Chapter 26

448 19 4
                                    

Crystal's pov

"Gab-Gab, have you seen Ate Ashley?" I asked while he's busy playing video games with his friend.

"She's at the backyard with Kuya Tristan." Sagot niya na hindi man lang ako tinitignan.

"Okay, thank you. Don't forget your homeworks ha!" Nakita ko naman siyang tumango kaya dumeretso na ako sa bakuran.

Nakita ko sila ate at Tristan na nakaupo dun sa wooden swing at masaya silang nag uusap.

Ang sweet nila. Kung ganyan din kaya kami ni Mike? Siguro abot hanggang langit ang saya ko.

"Oh, sis. Kanina ka pa diyan?" Tanong ni ate nang makita niya ako.

"Ah, hindi. Kakarating ko lang, ang sweet niyo!" Komento ko na ikinatawa nila.

Natigil kaming tatlo nang biglang tumunog ang phone ni Tristan.

"Oh, I gotta take this, hun. Be right back." Paalam niya at hinalikan sa ulo si ate.

Nang umalis na si Tristan ay ako naman ang umupo sa tabi ni ate.

"Alam mo, ate. Ang swerte mo kay Tristan." Basag ko sa katahimikan.

"Swerte ka rin naman kay Mike ha." Sambit niya.

"I don't know. Na-trauma na ako sa nangyari noon eh." Mapait akong tumawa.

"Crystal, look. I don't want the past to happen again. And we both know that you don't want it too."

"Sino ba naman ang gustong mangyari ulit yun? Alam mo, ate. Nung gabing nag away tayo, walang-wala na ako sa sarili ko. Tila nabulag ako sa pagmamahal ko kay Dave kaya nagawa kong awayin ka. Nung umalis ka nga, gusto kitang pigilan pero parang may humihila sa akin papalayo sayo. Gustong-gusto kitang yakapin para pigilan na umalis. Kaso hinihila ako ng pride at katangahan ko." Nagsimula na akong lumuha at ramdam ko naman na niyakap ako ni ate.

"Kasalanan ko rin naman eh. Sana inalam ko muna ang lahat tungkol sa buhay niya. Hindi lang pangalan niya, edad niya, kung saan siya nakatira, sino magulang niya. Pero, Crystal. Naniniwala ako na walang dapat magsisi sa ating dalawa kasi parehas tayong biktima. Ang dapat sisihin natin ay ang hayop na nangtarantado satin."

"I'm sorry, ate. I'm sorry dahil sakin, nasaktan ka."

"Shhh, don't say that. Ako nga ang dapat mag sorry dahil pinairal ko ang pride ko kaya ilang taon tayong hindi nagkita. Mahal kita, Crystal. Hindi ko kayang magalit sayo habang buhay. Sisters together?" Inangat niya ang kanyang pinky finger at ako naman ay ipinulupot ang pinky finger ko sa kanya.

"Sisters forever. I love you din, ate." Sambit ko at niyakap siya.

I have the best sister ever!

...

"Crystal, wanna hangout today?" Tanong ni ate na kakababa lang ng hagdan.

"Of course. Where to?" I asked.

"May alam akong isang lugar. Pero mamaya ko na sasabihin. Magbihis ka muna, I already prepared your clothes." Well, that's weird. But sweet.

Tumango lang ako at umakyat na sa taas. Pagdating ko sa aking kwarto ay may nakita akong lavender dress na off-shoulder at hanggang ilalim ng tuhod ang haba. May kapares din siyang doll shoes at kwintas.

Wait, saan galing ito? Wala akong naaalalang may damit ako na ganito. Siguro, binili ni ate. Hays, makaligo na nga.

Makalipas ang kalahating oras ay bumaba na ako at naabutan ko si ate na hinihintay ako sa sala.

"Ang tagal mo ha." Inip niyang sabi nang makita niya ako.

"Saan ba talaga tayo pupunta, teh? By the way, salamat dito ha. Ang ganda!" Masayang sabi ko at ngumiti naman siya.

My Sister, My Rival ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon