Chapter 4

4 1 0
                                    

Sunghoon's POV

Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko sya. Pero may gusto na syang iba. Ayokong ma pressure sya at mapilitang gustuhin din ako kagaya noong nangyari ng mga bata pa kami.

Basta kaya ko ito. Kung dadating man yung panahon na iyon, sana magawa ko. Magawa kong masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Sana kapag dumating na yung oras na yun, sana pareho na kami ng nararamdaman. Sana talaga.

...

Nakaupo na ako ngayon katabi si Y/n. Nakatingin lang sya sa may bintana. Iniisip nya ba ang lalaking gusto nya?

Hindi ko tuloy mapigilang mapayuko na lamang.

"Sunghoon, may gusto akong sabihin sa iyo. Same place at the cafeteria." sabi nya habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

Kung sasabihin mo lang kung sino ang lalaking iyon, mas mabuti pang hindi na lang ako makinig. I'm sorry Y/n. Sorry pero ayokong masaktan pa. Sapat ng nasasaktan ako dahil bestfriend lang ang turing mo sa akin. I'm sorry.

Y/n's POV

Kinakabahan ako. Sobra sobra ang takot na nararamdaman ko. Hindi nga ako makatingin kay Sunghoon ng kinausap ko sya kanina. Pero parang may mali. Napakalaking mali. Never pang naging seryoso si Sunghoon. Sa mga gantong bagay lagi nyang sasabihin na pagkain ang kapalit o kaya naman ay ipagluluto ko sya or tutulungan sa pag-aaral at assignments. Pero ngayon...wala. Kahit isang salita wala syang sinabi. Nakatingin lang sya sa lamesa nya na para bang sobrang lalim ng iniisip nya. Gusto kong malaman kung anong iniisip nya. Gusto kong malaman nya na nandito lang ako kahit na bilang bestfriend lang nya.

...

Ilang oras na ang nakaraan. Walang kahit na anong salita na sinasabi si Sunghoon. Nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko rin sya magawang kausapin dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Biglang pumasok ang adviser namin na babae. Si Ginang Landrito. Hindi sya nag-iisa dahil may kasama syang dalawang estudyante rin. Transfer students ata. Isang lalaki at babae.

"Students. Magkakaroon kayo ng bagong kaklase. Ipakilala nyo na ang mga sarili nyo hijo at hija." sambit ni Ginang Landrito

"Hi my name Liane Gomez. It's nice to meet you all." sabi ng magandang babae. Ang mga kaklase ko ay nagka-ingay at may mga sinasabi kagaya noong unang beses namin dito ni Sunghoon.

Speaking of Sunghoon, ayun nakatulala kay Liane. Sya na ba? Dumating na ba ang babaeng nararapat para kay Sunghoon?

"Yang Jungwon." maikling litanya ng lalaki

"Okay. You can have your seats. Hintayin nyo na lang ang bell para sa lunch time." sabi ng ma'am Landrito bago umalis.

Nagka-ingay muna saglit sa buong classroom at hindi ko namalayan na nasa tapat ko na pala si Liane.

"Hi. Pwede bang palit tayo ng upuan?" sabi nya habang nakangiti.

"B-bakit dit..." "Oo nga Y/n. May bakante pang upuan doon sa may dulo." hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Sunghoon. Nakakainis. Sobra.

"Tabi tayo." sabi nung lalaking Jungwon daw ang pangalan. Bigla na lamang nya akong hinigit papunta doon sa dulo ng classroom. Wala akong nagawa ng hilahin nya ako dahil parang nanghihina ako. Nanghihina ang mga tuhod ko lalo na ang puso ko.

Nakaupo na ako dito sa pinaka dulo ng classroom. Kitang kita ko dito ang mga ngiti ni Sunghoon...kasama si Liane. Siguro ito na nga ang simula.

"Tumingin ka dito sa gwapo, huwag sa mukang myembro ng kulto." nagulat ako ng biglang magsalita si Jungwon sa tabi ko. Nakahilig ang kanyang ulo habang nakapatong sa kanyang palad.

"H-huh?" Narinig ko talaga yung sinabi nya. Gusto ko lang ipaulit sa kanya kasi ako lang talaga ang nagsasabi ng ganoon kay Sunghoon.

Natawa na lamang ako nang makita kong seryoso pa rin ang mukha nya. Hindi yata sya maalam ngumiti eh.

"Hi. Ako nga pala si Y/n. Transferee den ako dito." sabi ko sabay lahad ng palad ko sa harap nya

"Yang Jungwon. Alam mo naman sigurong transferee ako noh." natawa na lamang ulit ako sa sinabi nya. Seryoso pa rin kasi ang mukha nya kahit nagbibiro sya ng ganoon.

"Teka." sabi nya at bigla nya akong hinawakan sa tuktok ng ulo ko. "Nilalagnat ka ba?" tanong nya habang diretsong nakatingin sa akin ang kanyang mga mata.

"H-hindi noh. Ganyan talaga ang normal temperature ko." sabi ko na lamang. Ang init ko nga tapos normal temperature?!!

"Magpapalusot ka na nga lang, masyado pang halata. Ito ang hoodie ko. Isuot mo muna." sabi nya sabay abot sa akin ng hoodie nya. Agad ko na lang itong kinuha.

"Salamat." sabi ko sabay suot ng hoodie nya.

"Pagkain ang kapalit noh." nagulat ako sa sinabi nya. Sunghoon miss na agad kita. Jungwon salamat sa pagpapaalala na si Sunghoon ay bestfriend ko.

Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin kung saan ako naka upo noon. Sa pwestong iba na ang nakaupo. Sa pwestong ako dapat ang taong nagpapangiti kay Sunghoon na ngayon ay hindi na ako.

Bigla ko na lang naramdaman ang hood na biglang lumagay sa ulo ko. Hindi ko na napigilang lumuha. Nakilala ko si Jungwon, at ito na rin siguro ang panahon na unti-unting lalayo sa akin Sunghoon.

Masakit. Sobra.


End of Chapter 4



Before I GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon