Chapter two

353 17 6
                                    

Whoever of you desires to be first shall be slave of all.
----Mark 10:44

**

"Hey"

Umikot ako, binaril ang bampira diretsyo sa puso niya. Bumagsak siya, ang mga matang unti unting nawawalan ng buhay. I watch as his body goes limp, and his left arm twitches for a second bago bumagsak sa itim at malamig na simento. Lahat sila ay iba iba; ang ibang bampira ay sisigaw muna bago mamatay, ang iba'y titigan ako ng masama at ang iba'y walang gagawin kundi ang mamatay nalang.

65

I step over the body, ang itim kong boots ay tumunog pagkatapak ko sa matigas na simento. I never wear anything else. Laging itim na jeans, at doon nakalagay ang extra ammo at mga armas ko. My hostler stays neatly tucked through the belt loop of my jeans. Karaniwan akong nagsusuot ng mga shirts na dark colored; mas maiging ganito ang suot, nakakasabay ako sa dilim tuwing gabi.

My dark brown hair I keep it down. I never put it up. Kailangang laging nakalugay ang buhok ko para mabuhay ako. Vampires will take no hesitation in biting me and sucking all my blood out. Hindi ako nagtatali ng buhok simula noong three years old ako. I'm going to keep it that way.

Nasa backstreets ako. Maliit lang ang lugar na ito pero laging napapaligiran ng clubs at nakainom na tao. They make the easiest target for vampires. Drunk people, dark clubs, dark nights, they fall for anything. Kaya ayokong nalalasing ako. Ang pinakamadaling target ng isang bampira ay ang bobo at hindi kayang ipagtanggol ang sarili mula sakanila, mga taong hindi makapagisip ng maayos at hindi sila matatakasan.

Vampires are stronger, but they have the same reflexes as humans do. Katulad ng sinabi ko, ang tanging lamang lang nila saatin ay ang lakas nila. Mabuti nalang at hindi sila mabilis gumalaw; patay na siguro ako ngayon. As I walk back to my hotelroom, ang maliit at cheap na tinutulugan ko para lang sa isang gabi. I can't help but think I'm being followed. I keep looking around for footsteps or a pair of eyes but I get nothing.

So pumasok ako sa room ko, bumuntong hininga at binuksan ang ilaw. Umupo ako sa kama at tumadyak para matanggal ang boots ko, nakakatamad tanggalin ng maayos. Inilagay ko ang extra weapons ko sa maliit na lamesa kasunod ng kama ko. Maingat kong inalis ang holster ko, inilagay sa ilalim ng unan. I don't trust anyone. A vampire can come seek revenge in the middle of the night; bihira lang 'yon dahilan hindi ako nagiiwan ng kahit na anong bagay para masundan nila ako.

Hinubad ko ang suot kong shirt at jeans, changing into comfortable sweats and a baggy t-shirt. Ito lamang ang tanging oras na pwede akong magrelax, pero hindi gaano. Nagaalala parin ako sa mga vampires. Hindi naman pwedeng hindi nila kilala ang pumapatay sa lahi nila. If you're the number one hunter in Philippines, you're bound to be the number one enemy of vampires.

Humiga ulit ako sa kama ko, unti unti akong nilamon ng dilim.

* * *

Around three in the morning, nagising ako dahil sa kaonting ingay. Hindi ko dinilat ang mata ko, kung sakaling merong ibang tao ang nakapasok dito. Ang kamay ko ay gumagalaw na papunta sa ilalim ng unan ko, hinigpitan ko ang hawak ko sa sword. Mahaba ito at kaya kong sugatan agad kung sino man siya. Kapag baril ang hahawakan ko hindi tatalab dahil kalahati ng katawan ko ay tulog pa at dahil 'don ay hindi ko mababaril ng maayos ang babarilin ko.

The sound again. Ang tunog na nagpapahiwatig na may tao dito. Naramdaman kong may humawak sa buhok ko---I mean stroke it. Hindi ko na kayang magpanggap na tulog. Idinilat ko ang mata ko at mabilis na hiniwa sa braso ng taong 'to. No. Not human, but a vampire.

The person hisses out and I automatically know it's a vampire. Tumalon ako sa kama upang makatayo, tatamaan ko nanaman siya. But the sword is caught just as fast as I threw it. Namatay ang ilaw, hindi ko makita kung sino siya. Sa mga tunog na narinig ko kanina, lalaki siya. Hinila ko pabalik ang sword ko dahil ang pagkakahawak ko dito ay hindi masyadong mahigpit. I dodge past him and turns the light on.

Hunter. (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon