Chapter 5

3 0 0
                                    

Y/n's POV

Tumunog na ang bell hudyat ng lunch time. Finally, makakasama ko na ulit si Sunghoon.

"Hoonie, sabay na tayo papunta sa cafeteria." sabi ko habang malawak ang aking mga ngiti

"Sige Y/n. Susunod ako. Umorder kana tapos ako na ang bahala sa pwesto natin." sabi nya habang nakangiti din sa akin.

"Sige." sabi ko at agad na naglakad patungo sa cafeteria. Well, to be honest, ito na siguro ang pinaka masayang araw kung saan ako pupunta sa cafeteria. Alam mo na, lagi na lang kasi akong iniinis ni Sunghoon.

Nag order na ako ng pagkain namin. Libre ko muna ngayon kasi sya ang maghahanap ng pupuwestuhan namin. Madali lang naman dalahin ang pagkain na in-order ko dahil nakalagay ito sa dalawang tray pero may harang kaya pwedeng pagpatungin.

Hinanap ko muna si Sunghoon ng ilang sandali hanggang sa nakita ko sya sa may kalagitnaang puwesto. Usually kasi dun kami sa may dulo kasi masyado daw maingay kapag nasa gitna.

Kumaway muna sa akin si Sunghoon at tumayo. Siguro tutulungan ako sa pagdadala hehe

Natigil ako sa aking paglalakad ng lumingon siya sa kanyang kanan. Hindi na sya naglakad at umupo na lamang....kausap nya si Liane.

Tumingin ako sa mga paa ko. Parang napaka bilis ng oras. Hindi ako makagawa ng isang hakbang. Nakatayo lamang ako habang ang mga tao ay patuloy na dumadaan sa paligid ko at para bang bumabagal ang oras kapag nakatingin ako sa kanilang dalawa. Ang mga tuhod ko ay parang bibigay at ang puso ko....

"Alis dyan. Nakaharang ka sa daan." natigil ako sa pag-iisip ng biglang may magsalita sa aking likuran.

"J-jungwon....

"Ang panget mo." sabi nya at ginulo ang buhok ko tsaka naglakad palayo.

Bumuntong-hininga na lamang ako at naglakad na ulit.

"Hi." sabi ko na lamang habang nakangiti nang mapait

"Y/n, kilala muna si Liane diba? Sabay daw sya sa atin sa pagkain. Pwede naman diba?" tanong nya habang malawak pa rin ang kanyang mga ngiti. Tuwang-tuwa ka tukmol ah!

"O-okay lang naman." sagot ko

The table is for four person. Nasa tapat ni Sunghoon si Liane at katabi ko naman si Sunghoon. Tatlo kami sa table pero parang silang dalawa lang ang nandito at ako? Isang hangin lamang....

Binilisan ko na ng pagkain. Aabutin na yata sila ng gabi sa pagkukuwentuhan at pagtatawanan eh. Tumayo na ako at mabilis na naglakad kahit pa panay ang tawag sa akin Sunghoon.

"Dito kana." natigil lang ako sa paglalakad ng marinig ko ulit ang boses ni Jungwon. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita syang nakaupo at nag-iisang kumakain sa table na pang-apatan at maraming babaeng nakatayo sa harap nya.

"Si Y/n? Magkakilala kayo?"
"Bonak naman nito. Syempre magkaklase sila."
"Oo nga noh. Sorry naman."

"Tinatanong ni mama kung kamusta kana daw? Miss kana daw nya. Kelan ka daw bibisita ulit?" tanong ni Jungwon sa akin, bafay na nagpalito sa isip ko

"Ah so matagal na pala kayong magkakilala."
"Naku, mukang matagal na kayong hindi nagkikita. Sige
Y/n, upo kana rito. Mag-usap na kayo."
"Aalis na rin kami."
"See you sa next class Y/n, Jungwon"
"Bye."

Nang makaalis na sila ay agad akong umupo at sinigawan ng pabulong si Jungwon.

"Ano yon?!" tanong ko

"Kanina pa nila ako kinukulit eh. At tsaka kung hindi kita tinawag, nabangga mo na yung isang babae." sabi nya

"Ahh ganun ba. Salamat." sabi ko na lamang at tsaka kumalumbaba sa lamesa

"Uso kasing tumingin sa dinadaanan." pabulong nyang sabi

"Sorry na nga! At tsaka kanina mo pa ako inaasar hah! Naku kung hindi ka lang gwapo at hindi mo ako tinulungan kanina, nahampas na kita noh!"

Natigil ako sa pagsasalita ng maramdamang biglang tumahimik ang paligid. Tumingin ako sa paligid at nakitang ang lahat ay nakatingin na sa akin at inaasar na ako at si Jungwon.

"Tsk! Nawalan na tuloy ako ng gana." sabi nya at tsaka tumayo para umalis na.

Agad naman akong sumunod sa kanya at may mga isinisigaw ako tungkol sa kanya.

"Hoyy, sabi mo nga kanina tumingin ako sa gwapo at talagang nakaharang yang mukha mo!"

"Tumigil kana. Ang ingay mo."

"Tse ka riyan! Kinikilig ka lang kasi sinabihan kita ng gwapo." huling sigaw ko dahil tumigil sya sa paglalakad at pabagsak na inilagay sa isang lamesa kung saan nagsisilbing lagayan ng mga gamit na plato para hugasan.

Patay galit na si Arakita!

"Marunong kang tumakbo?" tanong nya. Patay! Patay! PATAY!!!

"Syempre noh! Baliw ka!" at agad na akong nagtatakbo.

Narinig kong nagsigawan pa ang mga nasa cafeteria. Para lang silang nanonood ng isang horror movie kung saan papatayin na ng killer ang extra.

Takbo lang ako ng takbo habang tumatawa. Nakita ko si Sunghoon at si Liane, nag-uusap pa rin sila kahit na noong sinisigawan ko si Jungwon. Oo ginawa ko iyon para pansinin ulit ako ni Sunghoon. Masyadong mabilis ang lahat. Alam kong darating ang panahong ito pero bakit ngayon pa?

Jungwon please...huwag muna akong habulin. Ayokong....makita mo akong umiiyak. Nakita mo na yun kanina kaya wag na sa pangalawang beses.

"Ang bilis mong tumakbo." nagulat ako ng may gumulo ng buhok ko. Si Jungwon pala. Hingal na hingal habang tumatawa. Tumingin sya sa akin at hindi ko napigilan pang umiyak ulit sa harapan nya

Tinakpan ko ang bibig ko habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking pisngi. Ayokong may makarinig ng pag-iyak ko. Ayoko.

"Umiyak ka. Umiyak ka lang. Walang ibang makakarinig kung hindi tayo. Okay lang yan." sabi nya at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kanyang bisig. Patuloy ako sa pag-iyak habang nakabaon ang aking mukha sa dibdib nya at ang mga kamay kong nakayakap sa kanya. Ang mga kamay nyang hinihimas ang aking ulo bilang pagpapatahan at ang kaliwang kamay niyang nasa likod ko.

I feel safe in his arms. I feel safe when I'm with him. This is the first time that I let someone to see me crying. Jungwon-ah sino ka ba? Sino ka ba talaga?

End of Chapter 5

Before I GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon