Kate Kayes

209 6 0
                                    

"Whoop!" I giggled at my own sound effect voice. Hawak ko ang latigo, backless dress ang suot ng alpha female.

Napakaganda ng laban nila Carl, nakakatuwa, at the same time nakakabadtrip. Umakyat ako sa isang puno at mula sa baba nakita kong nagshift ang babaeng mahal niya sa isang malaki at puting werewolf. Fuck she's goddamn huge! Naalala ko pang nanginginig ang baril na hawak ni Carl, at alam ko na tatlong silver bullet nalang ang natitira kaya dapat tamaan niya ang alpha female ng tama. Straight to heart or head.

"Keysi please.." Weak! I mentally yelled. So Keysi pala ang pangalan ng werewolf na matagal na naming hinahanap at gustong patayin, at the same time mate niya si Carl at lihim na nakikipagkita.

Naalala ko pa ang mga ni Carl, puno ng lungkot at sakit. Lagi siyang kalmado noon pero nang araw ng laban nila ng mahal niya ay nawala ang 'calm' sa katawan niya. Poor Carl. At ang mga mata ni Keysi ay pula, hindi siya si Keysi na minahal niya, nagtake over ang wolf sa katawan niya. Bilang alpha tungkulin nilang protektahan ang kapack members nila, mapabeta man o omega. Ang pinakamalakas ay ang alpha, bawat isang pack meron niyan kumbaga siya ang leader. Ang beta, o ang kanang kamay. Pinagkakatiwalaan ng alpha. At ang omega, pinakamahina karaniwang ginagawang katulong ng isang pack.

Sa oras na may mamatay? Ang alpha ay mawawala sa sarili dahil parte ng pagkatao niya ang bawat kapack members. Ang nasa isip lang niya ay patayin ang pumatay sa isa sakanila. At yan ang eksaktong iniisip ni Keysi, walang pagmamahal, walang emosyon.

Don't think, don't hesitate. Dahil kapag nagisip ka, maguguluhan ka at kapag naguluhan at nagisip ka ay pwede kang mamatay.

Bago pa man mawalan ng hininga si Carl, rinig na rinig ko ang tatlong salitang pinandidirihan ko. "I love you." Nagshift sa human form si Keysi, nanlaki ang mga mata niya nang makitang patay na ang mate niya. Oooooh she cried that day, hands on her chest like she was in pain. Of course she was in pain, may bound sakanilang dalawa na kapag namatay ang isa parang may mawawala ang isang parte ng buhay mo. Kagaya ng inaabangan ko, nahimatay si Keysi dahil sa sakit. That's why she's here in our hell basement.

Dalawang araw na siyang hindi kumakain, hindi naliligo at hindi natutulog. Kung tao lang ito malamang patay na, pero isa siyang hayop. Halimaw. "Whoops!" Masayang sigaw ko at hinampas sa likuran niya ang mahaba at sharp na latigo, nagcelebrate ang mga kasama kong hunter nang maidala ko ang katawan ni Keysi dito.

Wala silang pakialam kay Carl. "Why.." Nahihirapang bulong niya. Nakabalot ang silver chain sa wrist at paa niya, medyo nasusunog na ang balat niya dahil sa silver at tumutulo ang dugo mula rito isama pa ang paghampas ko sa likuran niya.

Inilapit ko ang tenga ko sa bunganga niya. "What?" Pangaasar ko.

"Why..are you.." She gasped for air.

I laughed. "Oh dear, why am I doing this? Why are we doing this?" Hindi siya nagsalita. "Wala dapat kayo sa mundong 'to. Hindi kayo ginawa ng diyos kundi ng demonyo, pinapatay niyo ang mga inosenteng tao! MAPAWEREWOLF MAN O VAMPIRE DAPAT WALA DITO!" Bulyaw ko sa pagmumukha niya at sinampal sa pisngi.

Umubo siya ng dugo. At tumawa. What the fuck? "Sa ginagawa mo..mas masahol ka pa sa demonyo." Pumipikit ang mga mata niya, kumulo ang dugo at hinawakan ang chin niya.

I looked at her tired eyes. Hinawakan ko ang maliit na knife na nakaipit sa boots ko, fucking werewolf how dare she talked to me like that. Her life is in my hands right now, I can kill her if I want to. Pero syempre, walang saya kapag pinatay ko kaagad. Tutusukin ko nalang ang mga mata niya, tutal silver knife naman 'to. I love to hear her scream in pain.

Bumukas ang pintuan at nandoon si Val, isa rin sa mga hunters. Buhat buhat niya ang isang lalaki, nasa twenty years old siguro. Binalibag niya sa sahig, napangiwi sa sakit si Val nang tumunog ang buto niya sa braso. "Fuck this animal." He cursed then kicked him.

Tumayo ako at lumapit sakanya. "Sino yan?"

Magsasalita pa sana si Val nang sumigaw si Keysi. "Henry!"

Humarap ako sakanya at tiningnan ng masama. "Shut up!"
"Walang pwedeng sumigaw sa alpha namin." Nahihirapang bulong ni Henry.

Buti nalang at pinalanghap namin silang dalawa ng isang halaman. Nanggaling pa ito sa bansang Europe, kapwa hunters namin. Isa itong halaman na para lamang sa werewolf, kapag nalanghap ay hindi makakapagshift sa wolf form at ang lakas ay parang tao lang din. Million ang ginastos namin para makuha ang halaman na 'yun, at napagalaman din ng kapwa ko hunters na hindi nila pinapatubo ang halaman sa lupa. May experiment o proseso ang paggawa at wala akong balak alamin dahil ang gusto ko lang ay pumatay ng werewolf.

Sinuntok ni Val si Henry sa mukha. "We don't give a damn care."

"Wag niyo siyang saktan please." Pagmamakaawa ng alpha female. I almost laughed at her face, she is crying.

Val cleared his throat. "Siya ang beta ng kanilang pack at the same time bestfriend ng alpha female."

I smiled playfully. "Nasa labas pa rin ba ang mga deadly trap?" I asked.

"Yes. Why?"

My smile grew wider. "Help me. Ilabas natin sila at patakasin."

* *

Nalagyan ng dugo at black jacket ko na nanggaling sa isang werewolf. Gross! Pagkatapos nito itatapon ko na agad 'to. Tinulungan naming makatayo at makalabas si Henry at Keysi. Noong una nanlaban pa si Henry peri kaagad ding sumuko dahil sa kahinaan ng katawan.

Habang naglalakad kami, suportado ko ang katawan ni Keysi at suportado naman ni Val ang katawan ni Henry ay nakatingin ang kapwa namin hunters. Puno ng pagkalito ang mga mata.

"Nasa balcony na sila." Bulong ni Val sa tenga ko. Simula sa balcony na nasa third floor ng building na 'to ay makikita ang nangyayari mula rito sa ibaba. Alam ko na nasa itaas na ang mga hunters. Humangin ng malakas, nagsway ang malalaking puno na nasa paligid.

Binitawan ko si Keysi, kaagad siyang sinalo ni Henry. Nahihirapan silang huminga. "Run." Utos ko na kaagad naman nilang sinunod.

Pinanood namin silang tumakbo. Parang lakad pagong actually, bumagsak ng ilang beses si Keysi na itinayo ni Henry.

I smiled. "Let's give them a show."

Tumawa ng mahina si Val at sinuntok ng pabiro ang braso ko. "Alam mo minsan, napapahanga mo ko sa mga show na ginagawa mo."

"Nasaan ang saya kung papatayin agad natin sila? Panoorin natin silang mahulog sa mga trap at mamatay." Masayang sabi ko. Narinig ko ang hiyawan ng iba pang werewolf hunters sa balcony, ang iba ay nasa likuran ko at tumatawa.

Ang mga werewolf ang demonyo, kaming mga hunters ang pumoprotekta sa mga inosente. Ngumisi ako nang nakita kong bumagsak ulit si Keysi, ang mga sugat niya sa likod ay halatang nabubulok na. Nilalangaw. Nakakadiri. "I will definitely enjoy the show." Bulong ko.

Hunter. (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon