Y/n's POVUnang araw ko ng pasok as a college student kaya ngayon naghahanda na ako ng maaga dahil gigisingin ko pa ang bestfriend ko.
Pero bago ang lahat, magpapakilala muna ako. Ako si Watanabe Y/n. Half Japanese and half Filipino. Tumira ako sa States for 3 years and 4 years naman sa Japan, 2 years sa Pilipinas at ngayon naman nasa Korea ako at ang kasama ko lang ay ang childhood bestfriend ko.
Yep, napakagulo ng buhay ko.(laughs)
At asan na tayo? Yun, gigisingin ko pa ang lalaking yon. PARK SUNGHOON!Sunghoon's POV
Ayan na naman yung babaeng yan. Nasa daan pa lang siya rinig na rinig ko na ang napakaingay nyang boses.
"PARK SUNGHOON! BUMANGON KANA NGA DYAN! MALE-LATE NA TAYO!" naramdaman kong may bumukas na ng pinto at may nanghampas na sa akin
"Aray naman! Oo na babangon na! Y/n naman eh." napakamot na lang ako sa ulo ko nang biglang pumunta si Y/n sa kusina. Sigurado akong dito na naman sya kakain
"Ako naman ang magluluto kaya dito na rin ako kakain hah!" biglang sigaw nya. Teka! Paano nya nalaman ang iniisip ko?
"Basta magluto ka ng masarap okay na. Ligo lang ako." sabi ko at tsaka kinuha ang towel ko at pumasok na sa banyo
"Masarap ako magluto noh! At tsaka ako pa nga ang nagturo sayo magluto. Tss tss. Bilisan mo na nga diyan!" sigaw ulit nya
"Oo na nga! Nagmamadali na nga eh! Wag ka ng sumigaw! Nakakabingi!" sigaw ko pabalik.
Kahit nasa cr pa lang ako, amoy na amoy ko na ang iniluluto nya. Habang nagbibihis naman ako sigaw na naman sya ng sigaw na male late na daw kami eh unang araw pa naman namin sa pagpasok.
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Baka nabubulabog mo na yung mga nasa kapitbahay eh." sabi ko sa kanya ng makaupo na ako sa katapat na upuan, habang sya....ayun kanina pang kumakain.
"Kasalanan mo rin naman. Bilisan mo na lang kumain kung ayaw mong ubusan kita." kalmado nyang sabi. Tingnan mo tong babaeng to. Pagkain lang ang katapat.
Nang matapos kami sa pagkain ay nagligpit muna kami bago naglakad papuntang bus stop.
"Libre mo ako mamayang break at lunch time hah." sabi nya habang nakasandal pa sa waiting shed at nakatingin sa akin habang nakangiti. Hindi ko tuloy mapigilang matawa
"Ililibre kita kung ililibre mo den ako." pang-aasar ko sa kanya. Ayun ang bata inis na inis na pumasok sa loob ng bus. Haha cutie.
While in the bus
"Oo na ililibre na kita." sabi ko habang tumatawa.
"Tss." aba aba sumusobra na ang kamalditahan nitong babaeng to ah
"Hindi ako maldita. Nakakainis ka lang talaga." biglang sabi nya habang nakatingin sa akin
"P-paano mo nalaman ang iniisip ko?" tanong ko sa kanya at bigla akong natakot ng bigla syang ngumiti ng bahagya
"So ibig sabihin iniisip mo nga yon? Tss tss. May masasapak ako, Sunghoon. Alam mo ba kung sino?" sabi pa nya na mas lalo pang nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko. Patay ako nito
Pagtigil na pagtigil ng bus ay agad na akong tumayo at nagtatakbo. Wala pa kami sa loob ng campus at medyo malayo pa nga yung gate eh. Grabehan na to
"PARK SUNGHOON!!! PATAY KA SA AKIN!!! TUMIGIL KA DYAN!!! PARK SUNGHOON!!!" sigaw ni
Y/n."AYOKO NGA!!!" sigaw ko den pabalik kahit pa hingal na hingal na ako.
Tumigil ako saglit at nakitang medyo malayo na ako kay Y/n dahil tumigil pala ito sa pagtakbo.
"Tss tss. Yan kasi masyadong pikon. At tsaka bakit ba ang bagal mong tumakbo?" sabi ko habang habol parin ang aking hininga. Tinapik-tapik ko ang likod ni Y/n dahil mukang napagod nga.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya
"Hehe. Ikaw ang hindi magiging okay, Park Sunghoon." sabi nya habang nakangisi. Patay
Tatakbo na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang batok ko at inipit sa kamay nya.
"Aray! Aray ko! Y/n! Huhuhu sorry na nga. Huyyy aray ang sakit. Sorry na. Mahal mo naman ako kaya wag ka ng ganyan oh."
Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan na nya ako.
"Ililibre mo ako. Buong school year." painosente nyang sabi habang habang may kinukuha sa bag nya.
"May kapalit."
"Ito towel magpunas ka ng pawis mo."
"Hindi naman towel ang gusto kong kapalit eh." pagmamaktol ko at nagsimula na syang maglakad ulit habang tumatawa pa.
"Ano ba yun? Yung kapalit ng libre mo sakin ng whole year?"
"HE-HE-HE!"
"HOYY! Anong iniisip mo?"
"Ito ang kapalit." sabay turo sa pisngi ko
"Sampal? Hehe ilan gusto mo?" tanong pa nya. Nakakakilabot talaga tong babaeng to grabe
"Kiss, Y/n. Kiss sa pisngi pede na."
"Tsk. Ayoko nga."
"Sige ganto na lang. Tsaka na lang kapag gusto mo na. Pero wag kang chansing ah. Isang halik lang pede."
"Bwisit ka lamoyon?" inis na naman sya hahaha
End of Chapter 1
BINABASA MO ANG
Before I Go
Фанфик"How many years did you liked him?" "I don't know. I can't really remember." "Is he your first love?" "Yes he is." "No he's not." "What do you mean?" "You're he's first love but he's not your first love. It's different." "I don't know." "Just rememb...