pati si Charlie ay nandun din na kung makangiti ay wagas.

"How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?."

"But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow." Unti-unti siyang lumapit sakin.

"One step closer..." napasabay ako sa kanta.

"I have died every day waiting for you." Inilagay niya ang kanyang kamay sa bewang ko at tila sumasabay ang aming mga paa sa musika.

"Darling, don't be afraid
I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand more." Pagtuloy niya sa kanta.

Napangiti lang ako habang pinapanood siya.

"Time stands still. Beauty in all she is." Lumapit naman si Charlie na may dalang boquette at binigay ito kay Tristan.

"I will be brave. I will not let anything take away." Mas lumapad ang aking ngiti nang ibigay ito sakin ni Tristan.

"What's standing in front of me
Every breath, every hour has come to this." Binaba niya ang hawak niyang mic at naglakad ulit papalapit sakin pero pucha... Nilagpasan ako!

Nilingon ko kung saan siya papunta at nandun pala sa likod ko ang aking buong pamilya!

"Tito, tita. I am very honored that I am your precious daughter's boyfriend. We had been together for nearly five years. I had proven myself that I am worthy for your daughter. And this day, I want to ask. Can I have your daughter's hand and be part of your family?" Damn! Is he proposing?!

Tinignan ko si mommy at konti na lang ay tutulo na ang kanyang luha. Si Crystal naman ay halos mamatay na sa kilig habang hinahampas si Mike sa tabi niya. Si daddy... ang seryoso.

Hala, baka humindi siya ha!

"Welcome to the family." Kasabay nang sinabi ni daddy ang hiyawan ng mga tao na tila nanalo sila sa lotto.

Si Tristan naman ay kinamayan si daddy pati na rin si mommy.

"Alagaan mo ang anak namin ha." Bilin ni mommy.

"Yes, tita--- este, mommy." Medyo kinilig ako dun ha!

Nilingon na ako ni Tristan na may ngiti sa kanyang labi.

"Oh paano yan? Nahingi na kita." Nakangisi niyang sabi.

"Sa magulang ko. Pero hindi mo pa nahihingi ang oo ko." Sambit ko.

"Well, that's what I'm gonna do now." Tumunog ulit ang minus one ng "a thousand years" at tinuloy ang kanta.

"One step closer..."

Alam niyo yung imbis na one step closer ay lumuhod siya sa harap ko. Patuloy ang pagtugtog ng mahinang minus one habang siya naman ay naglabas ng box na may singsing.

"Ashley, I have known you for a long time. We had been through ups and downs, yet we are still together. I can't promise you that I will be a perfect husband, but I can promise you that I will do my best to be your perfect man. I only have one question. Will you marry me, my love." Damn! Naiiyak ako!

"Yes!" Kasabay ng sagot ko ang pagpapatuloy ng music pero hindi na siya minus one.

Agad tumayo si Tristan at sinuot sa aking daliri ang singsing bago ako niyakap at inangat sa ere.

"I love you." He whispered.

"I love you more." Sambit ko at hinalikan siya sa labi.

This is the best day ever!

...

"I really thought there was a food critic!" Natatawa kong sabi habang hawak ko ang kamay ni Tristan.

"Nope. I made it all up." Proud niyang sabi.

"And I am proud of you. You got my yes! What's next?" I asked him.

"Wedding preparations! And I want us to get married this year." Nakangiti niyang sabi.

"Nagmamadali ka, babe?" Natatawa kong tanong.

"Yep. Baka mamaya, may mang agaw pa sayo. Ayoko ng ganun." Sambit niya na mas lalo kong ikinatawa.

Inangat niya ang aking kamay at hinalikan ito.

"Soon, you will be entitled as Mrs. Ashley Sophia Martinez-Ford. You like it?" He asked.

"Love it. It has a nice ring to it." Nakangiti kong sabi.

To be continued

My Sister, My Rival ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon