Chapter 2

5 2 0
                                    

Sunghoon's POV

Me and Y/n are actually transferee students. Since walang college doon sa pinasukan namin dati, nag decide kami na lumipat.

Nakatayo kami ngayon ni Y/n sa harapan ng mga kaklase namin. Introduce ourselves daw muna.

"Hi, goodmorning everyone. My name is Watanabe Y/n. It's nice meeting you all." sabi ni Y/n habang nakangiti

"Ganda mo po ate."
"Penge po number."
"Single ka po?"

"Shhh. Tama na nga yan." sita ng babaeng teacher namin habang medyo natatawa pa. "Ikaw na hijo, magpakilala kana." sabi nya sa akin

"Hi, my name is Park Sunghoon. At ang magandang babaeng nasa tabi ko ay bestfriend ko, kaya kung may nagbabalak na manligaw sa kanya, sakin muna dapat dadaan. Gets?" sabi ko at inakbayan si Y/n. Tawang tawa ako ng tingnan ako ng masama ni Y/n at siniko pa ako. Pikon haha

"Ang gwapo mo po kuya!"
"Ligawan po kita."
"Psshh tahimik! Bagay kaya sila!"
"Oo nga noh!"
"Sige kayo na lang magkatuluyan okay na!"
"Bagong loveteam na naman!"

"Okay na tahimik na. Y/n at Sunghoon, may dalawang upuan pang bakante doon sa may dulo, magtabi na kayo." sabi ng guro namin habang nakangiti

"Huyy si ma'am wala atang jowa kaya sya na lang daw si kupido!"
"Ala si ma'am kinikilig pa eh!"

Y/n's POV

Napaka sira talaga nitong si Sunghoon. Kung pwede lang talagang mabatukan to kanina ko pa nagawa. First day na first day puro kalokohan na agad.

"Psst. Galit ka?" tanong ni Sunghoon na nasa tabi ko. Ang baliw ng beautiful eyes pa. Huhuhu ang gwapo...kaso timang lang.

"Mukha kang timang. Tsk." inirapan ko na lang sya.

"Mukha akong gwapo okay? GWA-PO."

"Tsk. Oo na, oo na. Makinig ka na lang sa klase okay." sabi ko at tinapik sya sa balikat at itinuro ang teacher namin na nagtuturo na


...

Natapos na ang klase at break time na. Hindi na muna kami pumunta ni Sunghoon sa canteen kasi may baon kami. Alam mo yon, para tipid haha

Wala daw muna kaming klase sa susunod na mga subject. First day pa lang naman daw kaya hayaan ng 3 subjects muna ngayon.

Habang nagkukuwentuhan kami ni Sunghoon ay biglang tumunog na ang bell hudyat na lunch time na.

"Tara na sa canteen Y/n. Libre ko diba?" sabi nya at ang mokong nagawa pang akbayan ako

At the canteen

"Ano gusto mo?" tanong sa akin ni Sunghoon

"Kagaya na lang ng o-orderin mo. Hanap lang ako ng table natin."

"Sige." maikling tugon nya

Nakaupo na ako sa pwesto namin ni Sunghoon, hinihintay ko na lang sya kasi medyo mahaba yung pila.

"Naghintay ka ba ng matagal?" tanong nya

"Baliw hinde. Medyo natagalan din ako sa paghahanap ng table kasi medyo puno na agad yung canteen eh."

"Ahh. Kain na." sabi nya


Kumakain lang kami ni Sunghoon. Minsan aasarin nya ako o kaya may ikukuwento sya sa akin. Yung mga type nyang babae.

"Hi." nagulat kami ng biglang may magsalita sa may gilid namin. Tatlong lalaki pala.

"Bakit?" tanong ni Sunghoon.

Tinapik ko sya sa kamay dahil parang tatay na naman syang galit na galit kapag may mga lalaking lalapit sa amin.

"Y/n. Y/n right?" tanong ng isa sa kanila. Kaya naman pala ganun yung reaction ni Sunghoon eh. Medyo flirty kase yung lalake haha

"Yeah. Bakit mo natanong?" sagot ko naman sa kanya

"Do you have a boyfriend?" bakit ba laging ganun na lang ang tanong sa akin?

"Meron oh. Nasa harap nyo." si Sunghoon yung sumagot habang itinuloy na lang nya ang kanyang pagkain. Mukhang naiinis sya. Naku Sunghoon! Kung patuloy kang magiging ganyan aakalain kong may gusto ka sa akin kaso imposible eh

"Nagbibiro lang ang bestfriend ko. Wala akong boyfriend at tsaka hindi ako interesado eh. Pasensya na hah." sabi ko na lamang kaya't napakamot na lang ako sa ulo ko

"Ahh ganun ba. Pero pwede ba naming makuha number mo?" tanong pa ng isa

"Akin na ang cellphone. Ilalagay ko ang number nya." hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Number ko?! Ipapamigay ni Sunghoon?!

Inilahad ni Sunghoon ang kamay nya at ibinigay naman ng lalaki ang kanyang cellphone habang nakangiti pang naka-tingin sa akin.

"Okay na."

Nagpaalam na ang tatlong lalaki sa amin na aalis na kaya agad kong tinanong si Sunghoon.

"Sunghoon, kanina parang galit ka nung lumapit yung tatlo tapos binigay mo yung number ko?"

"Sinong may sabing number mo yung ibinigay ko? Hehe." sabi pa nya habang natatawa kaya medyo naguluhan ako sa sinabi nya

"Eh kaninong number yon? Sa iyo?"

"Hoyy hinde ahh! Nagpipindot lang ako ng kahit anong number don, bakit ba?" hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nya. Ayun nagtawanan na lang kami ng nagtawanan

"S-seryoso???" tanong ko habang tawa pa rin ng tawa

"Oo nga, kulit naman oh." sagot nya habang natawa din "Tawa ka pa, baka mabulunan ka nyan hah." paalala pa nya na may tonong pang-aasar din

"Baliw ka talaga." sabi ko at hindi pa rin ako natitigil sa pagtawa. Nakakatawa eh bakit ba?😂

"Baliw sayo." bulong nya pero narinig ko pa rin

SERYOSO??? TUNAY BA??? PARK SUNGHOON!!!

End of Chapter 2





Before I GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon