Chapter 3

5 2 0
                                    

Y/n's POV

Nang dahil sa sinabing iyon ni Sunghoon, hindi ako makatulog.


Baliw sayo.


Paulit-ulit na pumapasok iyon sa isipan ko na para bang sirang plaka.

Sige sasabihin ko na. I have a big crush on my bestfriend, Park Sunghoon. Ewan ko ba, minsan ipaparamdam nyang may gusto sya sakin tapos minsan naman ibang babae ang babanggitin nya.

Assuming ba ako kung sasabihin kong may gusto din sya sa akin o manhid ako kung sasabihin kong wala talaga syang gusto sa akin at inaasar nya lang talaga ako???

Ano daw?!!! Ala basta ang gulo!!!

...

Isang Linggo pa lang kami dito sa pinapasukan namin. Ganun lang palagi ang ginagawa namin. Gigisingin ko sya, sabay kaming kakain ng umagahan, sabay papasok sa University, magkasama palagi hanggang sa mag-uwian. Minsan pumupunta pa sya sa bahay at doon kumakain ng hapunan. Tumatawag sya kahit dis-oras na ng gabi. Kung iisipin nga, parang kilos na iyon ng magkasintahan pero alam kong yun ay dahil kaming dalawa lang ang magkakilala dito simula ng lumipat kami ng tirahan.

Magulo man ang buhay, masaya pa rin ako. Thankful for everything I had, for everything I have at para na rin sa mga bagay na matatanggap ko pa.

Pero hindi ko inaasahan na darating ang ganitong kasakit na pangyayari sa buhay ko.

...

Lunes...lunes na naman. At anong gagawin ko? Gigisingin ko ulit sa Sunghoon.

"PARK SUNGHOON!"


Sunghoon's POV

Ayan na naman yung babaeng yan. Nasa daan pa lang siya rinig na rinig ko na ang napakaingay nyang boses.


Author's POV

"Hoy babae nandito na ako!" sigaw ng binata

"Woah! Tunay ba tong nakikita ko? Hindi na kita ginising at hinihintay mo ako? Wow grabe! Anong nakain mo?" tanong ng dalaga na may nakalolokong ngisi

"Nakakabingi na yung pagsigaw mo araw araw. Tara na baka ma late pa tayo."

While walking to the bus stop*

"Kapag tumigil ako ng pagsigaw at panggigising sayo, naku mami miss mo yon noh." nagbibiro man ang dalaga, sa kalooban naman nito ay natatakot syang mangyari iyon.

"Naku babae. Tigilan mo nga yang mga banat mong yan, kadiri eh." pambawing asar naman ni Sunghoon

"Mas kadiri yung mga "Ang gwapo ko talaga" na sinasabi mo pa sa harap ng salamin ah. Nakakasuka!" binatukan ng dalaga ang binata ng makapasok na sila sa loob ng bus dahilan para magtawanan ang ibang pasahero nito.

"Hoy ang sakit non hah! At tsaka totoo naman yung sinasabi kong gwapo ako!" sabi naman ng binata habang hinihimas ang kanyang ulo

"Tumigil kana nga!"

"Hoy kayong mag jowa dyan!" natigilan lamang sila sa pag-aaway ng sumigaw ang driver ng bus

"Hindi po kami mag jowa!" sabay nilang sagot. Hindi nila namamalayan na nasasaktan na nila ang isa't isa.

Ps. Bakit kasi ayaw pang umamin ng dalawang are??? Hayy jusme!

Author's POV

Nagtinginan ang mga tao sa loob ng bus na ang iba ay natatawa at kinikilig dahil kina Y/n at Sunghoon.

At the school

Pagpasok pa lamang ng gate nina Y/n ay dinumog na agad sila ng mga kapwa estudyante. May mga babae at lalaki na nakapalibot sa kanilang dalawa.

Y/n's POV

Pagpasok pa lang namin ni Sunghoon ng gate ay nakaabang na sa amin ang mga estudyante. Alam ko kung anong gusto nila. Ang magpa picture kay Sunghoon. Ganun naman palagi. Kahit noong nakaraang linggo den. Sino ba naman kasi ang hindi gugustuhing magpa picture sa isang gwapong kagaya ng bestfriend ko.

"Akin na ang phone, picturan ko na kayo." sabi ko

"Oh talaga? Hindi talaga kami magpapa picture eh pero thank you na rin Y/n." sabi ng isang babaeng may malaking ribbon sa kanyang ulo

"Okay na." sabi ko "Bakit nyo nga pala kami sinalubong? May gusto kayong sabihin?"

"Oo sana." "Sige ano yun?" tanong naman ni Sunghoon

"Itatanong lang sana namin kung nagde date na ba kayo?" saglit akong natigilan sa sinabi nya

"Uyy hindi ah!" sagot ko pero mas lalo akong nalungkot ng sumagot din si Sunghoon

"Aww sayang naman. Madaming nagkakagusto kay Y/n na mga lalaki at gwapo den sila. Ganun den sayo Sunghoon kasi gwapo ka kaya madaming magagandang babae ang nagkakagusto sayo." isa ako sa nagkakagusto kay Sunghoon, sya ba may gusto den sa akin?

"Kahit nga ako may gusto kay Y/n pero mas gusto kong magka tuluyan kayong dalawa kasi bagay-bagay kayo." sabi pa ng isang lalaki

Sunghoon's POV

Nung sinabi nila yun, bakit medyo nakaramdam ako ng sakit? Hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit.

"Ahh ganun ba. Kami ni Y/n, mag bestfriend kami eh. Tsaka okay lang na may magka gusto sa kanya basta ba ako ang una nyang sasabihan kapag may nan ligaw na sa kanya." kahit masakit, pinilit kong sabihin ang mga iyon kahit pa natatakot akong mangyari iyon sa amin

"Ako? Ahh- male late na tayo!" sabi ni Y/n

"Oh-oo nga!" pagpapalusot ko na lang den

"Oo nga tara na. Mamaya na lang ulit Y/n at Sunghoon." "Sige mamaya na lang." paalam nila sa amin

(After they left)

"Bakit ba kapag may binabanggit sila tungkol sa panliligaw sayo lagi mong iniiba ang usapan?" tanong ko ng naglalakad na kami sa may hallway papasok ng classroom namin

"Alam mo namang wala talagang manliligaw sa akin at tsaka--"

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ng isang lalaki kanina? May gusto sya sayo at hindi lang sya dahil maraming nagkakagusto sayo Y/n." putol ko sa sinasabi nya

"Kapag may nanligaw sakin? Sa tingin ko magiging mahirap yun eh." sabi nya at tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Ganun din ang ginawa nya.

"Bakit? May nagugustuhan ka na ba? Natatakot ka ba na...hindi ka nya den gusto?" tanong ko. Diretsong nakatingin sa mga mata nyang kulay asul

"Paano kung sabihin kung oo?" sabi nya at ngumiti bago nagsimulang maglakad ulit

Author's POV

Sunghoon felt like something stabbed his heart at what he heard from Y/n.

"Kung sana lang ako yung maswerteng lalaking iyon." hindi mapigilang malungkot ng binata


Y/n's POV

Sure na ako mga marecakes! Mamayang lunch time, aamin na ako kay Sunghoon.

End of Chapter 3

Before I GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon