Chapter 9

175 10 2
                                    

Let the words of my mouth and the meditation of my heart be acceptable in your eyes.

----Psalm 19:14

* *

Pagkagising ko palang ay dumiretsyo na ako sa kusina. Nakaligo, toothbrush, ponytail ang mahaba kong buhok. Simple black jeans and shirt, three inch black boots.

Kasalukuyang kumakain si Ace ng toasted bread. Hindi manlang siya tumingin saakin dahil siguro busy sa kinakain. "Hey, Scar."

"Pwede ko bang hiramin ang susi mo sa kotse?"

Tumigil siya sa pagnguya ng kanyang buttered toast at tumingin saakin ng masama. "Bawal.."

Nagkibitbalikat ako at tumalikod sakanya. "Okay, I'll just hot wire it then."

Katulad ng inaasahan ko, nakaharang na agad siya sa doorway bago pa man ako makalabas. Nakasulat sa buong mukha niya na wala siyang tiwala. "Para saan ang kotse ko?"

Dahil ang naamoy ko lang sa loob ng kotse mo ay ang pabango mo at medyo obsessed na ako dito? I mentally rolled my eyes. Damn. "Dahil gusto kong pumunta sa store."

"For?"

I shift my weight. "Dahil pupunta tayo sa lake, kailangan ko ng bathing suit..at ang huling pagtapak ko sa lake ay noong eight years old ako."

"Oh." He hesitates, binaba ang bread at uminom ng tubig. "Sasama ako sayo."

Tinitigan ko siya. "Bakit?"

He shrugs. "Walang rason."

Alam ko na kung bakit. "Hindi mo ko pinagkakatiwalaan kapag magisa huh?"

He flattens. "Wala akong sinabi."

"Hindi ko rin naman pagkakatiwalaan sarili ko." I shrug, nilampasan siya sa doorway at naglakad papunta sa kotse niya.

Sumunod siya saakin. Sumakay sa driver's seat at ako naman sa tabi niya. Hindi siya nagcomment sa sinabi ko kanina pero nagdrive siya papunta sa pinakamalapit na store. Parang isang tambol ang kamay ko sa upuan ng kotse niya, paulit ulit na tinatap habang pinapanood ang mga punong nadadaanan namin. "Tungkol sa plano mo, kailan mo aatakihin ang mga Vinges?"

"A month or so," He shrugs. "Why?"

Tumigil ako sa pagdrum ng fingers ko. "Alam mo naman na isang itong suicide mission diba?"

"Hindi. Dahil nasaakin ka at magaling kang leader. Kapag kasama ka namin, we stand a chance."

Kabaliktaran ng sinabi niya ang iniisip ko. "At paano?"

"Wag kang magalala," He chirps. "Kapag dumating na ang bridge na 'yon ay dadaan tayo."

Hindi ako nagtanong pagkatapos niyang sabihin 'yon. Tumigil ang kotse sa tapat ng isang store, lumabas ako ng kotseng walang pakeng hintayin pa siya. Alam ko naman na hindi siya maghihintay sa kotse dahil iniisip niya lagi na tatakas ako. Siguro kapag umiyak ako ay papauwiin na niya ako sa mahal kong bahay. Kung nais ng Vinges na pamunuan ang mundo dahil iisa nalang ang natitira sa Royal Vampire, hindi ako magtataka na magtagumpay sila. Kung gusto ng Vinges na lahat ng tao ay maging bampira, well, hindi ako papayag.

At nandito ako, hindi nagaalala tungkol sa lahat ng 'yon, nasa isang store, nagshoshopping ng bikini. I head straight for the juniors section, tinitigan ang mga bathing suits at bikinis na nakasabit sa corner. I grab the first one I see that's my size. I turn around, muntik ko pang mabangga si Ace.

Tinaas niya ang kilay niya. "May nahanap ka na agad?"

"Oo," sagot ko. "Tara na."

"Sinuot mo na ba?"

I roll my eyes. "Ayokong nagsusuot ng damit sa stores."

"Paano mo nalaman na sakto talaga?"

Pinakita ko sakanya ang tag. "Size ko."

"Sigurado ka ba?"

Alam na alam ko na ang iniisip niya. "Gusto mo lang ako makitang suot ang bikini na 'to."

He smirks, crossing his arms. "Sa totoo lang, gusto kong makita kang suot ang maraming bikinis."

"Gago." Nilampasan ko lang siya, naglakad papunta sa cashier. Nilapag ko ang kinuha ko sa counter, dinukot ang pera sa bulsa ko. Buti nalang hindi ko nakalimutan.

Bago ko pa man mailabas, sumulpot si Ace sa tabi ko at pinadaan ang kanyang credit card sa maliit na machine na malapit saakin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at tumingin sakanya. Hindi niya pinansin ang tingin ko, ngumiti sa cashier girl. Wala na ang mga pangil niya; tinago niya siguro. Sabagay, nalalabas at naitatago ng vampires ang pangil nila.

Habang naglalakad na kami palabas, bumulong ako. "Hindi mo naman kailangan bayaran 'yun."

"I disagree."

"And why is that?"

He shrugs, nakatingin sa kotse niya. "Because it feels like I should do someting nice for you, tutal kinidnap kita at inilayo sa bahay mo."

Tumingin din ako sa kotse niya. Tama siya, pero at the same time..mali.

* *

"Kunin mo ang beach ball, Piers!" Narinig kong sigaw ni Riker habang naglalakad pababa sa hagdanan. Suot ko na ang bagong red bikini na binili ni Ace para saakin. Ang mga lalaki ay nasa pintuan na, halatang hindi na makapaghintay makaalis

Comfortable na nakatayo si Lexi sa may livingroom, suot ang pink bikini, ang headset ay nasa tenga niya. Lagi naman.

Ang mga peklat sa balat ko ay hindi masyadong halata. Hindi ko ito nakuha dahil sa katangan kong maghawak ng weapons, nakuha ko ito dahil may mga oras na umaatake ang vampires. I head over the door, nakatayo sa likod ng mga boys. "Sino pa bang hinihintay natin?" Tanong ko.

"Si Scar to get out of the damn--" Tumigil si Riker sa pananalita ng tumingin siya saakin. "Oh." Bumuo ang isang smirk sa mukha niya. "Ooooooh. Gusto ko ang nakikita ko."

"Fuck off," I snap at him, tinulak sila para mabuksan na ang pintuan. I have my towel dangling off my arm, brushing past my thigh as I walk towards the lake.

Tumakbo si Ace sa tabi ko. "Alam mo tingin ko parin ay dapat nagtry ka ng iba."

"It fits perfectly."

Ace smirks. "I can tell."

Nang makarating kami sa lake, kaagad na nagreserve ng territory si Lexi malayo saamin. Nilapag ko ang towel ko malapit sa lake, malinis naman so ayos lang. "Ang ganda ng buhok mo pag naarawan." Riker said.

I glance at him, then tumingin ako sa buhok ko na nakahang malapit sa mukha ko. "It looks red." I put out bluntly. Hindi naman brigh red, pero maitim.

"Alam ko." He smiles not a smirk. "I like it."

"Thanks.." Napunta ang atensyon ko kay Ace na hinuhubad ang suot niyang shirt. Wow. Dalawang dahilan lang naman kung bakit ako napawow. Una, may abs siya at ang ganda talaga tingnan. Pangalawa, may dark black tattoo si Ace na nasa right side ng macho niyang dibdib. It looks...sexy.

"May tattoo ka pala Ace?" Tanong ko puno ng interest, nakatingin lang ako sa sun tattoo.

Nagsmirk siya at tiningnan si Riker then tumingin ulit saakin. "Yeah. You like it?"

"Yeah." Sagot ko kaagad. "May iba ka pa bang tattoo?"

Lumawak ang ngisi sa mukha niya. "Oo." Tsaka tumalikod saakin.

His back is even scuplted pretty damn well. Sa kabilang side kung nasaan ang sun tattoo, may malaking moon sa balikat niya. It resembled the sun on his chest. Perpektong half-moon.

"They're really bad ass." Pagcocomment ko. Gusto ko talaga magpatattoo; pero ayaw ng ama ko noon. Nang mamatay siya ay nawala sa isip ko ang tungkol 'dun dahil wala akong oras.

Tinanggal ni Riker ang suot niyang shirt at nagsimulang magflexing. Sa isang segundo tiningnan ko siya pero kaagad bumalik ang mga mata ko kay Ace. He turns around heading straight to the water.

Hunter. (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon