Chapter 17

455 10 2
                                    

"MOMMY, kanina nakita ko ulit 'yong lalaki na pumunta sa bahay," My daughter said when she arrived at the store. I looked at her with my brows furrowed and my heartbeat racing.

"A-Anong sinabi niya sa'yo?" I asked nervously. Naupo siya sa upuan at tumingin sa akin.

"Wala naman, my. Binigyan niya lang ako nito," she said and took a necklace out of her pocket. "He said it's a gift daw. Ang ganda nga mommy eh. Tapos binilhan niya rin ako ng ice cream." Sunod-sunod na sabi nito.

Parang nanghina ang tuhod ko sa narinig. Kung hindi lang ako nakakapit sa mesa ay baka natumba na ako. Alam kong gagawin niya ang lahat para sa anak ko. Para makasama ang anak niyang itinago ko sa loob ng walong taon.

"Brya, 'di ba ang sabi ko sa'yo, 'wag kang magtitiwala at tatanggap mula sa strangers," I said and sat beside her.

"Ang sabi niya kasi kilala mo raw siya at kilala niya ang daddy ko. Totoo po ba 'yon, my?" She asked. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Mabuti na lang at may biglang lumapit na customer kaya hindi ko nagawang sagutin ang tanong niya.

Nang maubos ang panindang mga isda ay agad din kaming umuwi ni Brya. She wore the necklace that his father gave him. It was a heart gold locket.

"Nak, can I take a look at your necklace?" I asked. She nodded her head patiently and remove the necklace and gave it to me. I immediately took and check it. Muntik ko ng mabitawan ang kuwintas ng makita ang picture namin doon no'ng nag hiking kami. On the other side of the locket was Brya's baby picture.

Hindi ko alam kung saan at paano niya 'to nakuha. Ang alam ko lang ngayon ay gagawin niya ang lahat para mabawi ang anak ko. I hand her the necklace and she accept it with a big smile. She's happy and I don't want to take it away from her.

"Magbibihis lang po ako tapos gagawa na ng assignments ko, my." She said, I just nodded and kissed her cheeks. Patalon-talon pa itong pumasok sa kuwarto namin.

Pabagsak akong naupo sa sofa namin at doon tumulo ang luha. Nilabas ko ang cellphone ko at nagtipa doon bago iyon i-send. I wipe my tears and stood up to cook dinner for my daughter. Simpleng pritong isda lang ulam namin. Nang matapos sa pagluluto ay agad kong tinawag ang anak para kumain.

Habang kumakain ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan. Halos sumabog ang puso ko ng makita ang reply. Hindi na tuloy ako mapakali hanggang sa matapos kami kumain. Inayusan ko na rin si Brya para patulugin.

"Mommy, okay ka lang ba?" My daughter suddenly asks. Humarap ako sa kaniya at inayos ang task na buhok nito.

"Oo naman. Bakit naman hindi magiging okay si mommy?" I asked back. She shrugged her shoulders and hugged me tightly.

"Mommy kita kaya alam kong sad ka," she said which made me cry. "I saw you crying kanina, my." She added. Mas lalo akong naiyak sa sinabi nito.

As much as possible, I don't want her to see my crying. I want her to always see me brave and smiling. Ayaw kong nakikita niya akong nahihirapan at mahina. Palihim kong pinunasan ang mga luha ko bago kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

"Okay lang si mommy, 'nak. Pero may tanong ako sa'yo," I said.

"Ano po 'yon, my?" She asked curiously. Umayos pa ito ng upo at tumingala sa akin.

"A-Ano ang gagawin mo kapag nakilala mo ang daddy mo?" I asked. Nangunot ang noo nito at nag-isip.

"Tatanuning ko kung bakit ngayon lang siya, my. K-Kung bakit wala siya noong kailangan natin siya at sa panahon na nahihirapan ka." She said as her tears fell on her cheeks. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig.

The Forbearance WifeWhere stories live. Discover now